Ellice Pov
Kahit nanghihina ay pinilit kong tumayo at wala sa sariling naglakad pabalik sa room,sa sobrang pag-iisip ay nalaktawan ko na ang unang subject namin pero parang wala muna akong pakialam doon sa ngayon.Ang gusto ko..
Makita si KC.
Gusto ko siyang makita..
Gusto kong marinig mismo sa kanya na hindi siya ang nagsulat at gumawa nito,gawa-gawa lang ito ni Tania.Baka sinisiraan lang siya ni Tania sa akin.
Napahigpit ang hawak ko sa papel nang maalala nanaman ang nakasulat doon.Hindi..
Hindi pwedeng gawin ito ni KC.
Hindi niya kayang gawin yun,hinding-hindi.
Nanlalabo ang paningin ko dahil sa namumuo nanamang luha sa mata ko,halos hindi ko na makita ang dinadaanan ko dahil sa sobrang pagluha.
May parte sakin na gustong maniwala sa sulat na ito pero mas malaki ang parte sa akin na hindi maniwala.Hindi siya ganun..tama,magbestfriend kami,kilala ko siya.Hindi niya kayang gumawa ng ganoong klaseng kasamang gawain.
Hindi niya kayang pumatay..
Papaniwalaan ko lahat ng sasabihin niya,makikinig ako sa kanya,magtitiwala ako sa kanya.Sa kanya lang ako makikinig,hindi ako makikinig sa iba.
"So what's your plan?.."
Nabalik ako sa wisyo nang makarinig ako ng boses sa kung saan,napahinto rin ako sa paglalakad.Napalinga-linga ako at napagtanto kong hindi pala ito ang daan pabalik sa room namin.Nasa isang mahabang hallway ako kung saan walang taong masyadong dumadaan.
Nasaan na ba ako?
Ganun ba ako ka-pre-occupied para mapunta rito ng hindi ko namamalayan.
Natulala muna ako saglit bago napabuntong hininga at napagpasyahang mag iba ng direksyon.
"Don't tell me hindi mo parin nasasabi sa kanya?"
Napahinto ako sa akmang pag-alis nang makarinig muli ng isang tinig.Nagpalinga-linga ulit ako sa paligid para sana hanapin kung saan iyon nanggagaling.Pamilyar ang tinig na iyon para sa akin pero..hindi ko matukoy kung sino ito.
"She will hate me.."
Tuluyan akong nanigas sa kinatatayuan ko nang marinig ang isa pang pamilyar na boses.
Kilalang-kilala ko ang boses na iyon..
"KC..",wala sa sariling bulalas ko.Bumilis ang paghinga ko sa hindi malamang dahilan,bigla ring nanginig ang mga tuhod at kamay ko nang marinig ang boses niya sa ganoong klase ng tono.
Napakalamig,madiin at maotoridad.
Mas lalo akong naging desidido na mahanap kung saan nanggagaling ang boses na iyon.
Kailangan ko siyang mahanap,kailangan ko siyang makausap.
Napaigtad ako nang makarinig ako ng kalabog sa isang silid.Napalingon agad ako sa silid na iyon at napagtantong..isa na itong abandonado.
Kahit nanginginig ang tuhod ay pinilit kong humakbang papalapit sa isang silid na iyon.
Habang papalapit ako ay mas lalong lumalakas ang tinig na naririnig ko.Marahil tama ako..baka nandito nga si KC sa silid na ito.
At ano namang ginagawa niya dito?Sino ang mga kausap niya?Bakit dito pa,gayong abandonado na ito?
"She will understand you.."
"She won't understand..she will hate me.I swear,she will really hate me to death.."
"But you need to tell her everything and you need to accept her anger.."
![](https://img.wattpad.com/cover/205389587-288-k308742.jpg)
YOU ARE READING
My Psycho-Childish Bestfriend
Fiksi RemajaWhat will you do if you've given a chance to have a boy-bestfriend but childish.Ellice Andrada have a bestfriend named Kaicel Angelo Lewis a certified handsome and hot bestfriend but childish she have that always gives her a migraine and even though...