CHAPTER 15

1.1K 36 5
                                    

Ellice Pov

"Mabuti naman nakatulog na siya.."

Napalingon ako kay Denver nang magsalita siya,seryoso ang mukha niya habang nakatingin kay KC na ngayon ay mahimbing nang natutulog.

Ayaw pa nga matulog ng isang iyan dahil kapag natulog daw siya ay aalis daw ako,umiyak pa nga kaya ayun binatukan ko at sinabing hindi naman ako aalis.Kaso mas lalong umiyak dahil masakit daw ang pagkakabatok ko sa kanya kaya tinakot ko nalang na aalis ako kapag hindi siya natulog kaya ayun hindi magkanda-ugaga sa pagpikit ng mata hanggang sa makatulog na ng tuluyan.Napailing nalang ako nang maalala yun.

"Let's have a seat Ellice.I'm sure na nangangalay ka na diyan.Kanina ka pa nakatayo diyan eh..",sinunod ko nalang ang sinabi ni Denver.Umalis muna ako sa gilid ng kama ni KC at pumunta sa sofa na may hindi kalayuan sa kanya.

Bigla akong napahawak sa tuhod ko nang kumirot iyon.Argh!Ngayon ko lang naramdaman ang sakit kung kailan nakaupo na ako.Sa bagay,halos dalawang oras ba naman akong nakatayo sa gilid ng kama ni KC para lang bantayan siya.

Umusog palapit sa akin si Kendra kaya napatingin ako sa kanya.Ramdam ko na gustong-gusto na niyang itanong kung anong nangyari pero nanatiling tikom lang ang bibig nito na ipinagpasalamat ko dahil hindi ko talaga alam kung paano sisimulan,kung ano ba ang dapat kong sabihin.Sasabihin ko ba na 'Nakapatay po ng tao si KC dahil sa akin..' ganun ba?Maaaring ganun nga dahil kasalanan ko naman talaga.Ako naman talaga ang dahilan kung bakit niya nagawa iyon.

"Ellice..",napatingin ako sa kaharap kong si Azrail nang tawagin niya ang pangalan ko.Ngayon niya lang ako tinawag sa pangalan ko at sa masungit na paraan pa,ang sungit talaga.

"Bakit?",tanong ko.Nararamdaman ko kasi na may gusto siyang sabihin.Kahit sila Denver at ang grupo ay nakatingin sa akin na wari'y gustong magsalita.

"May..may kailangan ka pang malaman",kumalabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa sinabi ni Oliver.

Anong kailangan ko pang malaman?Bakit,meron pa ba?Marami pa?Mas malala ba?

Matagal bago ako nakasagot. "A-ano yun?"

"Sana..sana panghawakan mo yung pangako mo sa kanya.Don't leave him..",muling sabi ni Oliver kaya alam kong hindi ko nanaman magugustuhan ang malalaman ko.Ano pa bang tinatago mo KC?Bakit ang dami mong sikreto?Akala ko 'No secrets to each other'.Talaga bang marami pa akong hindi alam sa'yo?

"Sabihin mo ano yun?..",seryosong tanong ko habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya.Nag-aalangan naman siyang tumingin sa mga kasamahan niya bago muling tumingin sa amin.

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit kami nandito?",agad na nabaling ang tingin ko kay Azrail nang magsalita nanaman ito gamit ang masungit nitong boses.

Tama siya..actually,kanina pa ako nagtataka kung bakit nandito pa ang grupo nila at kung bakit magkakasama sila kanina sa abandonadong silid na iyon.Eh ang sabi sa akin ni KC ay hindi niya naman daw kakilala ang DH gang.Alam lang daw niya ang mga pangalan nito dahil laging usap-usapan sa school ang tungkol sa grupo na iyon.

"Bakit nga ba kayo nandito?",mahinahong tanong ko.Hindi pwedeng nandito sila ng walang dahilan.

"He's also part of our gang.."

Parang may sumabog na kung anong bagay sa ulo ko nang marinig ko ang sinabi ni Denver.

Natulala ako sa kanilang harapan dahil sa narinig ko.Kabilang siya sa DH gang?Pero ang sabi niya hindi naman niya kakilala ang mga iyon.Ano,nagsinungaling nanaman siya sa akin?!

"Actually,he's not just a member..He is our leader..",mas lalo akong hindi nakapagsalita sa sinabi ni Denver.Unti-unti ko nanamang nararamdaman ang mga emosyon na akala ko naglaho na kanina.Nasasaktan nanaman ako,nanghihina nanaman ako at naiiyak nanaman ako.

My Psycho-Childish BestfriendWhere stories live. Discover now