Nataranta ako nang sabihin niyang pupunta sila rito.
Hindi dahil ayaw ko.
Dahil makalat!
Ilang linggo na akong hindi nakakapaglinis kasi sinusubukan ko nang gumala mag-isa at makapagpasaya naman. Ano nalang iisipin nila saakin pagkakita sa bahay?
Habang mabilis akong nag-aayos dito sa sala, may narinig akong beep sa cellphone. Agad kong tinakbo iyon sa sofa para tignan.
Napamura ako sa hininga ko. Hingal na hingal.
Malapit na sila. Kailangan ko na talagang maglinis ng todong-todo. 'Yung kusina na lang ang kailangan kong linisin eh.
Siguro may 30 seconds pa ako para mag cramming dito sa loob ng bahay. Linis dito, linis doon. Tapon basura rito, tapon basura ro'n.
Okay na siguro 'to. Whew! Pinunasan ko ang pawis ko sa noo gamit ang kamay ko. Nakalimutan kong kumuha ng panyo. Magpapalit na rin ako ng damit, para akong nahulog sa swimming pool sa grabe ng basa.
Nakapalit na rin ako, sakto, nag ring ang doorbell. Tamang timing lang sila.
"Wait lang!"
Huminga muna ako ng malalim. Bakit ako biglang kinabahan? Parang hindi mo sila naka-usap ng ilang araw. Act normally, You. Mabilis ka pa naman mataranta.
Binuksan ko ang pinto habang mejo nanginginig pa 'tong kaliwang kamay ko. I almost forgot their purpose here. It's for our safety. Andami naman kasing pumapasok sa isip ko. Makulit din minsan, e.
Unang sumalubong saakin si Hanzel, habang ang ilan ay nasa likuran niya. Hindi ko maiwasan na mapalaki ang mata ko. Mas gwapo siya sa pulang buhok niya sa personal. Mukha siyang naglalakad na strawberry, and also.. his height. Onting inch nalang maabutan ko na siya. Ano ulit height niya? 5'6? 5'7?
Pinapasok ko na silang lahat at pina-upo na sa sofa. Kasya naman silang pito.
Lahat sila binigyan ako ng ngiti kaya binalik ko rin iyon. Grabe, antatangkad nila--- maliban nalang kay Hanzel na mukhang kapatid ko na. Nanliliit tuloy ako.
"Uwi muna ako." Nagtaka ako nang tumayo si Speed, muling bumalik malapit sa pinto.
"Huy bakit?" Tanong nilang lahat.
"Kunin ko lang gamit ko. Magtatanan na kami ni You."
Tumahimik silang lahat. Ah, putek. Namumula tuloy ako. Kasalanan 'to ni Speed!
Dahil ayaw ko ng atmosperang nagaganap, umalis ako sa sala at pumuntang kusina. Mga mukhang pagod at uhaw pa naman sila. Teka, mga tumakbo ba 'tong mga 'to?
"Gusto niyo ng juice? Milk? Coffee?"
"Wala bang ice cr---"
"Tubig nalang saaming lahat. Thanks." Putol ni Walter kay Jezreel. Marahan naman akong napatawa.
BINABASA MO ANG
RESTART
Mystery / ThrillerAll life she had lived in misery, playing hide-and-seek with her tremendous past. She had no friends, or-so her friends have left her. One day, after mysteriously downloading an app, her life changed. Eight guys teasing each other, and suddenly, in...