Chapter 61

817 24 0
                                    


Yvette

Kasalukuyang tinatahak ng sasakyan namin ang daan papunta sa dati kong tirahan.Ngayon ko kase dadalawin ang namayapa kong mga magulang.Lingid sa kaalaman nila Tiya Cita na dadating ako ngayon.Sasamantalahin ko na rin ang pagkakataong ito para ipakilala sa kanila ang lalakeng minamahal ko.

Sobrang miss na miss ko na sila lalo na ang parents ko.Ilang buwan din kaming di nagpangi-pangita simula ng kupkupin ako nila Daddy at Mommy.Masaya akong makita silang muli.Mas masaya lalo sana kung mayayakap ko pa ang mga magulang ko.Hayzz!

"Mhine,are you okay?"tanong ni Mhine sakin habang tuloy-tuloy ang pagmamaneho

Yeah!,iniisip ko lang ang mga kamag-anak ko na pupuntahan natin.Siguradong matutuwa sila at magugulat sa pagdating natin.Masaya sana kung madadatnan ko pa ang parents ko don sa bahay namin at sasalubungin ako ng yakap pero sa kasamaang palad di na mangyayari kahit kelan!"napaiyak na ako ng tuluyan dahil nakaramdam na naman ako ng sakit at sobrang kalungkutan

"Mhine ko,please wag kang umiyak!tibayan mo lang ang loob mo.Andito lang ako at sila Mom at Dad para sayo.Makaka move-on ka rin sa pagkawala nila.Wag mong ikulong ang sarili mo sa kalungkutan dahil tiyak na di magugustuhan ng mga magulang mo yon.Saan man sila naroroon nakikita ka nila at gagabayan ka nila dahil mahal ka nila.Dika nila pababayaan sa paraang kaya nilang iparamdam sayo.Kaya tahan na di kita pababayaan okay!"itinigil niya muna ang kotse saka niya ako kinabig para yakapin

Kahit papano lumuwag luwag ang pakiramdam ko.Ang sarap pala sa pakiramdam na merong isang tao na nagmamahal sayo at handa kang damayan sa mga problema at pagsubok na pinagdadaanan mo.

Meron din pa lang itinatagong kabaitan at kasweetan ang mokong na ito hehej.

Kumalas ako ng yakap sa kanya.'Thank you mhine,sana di mo ako iwanan tulad ng ginawa nila sakin.Diko kakayanin kung pati ikaw mawawala sakin!"

"Shhh!wag kang mag-isip ng ganyan.Di mangyayari yon.Tahan na baka mamaga pa yang mga mata mo sabihin pa nila pinaiiyak kita baka di nila ako tanggapin at ipabugbog pa nila ako.Kawawa naman ang gwapo mong boyfriend haha!"biro pa niya

Hayaan mo na minsan ka lang mabugbog eh haha!"pagtingin ko sa kanya nakuha pang mag pout di naman bagay

Pch!ayusin mo nga yang nguso mo di bagay sayo magpout your so gay you know hahaha!"tudyo ko sa kanya na ikinalamukot ng mukha niya.Paktay!

Tumigil bigla ang sasakyan.At humarap siya sa akin na magkasalubong ang kilay.

"What did you say ?Gusto mong patunayan na di ako bakla huh?"saka unti unti siyang naisod palapit sakin

Ano ba?Lumayo ka nga.Wala naman akong sinabing ganun ah!"sabi ko sa kanya habang naisod ako palayo pero wala na pala akong pagsisiksikan pa ng katawan ko dahil maliit lang ang space ng inuupuan ko sa loob ng kotse

Palapit siya ng palapit hanggang sa am
oy na amoy ko na ang hininga niya at halos magkauntugan na ang mga noo namin.

"At ako pa ang binge ganun ba huh mhine ko?"halos pabulong niyang saad habang nakangisi sakin

Ang lapit na ng mukha namin sa isa't isa kaya diko mapigilan di mapalunok sa posibleng mangyari sa naging posisyon namin.Titig na titig siya sa mukha ko dahil don pakiramdam ko pulang pula na ako at parang sasabog na ang init ng mukha ko ora mismo sa awkward na sitwasyon namin.

Diko naman ito first kiss pero diko maipaliwanag ang nararamdaman ko tuwing nagkakatitigan kami at malapit ang katawan sa isa't isa.Para akong hinihigop sa tamang katinuan.Diko maiwasang titigan ang mapupula niyang malambot na labi.Sa sobrang lambot ay parang pakiramdam ko nasa alapaap na ako char!

"Mhine,can i kiss you!"pakiramdam ko kulang na lang tawirin na niya ang konting pagitan saming dalawa sa pagnanasang makahalik sakin

Diko na nagawang tumugon dahil naramdaman ko na lang ang labi niya na sakop na ang labi ko.Hinapit pa niya ako lalo palapit sa kanya nong tinugon ko ang nagaalab niyang halik.Parang may kusa ang mga kamay ko na yumapos sa batok niya habang pinagsasaluhan namin ang halik na akala mo ay wala ng bukas.Kapwa kami hingal matapos ang mahabang halik na yon.Titig na titig siya sakin at may nakakalokong ngiti kaya pakiramdam ko may sili na ang mukha ko sa sobrang init dahil sa hiya.

"Galing mo nang humalik mhine huh!Pasalamat ka at nakapag pigil ako kundi makakabuo tayo ng junior dito sa kotse hahaha!"tawa siya ng tawa habang bumabalik sa pwesto niya

Bastos!tigilan mo nga kamanyakan mo!kahit kelan ka talaga.Bilisan mo na para makarating na tayo!"inirapan ko lang siya habang panay pa rin ang tawa.

Ilang oras din ang naging byahe namin bago kami nakarating dito sa dati kong tinirhan.Marami rami na rin ang pinagbago dito lalo na ang mga bahay.Yong dating halos dikit dikit na ngayon ay halos lahat mga sementado na at malalayo na ang agwat.Yong bahay lang namin dati ang walang pinagbago pero mukha namang alaga ng linis lalo na ang labas at paligid.

"Lets go,baka abutin tayo ng gabi sa sementeryo babyahe pa tayo pabalik sa atin."yakag sakin ni Drake

Tumango ako sa kanya at inalalayan niya naman ako habang naglalakad kami palapit sa bahay ni Tiya Cita.Marami ang napapatingin sa amin dahil siguro bago lang sa kanila ang mukha ng kasama ko o diko alam kung pati ako ay di na nila natatandaan.Ngumiti lang ako sa kanila dahil halos kakilala ko naman sila sa baryong ito.

Tao po!Tiya Cita!"tawag ko ng makarating kami sa tapat ng bahay nila

"Sandali,andyan na.Sino bang ke-Yvette?Ikaw ba yan?"gulat na gulat na tanong ni Tiya Cita

Ako nga po Tiya,kumusta po kayo?"sabay mano ko sa kanya sinundan naman ni Drake ang ginawa ko

"Mabuti naman iha,buti naman at napadalaw ka,pasok kayo ng makapagpahinga kayo.Sino ba yang gwapong kasama mo Yvette?"tanong ni Tiya habang nakuha ng maiinom sa kusina

Umupo naman si Drake habang ako nililibot ko ang paningin ko sa loob ng kabahayan nila Tiya.
Maya maya lumabas na rin si Tiya na may dalang juice at tinapay.

"Umupo muna kayo at makapag meryenda.Pasensya na kayo kung alam ko lang na dadating ka Yvette nakapagluto man lang sana kahit pancit."nahihiyang saad ni Tiya

Naku Tiya okay na po eto.Wag na kayong mag abala.Ahh si Drake nga po pala anak ng mga kumupkop sa akin."nakangiti kong pagpapakilala kay Tiya

"Kumusta po kayo.Ikinagagalak ko pong makilala kayo!"sabay lahad ni Drake ng kamay kay Tiya na tinanggap naman.

"Ako rin iho.Maraming salamat sa inyo dahil di niyo pinabayaan ang pamangkin ko. Kung nasaan man ang kapatid ko siguradong masaya sila ngayon sa kalagayan  ni Yvette."masayang saad ni Tiya

"Umasa po kayo at ipinapangako ko pong ligtas at magiging masaya si Yvette sa piling namin lalo na sa piling ko!"nakangiting baling sakin ni Drake sabay pisil sa palad ko.

My cheeks heat up.Diko pa nga nasasabi kay Tiya tungkol sa relasyon namin dumali agad ng kasweetan ang mokong na ito.

"Mayroon ba kayong di sinasabi sakin iha?"seryosong tanong sa akin ni Tiya

Ahm..Tiya.Nga po pala boyfriend ko rin po si Drake!"nahihiya kong sabi sa kanya na ikinalaki ng mata niya

"Ano?ako ba ay pinagloloko niyo ha?ano na lang sasabihin ng mga magulang niya.Baka sabihin nila sinasamantala mo ang kabaitan nila."natatarantang wika ni Tiya

Sabi na nga ba eh!!magugulat si Tiya sa ibabalita ko.

"Wag po kayong mag-alala.May permiso po ang relasyon namin sa magulang ko..I mean sa magulang namin ni Yvette.Wala pong problema sa kanila basta masaya kami sa relasyon namin at wala kaming tinatapakang mga tao.!"saad naman ni Drake

"Naku naman kayong mga bata kayo.Sya sya kung masaya kayo at di mo sasaktan ang pamangkin ko ay walang problema sa amin.Iginagalang ko ang desisyon niyo.Basta Drake iho ikaw na bahala kay Yvette ha lalo na ngayon malayo kayo sa amin.Saan man naroroon ang kapatid  ko masaya sila para kay Yvette."tumayo si Tiya saka ako niyakap

Yumakap din ako sa kanya at diko napigilang di mapaluha dahil sa saya dahil di niya tinutulan ang relasyon namin ni Drake.Anu pa man kase ang mangyari nirerespeto ko pa rin ang magiging desisyon nila dahil isa sila sa tinuturing kong magulang.

Cold Gangster fall inlove with her Adopted sisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon