Someone's Pov

1.3K 34 0
                                    

Nong ayos na ang pakiramdam ni Yvette,di na rin sila nagtagal sa hospital,Paglabas nila noon lang nila napansin na gumagabi na pala.

Inalok nang mag-asawa si Yvette na ihahatid nila ito at para makilala na rin ang mga kamag-anak neto.

Ilang minuto rin ang lumipas bago sila makarating sa bahay nila Yvette.Hangang hanga ang mag -asawa sa tirahan ng mga ito.Kahit na maliit lamang ito,kitang kita na masisinop ang mga nakatira dito.

Simpleng simple lamang ang laki at iilan lamang ang mgs gamit.Lahat ito ay nakapwesto sa tamang lagayan at at halatang halata na nililinis ang mga ito araw-araw.

Iisa lamang ang kwarto ngunit kahit maliit ang bahay di mo masasabing nakakapagpasikip ito,May isang divider na maliit ang nakatayo malapit sa kusina at yon ang nagsisilbing dibisyon upang di lantaran ito sa sala.May isang tv na medyo may kalumaan ngunit malinis naman na nakapatong sa gitna ng divider.At sa ilang pitak neto at may iba't ibang klase ng stuff toys at mga libro at pocket books.

Maya maya'y dumating ang isang tiyahin ni Yvette.Kinausap nila ito at don nga nabanggit nila ang napag-usalan nila nong nasa hospital pa sila.

Natuwa pa nga ito at nagpasalamat sa mag-asawa dahil nakakatiyak daw ito na mapupunta sa mabuting kalagayan ang kanilang pamangkin.

Tinulungan ng mag-asawa na mag-impake si Yvette upang mapadali daw baka abutan sila ng traffic sa daan.Ibinilin naman ni Yvettr sa kamag-anak ang kanilang bahay at nangakong dadalaw siya pag may libreng oras.

Nagpaalam na ang mga ito pero bago pumasok sa sasakyan si Yvette,muli niyang sinulyapan ang kanilang munting tahanan kung saan siya lumaki kasama ang sumakabilang buhay na mga magulang.

"Kahit anong mangyari,at kahit saan ako makarating diko kayo makakalimutan Inay,Tatay..Lagi kayong nasa puso at isipan ko "''..wika niya sa kanyang isip...😂☺☺

Yown!! Long update again..

Hai guyz.. ☺☺☺☺

Cold Gangster fall inlove with her Adopted sisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon