CHAPTER 12

934 37 7
                                    

Ellice Pov

Isa si Tania sa nakipagkaibigan sa akin para..para mapalapit kay KC actually dalawa sila.Yung isa ay si Carie.

Himala na hindi niya yata ito kasama ngayon,halos hindi mapaghiwalay ang dalawa,sanggang dikit nila ang isa't isa kaya nga nagkampihan pa sila para kaibigan ako.

Akala ko totoo na gusto nilang makipagkaibigansa akin yun pala,ginagamit lang nila ako para mapansin sila ni KC.

Tandang-tanda ko pa yung huli nilang sinabi nun.

'Ginamit kalang namin para mapalapit kay Kaicel and you know what?You're worthless!Wala naman kaming napala sa'yo.Nasayang lang yung oras namin sa pakikisama sa'yo,hindi naman pala kami mapapansin ni Kaicel.So we better end this fake friendship!'

Nasaktan ako ng sobra nang sabihin iyon ni Carie,umiiyak na ako sa harapan nila pero parang wala lang sa kanila yun.Doon ko napatunayan na ginamit lang talaga nila ako.

Pero wala na sakin yun,nakamove on na ako dun.Though medyo masakit parin kung iisipin.

"Tania ikaw pala,di mo yata kasama ngayon si Carie",mahinang sabi ko

"Sumama ka sakin.."

Nagulat ako sa sinabi niya.Bakit ako sasama sa kanya?

"Bakit?",nagtatakang tanong ko.

"May sasabihin akong importante at sasabihin ko rin kung bakit hindi ko kasama si Carie ngayon at kung bakit hindi ko na siya pwedeng makasama pa..",seryosong sabi nito.Natigilan ako sa sinabi niya.

Anong ibig niyang sabihin doon?

Nagdadalawang isip ako kung sasama ba ako o hindi.Kinakabahan kasi ako sa maaari niyang sabihin eh,parang may hindi tama.

"Si-sige.."

Pumayag ako na sumama sa kanya.Lumabas kami ng room at ngayon ay nandito kami sa soccer field,wala masyadong tao dito.Yung mga player lang na nagpapractice ang nandito.

"Ano ba 'yong..sasabihin mo?",marahang tanong ko.Mula sa pagkakatingin sa harap ay bumaling ito ng tingin sa akin.

Seryosong-seryoso ang mga mata nito ngunit unti-unting bumalatay roon ang lungkot.

"Wala na si Carie..Ellice,wala na siya..",puno ng lungkot na sabi nito at tuluyan ng umiyak.Ako naman ay natulala sa sinabi niya.Wa-wala na si Carie?

"A-anong wala?Anong nangyari sa kanya?",dali-daling tanong ko at marahang hinahaplos haplos ang likod nito para sana patigilin sa pag-iyak.

"Patay na siya Ellice..patay na siya"

Mas lalo akong nagulat sa sinabi niya.

Patay na si Carie?

Paano nangyari yun?

Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya.Heto nanaman yung feeling na parang may nakadagan na mabigat sa dibdib mo.

"I am very sorry sa ginawa naming panggagamit sa'yo.Maniwala ka man o hindi,naging totoong kaibigan ang turing ko sa'yo.Narealize ko na sobrang bait mo para gamitin namin para lang mapalapit sa isang tao.I'm very sorry Ellice,sana mapatawad mo din si Carie sa mga nasabi niya sa'yo.Masyado lang kaming nabulag sa feelings namin para kay Kaicel"

Mas lalo akong hindi nakapagsalita dahil sa narinig ko.

Hindi ko akalain na maririnig ko ito mula sa kanya.

Matagal kong hinintay ang pagkakataon na ito.Ang marinig ang 'sorry' nila.

Ngayon nandito na..nakamit ko na.

My Psycho-Childish BestfriendWhere stories live. Discover now