Nanginginig pa rin ang buong katawan ko sa nakikita ng dalawang mata ko.
I wasn't expecting this. Ni hindi nga ako nakipag-usap sakanila. Ayaw kong maniwala na siya 'to. Na ang lalaki iyon, patay ay ang isa sa mga nagpagaan ng loob ko nung mga oras na down na down ako.
Pero ayoko rin mag-assume.
"You." May tumawag sa pangalan ko. The voice was recognizable. Lumingon ako.
"Abraham." I called him back.
Tears were already falling from my eyes. Tuwing may nakikita talaga akong hindi kaaya-aya, I couldn't stop my emotions. Tama lang ang mga sinasabi nila saakin, I'm better off dead.
"It's not your fault. Come on." Yumakap ako sakaniya. Parang nung una kaming nagkita ang init ng ulo ko sakaniya. But what can I do? Siya nalang ang malalapitan ko.
If I continue being with the guys they'll end up dead. And I'll end up dead, too.
"Y-you?"
It wasn't Abraham who called my name. Kilala ko rin kung kaninong boses iyon. Pareho na kaming humiwalay sa yakap, still, having tears forming and falling.
Nagulat ako nang makita ko sina Walter at Yishai rito. What are they doing here?
Biglang sumagi si Speed sa isipan ko. Sabagay, magaling naman na IT si Yishai. He could've tracked him in no time. Hindi ko lang alam kung paano niya ginawa iyon.
"Abraham?!"
"Walter?"
"At talagang sabay pa tayo ha!" Pagsabay ulit nila.
Mukhang may something sila na nangyari dati. Uh-oh.
"Teka- teka. Tinawag mo rin si Abraham?" Tanong ni Yishai. Sa tonong niyang iyan parang ayaw niyang makita si Abraham ngayon.
Naguluhan ako sa sinabi niya. "I-I never called you guys. Si Abraham pa lang pinapapunta ko."
A hint of surprise was visible on their faces. Lalo na si Walter. He must've gotten hurt, but it is the truth. Tatanongin ko nga sana kung tatawagan ko rin sila kay Abra. Pero inunahan na nila ako.
"Pero chinachat mo kami.."
"Ano? I-I chatted?" Napa-ubo ako sa narinig ko. That was the creepiest thing I've ever heard. Pati na rin ang pagtawag ng namapayapa kong ate. Isa na atang horror movie ang buhay ko.
"Hindi ko pa binubuksan ang Reihost ko since ayaw niya magbukas. Teka- bubuksan ko lang-"
"Huwag na. Nangyari na. We need to save Speed. Asan si Speed?"
I couldn't answer Yishai verbally, pero tinuro ng mga mata ko kung nasaan siya. Kahit hindi ko kayanin. Alam ko namang mas hindi ko kakayanin na sabihin na patay na si Speed.
Malapit lang naman ang bahay niya saamin. In fact, nasa tapat lang kami ng bahay niya. And kitchen can be seen thru the open windows.
He's at the kitchen. Ang ulo niya'y nakatingala sa kisame. The worried friends rushed inside his house. Dahil bukas ang mga bintana, they got inside in no time. Dumaan na rin kami ni Abraham doon.
Ang unang tinignan nila ay ang paghinga ni Speed. Sobrang taranta nila, pati ako natataranta na rin. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko.
They are trying really hard para lang maramdaman ang paghinga ni Speed. There was a coffee Walter almost spilled. Mabuti't nasalo iyon ni Abraham. The coffee must be new blended, may pagkamainit-init pa.
Teka- then- that means buhay pa si Speed kani-kanina lang? Tapos hindi namin napansin? Or is this some thing to remove the clues?
"Kakakain lang siguro ni Speed." Komento ni Abraham. Napatingin naman ang dalawa. Hindi ko ma-explain kung galit ba sila sa sinabi niya o may biglang naisip.
Tumingin naman ako sa table. Walang pagkain, wala ring linutong pagkain. Kape lang.
"No." Sagot ko.
May natandaan ako. There were facts on the game. Natatandaan ko iyon kasi lagi kong nakikita 'yung profile ni Speed dahil lagi siyang nagchachat saakin.
"He doesn't like coffees. Why would a coffee be placed here?"
"To try the taste?" Tanong ni Abraham. No, impossible. Once you hate some thing, you really hate it.
Proven by an experienced lad.
"Ilang taon na siyang hindi nainom ng kape dahil mahina ang resistensya ng kaniyang katawan dito. He'll end up in a hospital kapag mangyari man." Sagot ni Yishai.
"Kaya nga. Maybe he drank the coffee kaya nagkaganyan?"
Umiling naman si Walter. "Nangako kami na walang magpapakamatay unless gusto naming lahat na magpakamatay.. siguro isa lang ito sa pampalito. Eme-eme ng pumatay sakaniya. Para malito tayo, kaya linagay niya iyan kasi alam niyang bawal ito sakaniya at iisipin natin na dahil iyon sa kape. "
Ang lawak din pala ng mga isipan nila. Ako, taga nood lang. Usapang matatalino, e. Wala na ako ro'n. Taga-singit. Extra.
Napansin ko ring may necklace siya gaya ng magkakaibigan. It must be really Speed.
Konti nalang, mauubos na kami.
Konti nalang, magtatagumpay na ang plano ng kung sino man ang bumabalik na patayin kami isa-isa.
"So.. what's the point?" Tanong ulit ni Abraham.
He sounds like he knows some thing. Pero kung tutuusin pareho lang kami ng braincells sa dami ng tanong. Sa highschool life, magiging mukhang-matalino-pero-nakikihalubilo-lang-sa-mga-may-alam-na-estudyante 'to.
"A way to disregard the real answer. What if.. hindi si Speed 'tong nasa harap natin?" Sagot ni Yishai. Sa tanong niya, agad naman akong napatingin sa itsura ng taong nasa harap namin.
He looks like Speed.. but at the same time he doesn't.
Gets niyo?
Ugh. Nakakalito. Or talagang wala sa ayos 'tong utak ko. Wala na akong maintindihan.
Habang nagchecheck pa rin sila sa loob ng bahay, biglang tumunog ang cellphone ko. Making them pause for awhile. Lumapit naman ang mga chismoso.
Binuksan ko iyon.
During times like this, lagi naman niya akong chinachat dahil siya naman ang may pakana ng lahat.
BINABASA MO ANG
RESTART
Mystery / ThrillerAll life she had lived in misery, playing hide-and-seek with her tremendous past. She had no friends, or-so her friends have left her. One day, after mysteriously downloading an app, her life changed. Eight guys teasing each other, and suddenly, in...