RESTART114 ¦ Narration

188 15 33
                                    

"Hindi ba ganito rin ang itsura ni Yohann? Tapos

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hindi ba ganito rin ang itsura ni Yohann? Tapos.. nasa kusina rin. Tapos.. urgh! Kainis! Bakit ba tayo nagkakaganito!" Inis na napasabunot sa sarili si Speed.

Tama ang mga sinabi niya, kung tutuusin halata namang may something dito eh. Parang isang trademark ng killer kapag pumapatay. But I ain't a fan of serial killers. Kailangan ko na talagang mag research-research.

Nakahawak lang ako sa friendship necklace naminna pag mamay-ari ni Mazy. This has been 8? or 9 years? Basta, matagal-tagal na rin. Kaya sobrang importante nito saamin, kaya kapag may nagwala nito, F. O. muna tapos kapag nahanap ulit, balik kaibigan na ulit.

Tinanggal ko ang necklace sakaniya, nangako kami sa isa't-isa kung sino man ang huling mabubuhay sa mundong ito ay dapat ipasa sa kaniyang magiging anak at humanap ng pitong kaibigan. Hindi ako sigurado na mabubuhay ako, pero tatapusin na namin 'to sa madaling salita. Napabuntong hininga ako. Tinago ko na ang necklace sa bulsa ko.

"I think it's better kung magsasama-sama tayo. Wala nang ligtas sa mga oras na 'to. Magpaalam kayo kung iihi kayo. O 'di kaya lalabas." Payo ko sakanila.

"Huh? Anong lalabas?"

"We're staying here until we get information about system. May naisip na akong suspect. Pero ayaw kong paghinalaan kasi napaka-imposible."

Sa totoo lang, meron talaga. As in, ang lakas ng kutob ko sakaniya. Ayaw ko talagang sabihin kasi alam kong iisipin nila na baliw ako. Na sira ulo ako.

Hindi naman masama na maghinala sa taong patay na 'di ba?

"Bakit hindi mo gamitin 'yung computer skills mo bro? Ang sakit na sa ulo kakahanap dito. Parang 'yung katawan lang naman niya 'yung hint na nakikita ko." Umupo si Walter sa upuan na malapit sa katawan at nagbuntong hininga.

Kahit ako rin naman nahihirapan eh. Sobrang hirap makipaglaban kay system. Gusto ko siyang labanan pero alam kong matatalo lang ako. The user seemed to be a professional. Ako isang hamak na mahilig mangalkal sa computer nung bata at hindi nagtapos. Anong laban ko doon?

"Bwiset na system 'yan! Sino ba 'yan!" Iritadong sigaw ni Speed habang nagpapapadyak.

"Hindi naman siguro isa saatin ano?" Tanong ni Walter. Lahat kami napatingin sakaniya.

"B-bakit kayo ganiyan makatingin saakin? Nagtatanong lang naman eh."

Tapos nun, bigla naman silang tumingin saakin. Pakiramdam ko alam ko na kung anong nasa isipan nila. Hindi ko rin naman sila masisisi. Pero kung ako man 'yon, isa lang masasabi ko. Hindi ako baliw para mag-inarte na isa rin sa biktima. And, why would I do that? Mga matatalik ko silang kaibigan.

"Mukh—"

"Eyy, huwag niyo ngang paghinalaan si Yishai. Siya na nga ang may pinakamalaking ginagawa para matigil lahat ng ito eh. Tsaka, iwas-iwasan na ang mga away, please?" Pag-awat ni Walter bago pang may mangyaring sagutan.

All of us heaved our sighs. Talagang sabay-sabay pa kami.

Lumapit bigla si Speed kay Mazy. He was checking something, lahat kami nakatingin lang sakaniya. Hanggang sa may nag-ingay na babasagin.

Sabay-sabay kaming lahat napatingin sa direksyon na iyon. 'Yung mga buhay lang, hindi kasama si Mazy.

It's another picture frame again.

Ako na ang lumapit. Teka, bakit ba sa tuwing pumupunta kami sa ibang bahay picture frame ang laging nahuhulog? Eh, hindi naman mahangin, eh sarado pa nga ang mga bintana, e.

Hay, nako. Maniniwala na talaga ako sa mga multo. Kung si Yohann man 'yan, o si Hanzel, o si Jezreel, sana naman ibang paramdam ang gawin nila. Kinikilabutan ako eh.

Pinulot ko ang picture. Mukhang family picture yata 'to. Gawa na rin kaya ako ng family picture tapos ako lang mag-isa. Tignan lang natin kung mahulog pa 'yon. Sabi kasi nila panakot daw sa mga elemento 'yung mukha ko, e.

Habang pinagmamasdan ko ang mahiwagang family picture nila, may isang babae ang pumukaw ng atensyon ko. Oh? Bakit parang pamilyar siya saakin? Klasmeyt? Teacher? Baka kapatid ni Mazy?

Pero sa pagkakaalam ko walang kapatid na babae si Mazy. Who's this?

Nawala ako sa mga iniisip ko nang biglang may tumawag sa pangalan ko. Agad kong liningon kung sino iyon.

Walter went near in front of me holding a piece of paper, his eyes darted on it. Para bang kaya na niyang butasin iyon sa kaniyang pagtingin. Pati ba kaya 'yung papel maakit sakaniya?

"You can understand this, right?" Inabot niya saakin ang papel na siyang kinuha ko. It was a binary code.

Tumawa siya. "Hindi ko na pala dapat tinatanong. Magaling ka diyan."

01010100 01101000 01100101 00100000 01110010 01100101 01100001 01101100 00100000 01110110 01101001 01101100 01101100 01100001 01101001 01101110 00100000 01101001 01110011 01101110 00100111 01110100 00100000 01101101 01100101 00101100 00100000 01100010 01110101 01110100 00100000 01111001 00100111 01100001 01101100 01101100 00100000 01110011 01101000 01101111 01110101 01101100 01100100 00100000 01101011 01100101 01100101 01110000 00100000 01110011 01100001 01100110 01100101 00101110 00100000 01011000 01101111 01111000 01101111 00101110 00100000

Kumunot ang noo ko nang maintindihan ko na ang nakasulat sa papel. This must be system.

Gusto kong tumawa ng malakas sa sinulat niya rito. Nagpapatawa siguro siya. That murderer has already killed three of our best friends, ayaw pa ba niya umamin saamin? O 'di kaya natatakot siya kaya gusto niyang magtago sa dilim?

"Anong sabi?" Tanong ni Speed.

"The real villain isn't me, but y'all should keep safe. Xoxo." Binasa ko kung ano talaga ang nakasulat. Sa mga mukha nila halatang gusto nilang matawa. Anong magagawa ko? Ito talaga ang nakasulat.

Tumahimik ang buong lugar.

"Yeah, yeah. You're not the villain, Yishai." Tumayo si Speed. I got confused of what he said. Hindi pa pumapasok ng tuluyan sa isipan ko ang sinabi niya.

When I finally understood what he just said, kunot na noo lamang ang na-isagot ko.

"Huwag ka nang mag maang-maangan pa. Ikaw si System 'di ba?" Mas kinunot ko pa ang noo ko sakaniya. Hindi talaga ako makapaniwala sa bawat salita na inilalabas ng bibig niya. Is this even Speed talking?

"W-what are you sayi—"

"What I am saying is, busted ka na bro. Sino pa ba ang ibang sisisihin? Syempre ikaw lang naman. You started this game, ikaw pa nga ang nagsabing ikaw ang gumawa kay System. And no one can ever dare to control it. Unless there's some one much acknowledged, but as far as I know lagi kang perfect, kahit hindi ka nagtapos ng kolehiyo. Hmm, ano kayang sumagi sa isipan mo na gawin kaming tanga, Yishai?"

"Tss. Tignan mo, hindi makasagot si gago. Bahala na nga kayo r'yan. Kapag ako ang namatay, ikaw talaga si system. Tangina."

Parang naka-glue na ang paa ko sa sahig. Ang kaniyang mga binibitawang salita ay sinaktan ang damdamin ko. Ganito na pala ang nasa isip niya. Pinaghihinalaan na pala niya ako matagal na.

Pipigilan sana ni Walter si Speed, kaso walang palag si Waltz sakaniya. Kapag galit, mas dumudoble ang lakas ng isang tao. At hindi na rin maka-isip ng tama.

Hindi ko rin alam kung anong sumagi sa isipan ko na hinayaan ko lang siyang umalis. Lalo na't mapanganib.

RESTARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon