Chapter 65

768 18 0
                                    


Drake

Maaga akong umalis ng bahay ng walang paalam kay Yvette.Sigurado akong magtataka at magtatampo yon dahil ngayon ko lang ginawa ang di magpaalam sa kanya.

Diko rin maintindihan kung bakit ko nagawa yon.Alam kong isang pagkakamali ko lang masisira ang maayos at masaya naming relasyon pero para namang may nagtutulak sa akin para makipag kita kay Chelzy.

Lingid sa kaalaman ni Yvette pasimple akong nakikipag-usap kay Chelzy nitong nagdaang mga araw pagkatapos naming umuwi sa dati niyang tirahan.Iniiwasan ko si Chelzy pero sadyang makulit ang babaeng yon.Kahit ang mga kaibigan ko ay di sang-ayon sa ginagawa kong pakikipag-usap sa kanya.Dahil baka daw dumating sa punto na makarating ito kay Yvette at masira ang maganda naming relasyon.

Di ko naman masisisi ang mga ito dahil nga naman sa nagawa ni Chelzy dati sa akin.At ngayong may mahal at may mabait na akong kasintahan na bukod tanging wala neto si Chelzy ay saka ako gagawa ng ikasisira ng relasyon namin.

Ayaw kong saktan si Yvette pero pag naiisip ko ang masasayang araw na magkasama namin ni Chelzy dati parang lumalambot ang puso ko.Di ko alam kong ano ito.Kung naaawa ba ako sa kanya tuwing nagmamakaawa siyang balikan ko siya o may natitira pa akong pagmamahal sa kanya kahit kami na ni Yvette.

Di maikakaila na malaki ang suporta ng mga kaibigan ko sa relasyon namin ni Yvette.Napalapit na sila sa kanya.Kahit di sila magsalita malaki rin ang pagkagusto ng mga ito sa girlfriend ko.At dahil ako ang nauna ay ipinaubaya nila siya sa akin.Ag tanging hiling lamang nila lalo na ni Dave ay wag kong sasaktan si Yvette.

Nakareceive ako ng tawag kagabi kay Chelzy.Gusto niya akong makasama kahit ilang oras lang kaya kung pwede daw na pumasok ako ng maaga at wag munang isabay si Yvette.Tumanggi ako pero di ako tinantanan.Kaya kalaunan pumayag na ako dahil ngayon lang naman.

NAng makarating ako sa tambayan namin sa school masaya akong sinalubong ni Chelzy ng yakap.Di ako gumanti pero diko naman siya itinulak.

Ano bang kelangan mo sakin Chelzy?BAka may makakita sa atin at makarating kay Yvette."sabay alis ko ng pagkakayakap niya sa akin ng marahan

"Dba sinabi ko na sayo kagabi na gusto kitang makasama.Miss na miss na kita Drake."naluluha niyang saad habang nakatitig sa akin

Binuksan ko ang pinto ng tambayan namin saka ko siya hinila sa loob ng para don mag-usap dahil maya-maya lamang dagsa na ang mga students dito sa school.

Wala ng tayo kaya pwede ba wag mo na akong guluhin.May girlfriend na ako alam mo yan.Mahal ko ang girlfriend ko at ayaw ko siyang masaktan."sabi ko sa kanya ng seryosong nakatitig sa mga mata niya

"Pero mahal din kita alam mo yan.May pinagsamahan din naman tayo diba?Alalahanin mo na lang yong masasayang araw na magkasama tayo.Please give me a chance to prove to you that i've changed.I love you very much Drake.I'm begging you,please come back to me!'"pagsusumamo niya sa akin

Fvck! ang ayaw ko sa lahat ay may umiiyak sa harap kong babae.Nilapitan ko siya at niyakap.Diko alam kong bakit ko ginawa yon pero parang may sariling isip ang mga paa at kamay ko.

Yumakap siya sakin ng mahigpit habang umiiyak.Tumingala siya sakin at kitang kita ako ang lungkot sa mga mata habang dumadaloy ang mga luha niya sa pisngi niyaNapatingin ako sa mga labi niyang mamumula na parang nagsasabi ng hawakan ko.

Hinaplos ko ang mukha niya habang titig na titig sa mga labi niya hanggang dumampi ang daliri ko sa gilid ng labi niya.Nagtitigan kami saglit hanggang sa namalayan ko na lang ma magkalapat na ang mga labi namin.

Dahil siguro sa pananabik si Chelzy na ang kumilos para lumalim pa ang halikan namin na tinugon ko naman.Pero si Yvette ang nasa isip ko habang ginagawa ko yon.

Cold Gangster fall inlove with her Adopted sisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon