RESTART120 ¦ Narration

188 17 28
                                    

"That's what it wants?" Ani Walter

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"That's what it wants?" Ani Walter. Mukhang galit na galit sa tono, may halong gulat din.

Sa mga movie na napapanood ko gan'yan. Ayaw na ayaw ng mga kontrabida na may pulis, o kung sino man ang kasama mo. Ikaw lang. Well, hindi ko naman sinasabing bida ako.

"We have no choice but to plan. Mukhang mapanganib kung ipapagawa natin kay You ang gusto ni system. Lalo na't.. mamamatay tao siya." Hininaan ni Yishai ang boses niya sa huling tatlong mga salita. Kahit ako ayaw ko ring makarinig ng gano'n.

"Pero paano?" Tanong ni Abraham. He sounded hopeless, but for me it was kind of funny. He gives that a-character-that-only-shows-up-when-it-is-a-serious-moment-to-make-the-audience-laugh vibes.

"Kaya nga may plano 'di ba? Hindi ka ba naka-iintindi? Kailangan ba kitang i-umpog sa pader para gumana naman 'yang utak mo?" Pagsagot ni Walter kay Abraham. Hindi naman siguro halata na may galit sila sa isa't-isa 'di ba?

"Ahh. Okay."

Tinarayan nalang siya ni Walter. Itong si Abraham naman ay umaarteng hindi niya maintindihan. Sana nga umaarte lang.

"Since ang pinaka-kailangan si You, at ayaw natin siyang mapahamak. We'll just be watching, probably maglalagay ng mga CCTV cameras, or recorders-"

Napatigil si Yishai, hindi ko alam kung bakit-dahil taimtim lang akong nakikinig sakaniya. When I looked at him, nakatingin siya kay Walter na nakatingin kay Abraham. Si Abraham naman, mukhang inosenteng bata.

"Maybe we'll need him, too. The more the merrier. C'mon Walter, parang hindi mo naging best bud si Abra." Pagpapaalala ni Yishai. Diin na diin ang best bud na sinabi niya.

"Back-up lang tayo. In case na may mangyari. You will act, much better kung totohanan na talaga. And that concludes Plan A, paawa effect."

"H-ha? Paawa effect?" Pag-uutal ni Walter. Tonong hindi makapaniwala.

Hindi ako marunong magpaawa. What if hindi ko kayanin? What if hindi ko magawa? Mag-acting workshop kaya ako?

"Yeah. Paawa. Like a line in a move. 'Nagmamakaawa ako, h-hindi ko na kaya 'to. Tigilan mo na kami, parang awa mo na.'"

Napatingin kaming tatlo sa isa't-isa sa biglang pag-inarte ni Yishai. Well, I wasn't expecting that. Na bigla-bigla nalang siyang aarte sa harap namin. With matching paluha eyes pa.

"Ang pangit dre. Ang sagwa." Komento ni Walter na may kasama pang pangiwi. Tumango-tango si Abraham.

Napatawa ako ng marahan sa ginagawa nila. Sa mga sandaling iyon parang nawala ang sakit na nararanasan ko ngayon.

"Tsk. Bahala nga kayo! Ayoko nang magplano."

"Huy. Joke lang!"

"Suyuin mo 'yan. Ikaw may pasimuno eh."

"Ba't 'di mo suyuin!"

▂▂▂

Kinagabihan. Buong araw akong nakahilata rito pagkatapos ng team planning ni Yishai para sa system na isa-isang sinisira ang mga buhay namin.

Nakakapagod. Sobrang nakakapagod. Andaming nangyayari, parang isang trabaho tapos may panirang boss. Hindi ka pa tapos dito may bago nanaman.

Mag-isang pumikit ang aking mga mata. Ang bigat na ng nararamdaman ko. Itong oras nanaman na 'to, oras nanaman para umiyak ako.

I can't be loud dahil baka marinig nila ang mga hikbi ko. We'll be staying at a nearby house, I do not know kung kanino. Pero sabi friend daw nila. So I had no choice. Backing away would only harm myself. Nakatatakot pa naman si System.

Anong ginawa ko para maparusahan ng ganito? Nung bata pa ako, I am involved with a case like this. Pati ba naman sa paglaki ko? Deaths don't really leave by my side.

Lumipat ako sa kabilang side, sa kanan. Sa harap ng bintana. Kanina kasi nakatingala ako, now, I am seeing the beauty of the starry sky. Nagnining-ning ang bawat bituin na nakikita ko. Matagal ko ng gustong maging bituin, para naman tingalain din nila ako. Hindi binababa.

I wonder how many stars have been up there since I was a little? Have been they witnessing every moment in my life? Have they seen the things I regretted doing?

There was a meteor.

Sigurado akong meteor iyon dahil nung bata pa ako nakakita na ako. I can't be lying to myself. Pumikit ako at hiniling ang kaisa-isang hinahangad ko sa buhay.

Sana matapos na ang lahat ng ito.

Pagod na ako. Wala na bang bago?

After no'n, may mga luha nang nagpapatakan mula sa mata ko. Grabe, sa mga nangyayari ngayon wala na kami sa balita. Baka nga days before nabalita na may meteor shower. Baka nga may mga artista na nag pakasal na, na may naghiwalay, may nagkabalikan.

Nakapikit lang ako buong gabi, pinipilit ang sarili ko na matulog ng mahimbing. But my thoughts were distracting me, aabot nanaman ba sa ganito? Kailangan ko na talaga bumili ng sleeping pills.

Hindi ko alam kung anong oras na, pero bumangon ako sa higaan para uminom ng tubig. Kanina pa ako uhaw na uhaw.

Madilim nung lumabas ako, ang tanging nagbigay ng liwanag ay ang galing sa buwan mula sa labas. Pero kahit ganoon, hindi ko pa rin makita ng malinaw ang mg bagay-bagay. Kaya may mga naaapakan akong hindi ko alam kung ano.

Nang makarating ako sa kusina, may mga mahihinang tunog akong nariririnig. Hindi ko alam kung ako ang gumagawa ng mga gano'n, pero habang tumatagal, palakas siya nang palakas.

Mga yabag ng paa.

Tumigil ito. Hindi ko pa rin nabubuksan ang ilaw sa kusina kaya hindi ko alam kung sino iyon. Nagsimulang manginig na ako sa puwesto ko. Paano kung magnanakaw siya? Mamamatay tao?

Lumunok ako ng laway ko. I could still feel its presence.

"I will kill You. I will kill You. I will kill You. I will kill You. I will kill You. I will kill You. I will kill You. I will kill You.."

Those were the words repeating on some body, pero hindi ko alam kung sino, at nasaan siya. But as far as I know..

It's near.

"There you are.. are you happy to see me?" The way it smiled, and the way its smile is only visible makes it more fucking creepy.

"KYAAAAAAAAAAAHH!"

RESTARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon