Ellice Pov
"He's also part of our gang..he is our leader"
"He is the one who killed Eunice.."
"Baka naman gusto mong sabihin ko sa kanya ang sikreto mo.."
"Malapit ng bumalik dito sa Pilipinas ang Tita mo and you know what Ellice.."
"Shut up!"
"Balak ka ng kunin ng Tita mo at isama sa ibang bansa.Alam iyon ni Angelo pero hindi niya sinabi sa'yo"
Parang sirang plakang nagpapaulit-ulit iyon sa utak ko.Paulit-ulit hanggang sa manghina ako,paulit-ulit hanggang sa matunaw ako,paulit-ulit hanggang sa wala na akong mailuha pa.
Paano niya nagawa sa akin yun?!Bakit siya naglihim?Bakit mas pinili niyang itago sa akin ang totoo?Wala ba talaga siyang tiwala sa akin?
Wala ba siyang tiwala na kapag umamin siya sa akin,na siya ang pumatay kay Carie at Eunice ay pipilitin kong intindihin siya?
Wala ba siyang tiwala na hindi ako sasama sa Tita ko?Na hindi ko siya iiwan.
Hanggang ngayon ba hindi niya parin ako kilala?
Na kaya kong iwanan at kalimutan ang lahat,manatili lang sa tabi niya.
Kinikilabutan ako sa pinaggagagawa niya.Pumatay siya ng tao..pumatay!Labag iyon sa batas,lalong lalo na sa Diyos..pero inintindi ko siya.Nung malaman ko na kabilang siya sa DH at siya ang pinuno sa grupong iyon,inintindi ko rin siya.Kahit gusto kong magalit at gusto ko siyang sumbatan dahil sa paglilihim niya sa akin,hindi ko ginawa.Nanahimik lang ako..
Pero yung paglilihim niya tungkol sa pag-uwi ng Tita Thelma ko..hindi ko kayang palampasin.
Alam niyang mahal na mahal ko yung Tita kong iyon.Kahit hindi ko siya nakakasama,kahit malayo siya sa akin..mahal ko iyon.Siya nalang kasi ang natitira kong kamag-anak.Alangan namang bumalik ako kay Tita Abby,edi bugbog sarado ako doon kung magkakataon.
Kilala na ni Tita Thelma si KC kaya kay KC siya tumatawag at nakikibalita tungkol sa nangyayari sa akin dito,wala pa kasi akong cellphone noon,ngayong taon lang rin ako nagka cellphone.Mumurahing cellphone lang ito,gawa ng ipon ko.Hindi ko na kinuha ang cellphone number ng Tita ko kay KC dahil alam ko namang magsasabi sa akin si KC na tumawag si Tita,pinapahiram niya pa nga ako ng cellphone para magkausap kami ng Tita ko.Alam ko iyon..at nagtitiwala ako sa kanya pero bakit ganun?..
Ano nang nangyari sa kanya?Bakit hindi niya sinabi ang tungkol sa pagbabalik ni Tita?Hindi naman siya ganun..bakit parang unti-unti ay nag-iiba na siya?O baka nga...ganito talaga siya.
At yung pinapakita niya sa akin..
Pakitang tao lang..
Ipinilig ko ang ulo ko dahil kung ano-ano ang pumapasok sa utak ko.
Magtiwala kalang sa kanya Ellice..
..kahit pa na siya ay parang walang tiwala sa'yo.
KINABUKASAN ay maaga akong nagising.Hindi ko talaga alam kung paano ako nakauwi sa apartment na tinutuluyan ko.Masyado akong maraming iniisip nun kaya hindi ko namalayan na nakauwi na pala ako.Basta nung makita ko yung higaan ko,basta nalang akong humiga at natulog.Siguro nga napagod talaga ako..
Sinimulan ko ng kainin ang mga pagkaing hinanda ko,maaga talaga akong nagising para dito.Nakabihis narin ako ng uniporme pang-school.Medyo marami itong naluto ko at hindi ko mauubos.Siguro dadalhan ko nalang si KC---
Bigla akong natigilan nang maalala ko si KC..kamusta kaya siya?Magaling na ba yung sugat niya?Ano kayang ginagawa niya ngayon?Magkasama kaya sila ni---
YOU ARE READING
My Psycho-Childish Bestfriend
Novela JuvenilWhat will you do if you've given a chance to have a boy-bestfriend but childish.Ellice Andrada have a bestfriend named Kaicel Angelo Lewis a certified handsome and hot bestfriend but childish she have that always gives her a migraine and even though...