CHAPTER 5

1.4K 47 4
                                    

Ellice Pov

"Oh,thinkin' about all our younger years
There was only you and me
We we're young and wild and free~"

Sinasabayan ko ang kanta na pinapatugtog ko ngayon.Paborito ko talaga ang kantang 'Heaven', napakarelaxing and smooth lang ng melody tapos hindi pa siya mataas,katatamtaman lang para masabayan ko.

"Now nothin' can take you away from me
We've been down that road before
But that's over now
You keep me coming back for more..~

And baby you're all that I want
When your lying here in my arms
I'm findin' it hard to belie---"

Napahinto ako sa pagsabay sa kanta nang matitigan ang mukha ni KC,nakahiga kasi siya sa hita ko ngayon at natutulog.Ang sabi niya kantahan ko daw siya para makatulog siya at mukhang effective naman.Napangiti nalang ako at hinaplos-haplos ang malambot niyang buhok.Kung tititigan mo siya,Sobrang gwapo naman niya talaga kaya hindi ko masisisi ang mga babae na may gusto sa kanya,mukha siyang anghel na natutulog,ang tangos kasi ng ilong niya,tinalo pa nga yung akin tapos mas maputi pa siya sakin,kumbaga kapag pinagtabi kami,ang kinalabasan ay gatas at medyo gatas hahahaha hindi naman kasi ako choco,katatamtaman lang tapos yung pilik mata niya parang pang-Barbie sa haba,pataas pa.Mas mukha pa nga siyang babae kaysa sakin eh,siguro kung nagiging babae siya ay mas maganda pa siya sakin.

Hmm,may sikreto ako *ehem*.Na-nagkagusto rin ako sa kanya dati pero dati nayun,hindi pa kami magkaibigan nun,stranger palang kumbaga tapos lalo na nung maging magkaibigan kami ay mas lumala ang pagkagusto ko sa kanya pero kinalimutan ko na kasi ayokong masira ang pagkakaibigan namin at ngayon masasabi kong nakalimutan ko na ang feelings ko nayun.'Magkaibigan kami',yan ang itinatak ko sa isipan ko noon.

"Hmm bakit tumigil ka?",napaigtad ako nang magsalita si KC.Gising na pala siya

"K-KC..gising kana pala",medyo kinakabahan na sagot ko.Ewan ako kung bakit ako kinakabahan,sa tuwing naaalala ko kasi yun tapos nandiyan at malapit lang siya sakin ay parang..parang..Argh!Basta hindi ko maipaliwanag.

"Bakit tumigil ka sa pagkanta?",nakangusong sabi nito kaya napatingin ako sa labi niya.Parang nanuyo yung lalamunan ko na para bang gusto kong hawakan iyon.Ang pula at ang mukhang malambot kasi.Ano bayan?!Erase!.Hay tumigil ka Ellice,naalala mo lang yun,nagkaganyan kana?

Ipinilig ko ang ulo ko ng ilang beses dahil sa naiisip.

"A-ayoko na..baka mapaos na ako,ilang kanta na kaya yung kinanta ko habang natutulog ka",sabi ki rito.Pinilit kong maging normal sa harap niya pero lumalabas talaga ang kaba ko.

"Pewo usto ko kanta ka pa",hindi nalang ito ngumunguso ngayon,nagpu-puppy eyes narin siya.Jusko!Bakit ang cute ng lalaking ito?Kindly explain!

"Bahala ka,ayoko na",sagot ko nalang at umiwas ng tingin.

"Bakit namumuwa ka? May chakit kaba?",sinipat nito ang leeg at noo ko at kailan pa nagkaroon ng kuryente ang kamay niya?.

"Wala akong sakit",sabi ko bago tabigin ang kamay niya.

"Elli alam mo ba dadating na yung pawents ko bukas",nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.Yung parents niya?As in pamilya?Eh?Sa dalawang taon naming pagkakaibigan ay hindi ko pa nakita ang parents niya kahit kailan,sa picture lang at masasabi kong magaganda talaga ang lahi nila.Ang sabi kasi ni KC ay nasa ibang bansa ang parents niya kasama ang mga kapatid niya.Siya lang daw ang hindi sumama sa kanila noon kasi ayaw niya sa America.Hindi ko alam kung bakit.

"Hmm bakit parang hindi ka masaya?",tanong ko rito.Mababakasan mo ng galit at lungkot ang mukha nito.Kahit pilit niyang itago ang nararamdaman niya,nakikita ko parin na nangungulila rin siya sa magulang at mga kapatid niya kahit pa sabihin na nagtatampo siya sa mga ito.

My Psycho-Childish BestfriendWhere stories live. Discover now