Chapter 62

804 24 0
                                    


Yvette

Andito kami ngayon sa puntod ng mga magulang ko.Pagkatapos ng dramahan namin kanina nila Tiya Cita binisita namin ang dati naming bahay.Inihabilin ko na lang uli kina  Tiya.Kung sakaling may gustong bumili ay ibenta na nila at sa kanila na ang napagbentahan.Nong una at tumanggi pa si Tiya pero kalaunan tinaggap na rin ang suhestiyon ko.

Malinis naman ang puntod nila Inay at Tatay.Meron naman daw kase sadyang naglilinis ng mga nitso tuwing nakikita ng masukal na at madumi ito.Dahil araw ng mga patay ngayon marami ang tao ngayon dito sa sementeryo.Umupo kami ni Drake sa harap ng puntod ng mga magulang ko.Umalis naman saglit sila Tiya.Sasaglitin daw nila ang iba naming kamag-anak na yumao para dalawin.

Inay,Tatay,,Kumusta na po kayo?Pasensya na po kayo ngayon lang ako nakadalaw sa inyo.Diko mapigilang di maging emosyonal.Hinayaan ko na lang pumatak ang mga luha ko pakiramdam ko kase sasabog ang dibdib ko kapag pinigil ko ang mga luha ko.

Alam niyo po,lagi ko na lang tinatanong sa Diyos kung bakit kinuha niya agad kayo sa akin alam naman niyang mag-iisa na lang ako.Diko pa rin po lubos na matanggap na wala na kayo.Sobrang miss na miss ko na po kayo.Tuluyan na akong napahagulhol.Naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Drake habang hinahaplos ang likod ko.

Alam niyo po ba Inay,Tatay,diko alam ang una kong gagawin simula nong iniwan niyo ako.Nasanay akong kapiling kayo kaya mahirap para sakin na bigla bigla na lang kayong mawawala.Simula pagkabata ko kayo na ang kasama ko.Nakasubaybay at kumakalinga sa akin.Kasama ko sa lungkot at saya.Handang ibigay ang lahat ng pangangailangan ko kahit nahihirapan na kayo.Diko man lang nasuklian ang lahat ng kabutihan niyo sa akin.Sana man lang binigyan pa kayo ng chance makita ang aking pagtatapos sa pag-aaral at maabot ang pangarap ko,natin sa buhay.

Pero lahat ng iyon di niyo na makikita.Di niyo na ako masasamahan umakyat ng entablado para kuhanin ang diploma at award ko na iaalay ko pa sana para sa inyo.Di niyo na mararanasan kumain ng masasarap na pagkain,samahan akong mamasyal sa mall.At higit sa lahat di niyo na makikita at makikilala ang magiging kabiyak ko at ang magiging apo ninyo dahil iniwan niyo na ako.

Pakiramdam ko naninikip na ang dibdib ko dahil diko mapigilan ang umiyak.Kung wala lang umaagapay sakin ngayon baka kanina pa akong nakabagsak dito.

"Tahan na mhine.Walang mangyayari kung iiyak ng iiyak ka.Di yan magugustuhan ng parents mo.Alam nila na malakas ka kaya di sila nagdalawang isip na sumama sa liwanag sa piling ng ating Panginoon.Kahit naman wala na sila makikita pa nila kung anong nangyayari at mangyayari sayo.NAkagabay sila sayo araw-araw dahil ganun ka nila kamahal.Walang magulang ang matitiis ag kanilang anak.KAya tahan na huh baka mapano kapa."sabay pahid niya ng mga luha ko saka muli akong niyakap

Marahil tama si Drake.Iniwan man ako ng mga magulang ko andyan naman sila para sa akin.Siya at ang mga taong kumupkop at nag-aruga sa akin.Humiwalay ako sa kanya ng yakap saka ngumiti.Hinawakan ko siya sa kamay.

Mraming salamat mhine.Di ko alam kung anong mangyayari sakin kung di kayo dumating sa buhay ko.Siguro kayo ang ipinadala ng Diyos para sa akin kapalit ng mga magulang ko.Siguro talagang oras na nila para sa kanilang bagong buhay.Kung yon man ang ipinaabot sa akin ng Diyos.Masaya ako para sa mga magulang ko."nakangiti kong saad sa kanya

Inay,Tatay..,Bago ko po makalimutan hehe,si Drake nga po pala.Boyfriend ko.Sayang di niyo siya nakilala agad.Siya po ang lalakeng mahal ko at pagsisilbihan ko tulad ng ginagawa niyo bilang mag-asawa.Tulad niyo gagawin ko ang lahat para sa maayos naming relasyon."nakangiti kong sabi habang nakatingin kay Drake na syang ikinamula niya.Kinikilig ang mokong haha.

"Promise po.Ako po ang bahala sa anak niyo.Ako po ang magpapasaya sa kanya at mag-aalaga hanggang sa pagtanda namin.At bibigyan ko po kayo ng maraming apo!"nakangising saad sakin ni Drake

Ang mokong kahit sa harap ng puntod ng magulang ko nakuha pang magbiro ng kamanyakan.NAmumula tuloy ang mukha ko.Pero nakakakilig naman ang mga sinabi niya sa harap ng puntod ng magulang ko.

Maya maya pa ay dumating na rin si Tiya Cita kasama ng iba ko pang kamag-anak.Di nagtagal nagpaalam na rin kami baka kase abutin kami ng traffic sa daan.

Tiya Cita,di na po kami magtatagal.Kayo na po bahala sa bahay namin.Yaan niyo po sa susunod na dalaw namin magdadala na kami ng pasalubong at maglalaan kami ng mahabang oras para magkasama-sama tayong lahat.Mamimiss ko kayo."yumakap ako sa kanilang lahat saka ko pasimpleng pinunasan ang nagbabadya kong luha.

"Ate sana sa susunod na kita natin may pamangkin na kami sayo huh!"sabat naman ng pinsan kong dalaga na anak ni Tiya Cita

Pakiramdam ko namumula na naman mukha ko.Pasimple ko namang tiningnan ang itsura ni Drake at ng iba ko pang kasama.Lahat sila nakangiti ng nakakaloko pwera kay Tiya Cita.

"Tigilan mo nga anak ang pinsan mo.Mga bata pa sila para sa ganung mga bagay.Oh sige na iha lumakad na kayo baka gabihin pa kayo at abutan ng traffic."niyakap niya muli ako saka inalalayan pasakay sa kotse.

"Iho,ikaw na bahala sa pamangkin namin ha.May tiwala kami sayo sana ay wag mong sirain yon.Mag-iingat kayo lagi at magdadasal."bilin pa ni Tiya

"Maraming salamat po.Ipapasundo ko po kayo sa driver namin bago mag pasko para sama sama tayo lahat."nakangiting saad ni Drake bago sumakay sa kotse.

Kumaway ako sa kanila ng may ngiti sa labi habang papalayo ang sinasakyan namin.

Nakakalungkot man pero kelangan kong harapin kung anuman ang inilaan sa akin ng Panginoon na pagsubok.Kaya ko ito.Tiwala lang!!

Cold Gangster fall inlove with her Adopted sisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon