Ellice Pov
"Ellice bakit ang tagal naman ata ni Kaicel?Babalik pa ba yun?",sa totoo lang,hindi lang sampung beses niyang tinanong yan.Puro si KC nalang yung pinag-uusapan namin.Ni hindi man lang siya nagtanong tungkol sakin.Pakiramdam ko tuloy katulad lang siya ng iba na kaya lang nakikipagkaibigan sakin dahil gusto nila mapalapit kay KC.
"Pabalik narin siguro yun",walang ganang sabi ko bago sumubo ng carbonara.Siguro dito ko nalang ibabaling yung inis ko.Kakain nalang ako.
"Magkwento ka pa tungkol sa kanya---Wait ilang taon na ba kayong magkakilala?",nilunok ko muna ang carbonara na kinakain ko bago sumagot.
"Dalawang taon",mukhang nagulat ito sa sinabi ko dahil bahagyang nanlaki ang mata nito.Anong nakakagulat sa sinabi ko?
"Dalawang taon palang?",tila hindi makapaniwalang tanong nito.Wow palang?Psh naiinis na talaga ako ah.Huwag niyang nilalang ang dalawang taon na iyon kasi sa dalawang taon nayun,naging masaya at memorable talaga ang buhay ko,hanggang ngayon rin naman.
"Oo bakit?",tanong ko.Umiling naman ito.
"Well,akala ko kasi since childhood magkakilala na kayo.Dalawang taon palang pala kayong magkakilala then you considered each other like a bestfriend and you two seems so close",nagkibit-balikat nalang ako sa sinabi niya.
"Hindi naman kasi mahirap kaibiganin si KC.Bukod sa may saltik at isip bata siya,bubbly rin siya",sagot ko.Napatango-tango naman ito,halatang interisadong-interisado kay KC.Psh,sabi na eh katulad lang siya ng iba.Kahit hindi niya sabihin halata naman.I don't like her now.
"Oh wait! Alam mo ba na kasali siya sa isang Gang-grou----"
"Elli.."
Sabay kaming napalingon sa likuran ko nang marinig ang malamig na pamilyar na boses na iyon at tama nga ako,nandito na siya.
Si KC..
"Bakit ang tagal mo?",medyo inis na tanong ko rito.Hindi ko maiwasan mainis kasi ang tagal niya eh halos isang oras siyang nawala tapos ganyang ekspresyon ang isasalubong niya sakin.
"Sorry I just...do something",sabi nito bago tumingin kay Eunice.
"At ano naman yun?",usisa ko rito.Aba!Nangako kaya kami sa isa't isa na No secrets to each other.
"That's not important,don't mind that",sabi niya pero ang nakakainis lang kasi ako yung kausap niya pero kay Eunice siya nakatingin kaya ang babae ay namumula na kaya naman nagtaka ako.Hmmm,anong meron sa kanila?Tsaka bakit deretso parin siya mag-english?Galit parin ba siya?Bakit hindi na siya isip bata?May mood swing.
"Galit ka ba?",tanong ko rito.Sa wakas ay tumingin na ito sakin psh.Maya-maya lang ay nagbago nanaman ang ekspresyon ng mukha nito,naging maamo na ito katulad ng nakasanayan ko.
"No Elli I'm not mad",malambing na sabi nito pero sinimangutan ko lang siya.Abnormal na lalaki!
"Abnormal ka!Minsan natatakot na ako sa'yo.Mayla ko bang tuluyan ng bumigay yang utak mo sa sobrang talino mo at tuluyan ka ng nabaliw.Isip bata tapos biglang magagalit--Argh!Ang gulo mo",nakasimangot na sabi ko rito pero ngumuso lamang ito.Tignan mo tignan mo,baliw na talaga siya.
"You're so mean Elli.I am not what you think.Hindi ako baliw!",nakangusong sabi nito.Kahit naiinis ay napangiti nalang ako.Natuwa na ako kasi bumalik na siya sa pagiging abnormal!Ngumunguso na ulit siya,nagbi-baby talk tapos parang bata nanaman ito.
"Baliw ka kaya..",ngiting sabi ko rito.Nakanguso parin ito pero halatang nangingiti rin ito.
"*Ehem*"
YOU ARE READING
My Psycho-Childish Bestfriend
Teen FictionWhat will you do if you've given a chance to have a boy-bestfriend but childish.Ellice Andrada have a bestfriend named Kaicel Angelo Lewis a certified handsome and hot bestfriend but childish she have that always gives her a migraine and even though...