RESTART01

1.3K 95 236
                                    


╔═════ஓ๑♡๑ஓ═════╗

DAY ONE ¦ MONDAY
TIME: 1:34 PM

╚═════ஓ๑♡๑ஓ═════╝

Hanzel
Nakakatawa 'yon?

Jezreel
HAHAHAHA! Makisama ka naman kyah.

Mazy
Oo nga. kasalanan ba naming natutulog ka na nakanganga at chamba na may nagswiswimming na langaw do'n.

Hanzel
Ulitin niyo pa

Speed
Tama na nga 'yan. Aba, hapon na hapon pinapainit niyo ulo ni kUyA Hanzel niyo.

Yishai
Sige po. Baka malagot tayo niyan kay kUyA Hanzel.

Hanzel
Tsk. Kaya wala kayong mga jowa eh.

Sai
Wow! Says who na siyang pasimuno na gustong gumawa ng dating app?????

Hanzel
Uh excuse me? Hindi ba si @Speed naman talaga ang pasimuno at ako lang ang nagpalawak ng mga isipan niyo aber?

Sai
Tss so ano na balak? Wala? 'Di na tuloy?

Yishai
Ano pa point sa pag-uusap natin sa app na 'to kung hindi na tuloy? Gamitin mo nga utak mo Sai. Naiirita ako sa pagmumukha mo letche.

Yohann
Bat galit

Yishai
Bat ampangit mo

Mazy
Geh away

Yishai
Kita na ngang inaayos ko pa! Magulat ka nalang kapag may isang babaeng nadala rito tapos mataranta pa kayo. It's better safe than never 'di ba? :)

┏━━━━━━━━━━━━━━━━━┓
You is added on the groupchat
━━━━━━━━━━━━━━━━

Sai
Oo na boss ikaw na magaling. Sana bigyan ka ng maraming blessings ni Lord ano?

Yishai
Ty

Jezreel
Guys..

Hanzel
Wala talagang napapala 'pag ganito. Paano ba gagawin @Yohann?
Parang tinder lang? Swipe
left swipe right? Omegle? Find strangers online?

Yohann
Lam niyo yung Mystic Messenger?

Yishai
Ay

Walter
Luh oo naman syempre! Paborito ko
'yung app na 'yon eh? Gano'n ba gagawin mo? Ako si Zen ah!

Yohann
Wala pa nga akong sinasabi mukha
ka talagang kuto..

Walter
'Kaw mukha kang basahan

Hanzel
Walter umayos ka minsan ka na nga
lang magchat nang-aaway ka pa.

Jezreel
Guuuyysss?? Kita niyo bang may na-add? Kagagawan mo ba 'yan, Yishai? You pangalan eh. Bot?

Yishai
Huh? Wala akong inaadd. Inaayos ko
lang 'yung magiging bot para may
guide 'yung mga bagong sasali.

Speed
Holy shit.. tama ka nga..

Mazy
Kala ko ba bawal mag mura

Yohann
Ganyan naman siya kapag siya nag
mumura pwede tas kapag tayo
bawal. Ano kaya 'yun? Amp!

Mazy
Pero seryoso, sino 'yang You na 'yan?

Sai
Hala, baka may mumu.

┏━━━━━━━━━━━┓

Choose your reply

┗━━━━━━━━━━━┛

Hello            Kamusta kayo?

You
Hello

RESTARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon