Pagkatapos ng nakakakilabot na experience. Nagpahinga kami ni Walter at linagyan ng kapirasong damit na kayang matakpan ang sugat niya.
Pinabayaan na namin si Herschel sa mga pulis at bibisitahin ko siya mamaya. Sinabi ko sa mga pulis na huwag siyang palabasin kundi may gagawin akong hindi nila gustong mangyari. Marami akong konseksyon sakanila kaya madali silang takutin. Mahilig pa naman silang magpalaya ng mga big time criminals.
Teka. Hindi pala dapat kami magpahinga rito.
We need to find You. We need to save You.
Pero..
May some thing na bumabagabag sa isipan ko. Was it because of what Herschel said? Pero hindi ko siya maintindihan. Ang gulo ng magkapatid.
Who is the real villain?
Tumayo ako sa kina-uupuan namin. Tinignan ko si Walter na siyang nakakunot ang noo saakin. "Let's find You."
Naintindihan naman niya siguro kaya inalalayan ko na siyang tumayo. Kahit iika-ika ang tayo pursigido naman siyang hanapin si You.
To find answers.
Teka. Bakit dalawa lang kami ni Walter? Asan si Abraham?
Tangina! Andaming nawawala!
Naghiwalay muna kami ni Walter. Si Sai, I need to find him. Sabi niya sa kotse lang daw siya kanina. Kotseng kulay maroon. Pumayag naman ako dahil baka mapahamak pa siya kapag sumama siya saamin.
Pero wala akong makita. Tsk. Don't tell me nawawala rin siya?
Ay hindi, ayun 'yung kotse! I had the plate number memorized. Sobrang unique kasi kaya madaling tandaan.
Hay, salamat. Hindi siya nawawala. Kailangan ko pang tumawid para kumustahin siya. Eh napakaraming truck na nagsisidaanan kaya hindi ako makakatawid ng basta-basta lang.
Ilang segundo rin akong nakatayo rito. Sinabayan ko na ang mga taong tatawid din. Agad akong tumakbo papunta sa kotseng sinasabi ni Sai.
Ayun. Nakita ko na si Sai. Natutulog. Sa mga nangyayari ngayon nagawa pa niyang matulog? Napaka-antuking nilalang. Hay. Napa-iling nalang ako at binuksan ang pinto ng sasakyan.
"Hay nako Sai. Natutulog ka talaga sa mga oras na 'to? Ikaw talaga." Napatawa nalang ako sakaniya at umupo sa driver's seat. Nasa likod naman si Sai kaya hindi ko na siya kailangang ilipat.
Hindi ko na siya ginising pa at baka masira ang kaniyang beauty rest kuno. Lakas pa naman magalit ni Sai tuwing ginigising siya. Keyso mahahalikan na raw niya crush niya ganito ganiyan. Kaya hanggang asa lang siya, e. Walang napapala sa buhay kasi torpe.
Inaantay ko pang mag-text saakin si Walter kapag nahanap na niya si Abraham. The more the merrier. Because You's life could be at danger. Ayaw ko pang isipin na nangyari sakaniya ang nangyari sa mga kaibigan namin dahil hindi pa namin nakikita ang katawan niya. That's what matters.
Nagpatugtog ako sa kotse ng mahina lang ang volume dahil wala akong magawa. Patuloy pa rin sa pagtulog si Sai. Himala nga na hindi siya nahilik sa pagtulog. Ang ingay kaya niyang matulog!
"'Di ko man alam
Ang rason at dahilan
Ako'y kasama mo
Kasama mo hanggang sa dulo.""Itago man lahat
Hindi maiiwasan
Ang pagsabog ng pangkat
Gigising ang katotohanan."Muntik na akong makatulog dahil sa tagal ng pag-text ni Walter saakin. Hindi na raw niya mahanap. Baka raw bumalik na sakanila. Ayos lang saakin, kasi kapag nakita ko ulit 'yon lagot siya saakin. Ilang taon na niyang ginagawa iyon saamin, ang mang-iwan. Kaya hindi na ako magtatakang wala siyang jowa since birth.
"'Di mo ba alam ang pinagmulan?
Kamatayan man ang makalaban?"Nag-drive na ako. Still music on. Grabe, parang nawala bigla ang bigat na nararamdaman ng puso ko nang nahuli na ng mga pulis ang kaisa-isang nagpagulo sa aming buhay. But something still feels empty.
It's You. Kaya nga kailangan na namin siyang mahanap para makamit ang happy ending na hinahanap namin. Even if we're not complete, we're still 9 at hearts.
Nang makita ko na si Walter, balak ko sanang lagpasan siya pero naalala kong hinahabol namin ang oras at kapag na-late kami ng kahit ilang segundo, baka maging katapusan na naming lahat 'yon.
Binuksan ni Walter ang pinto na malapit sa pinto ng upuan ko, kung saan makakasalubong niya ang antok na antok na si Sai. Kahit nga siguro metal music ang ipatugtog ko hindi siya magigising kasi tulog mantika siya eh.
"Puta."
Napalabas ako agad ng sasakyan nang makarinig ako ng paghulog muna sa sasakyan. Akala ko kung anong mabigat na nahulog, pero si Sai pala.
Ganito ba talaga kalala ang pagiging tulog mantika niya na umabot sa puntong hindi na siya magising kahit.. teka..
"Sai!" Nagtulungan kami ni Walter na i-angat si Sai pabalik sa tunulugan niyang puwesto. Pagkatanggal ko ng kamay ko sa kaniyang batok. Nakakita ako ng dugo.
Shit. That's why it was weird earlier.
"Hindi mo manlang napansin..? O binabalak mong itago ang katawan ni Sai?" His tone seemed like he grew suspicion of me. Tangina. Kinunotan ko siya ng noo sa inis. Ito nanaman ba tayo?
"Gagaya ka na rin ba kay Speed? Sige. Iwan mo na rin ako. Diyan naman kayo magaling, e. Ako na 'tong man of suspicion. The man also behind it all pero hindi lang pinapahalata." Pinunasan ko ang dugo sa tissue na nakalagay sa kotse.
"Nah. I was just kidding. Nahuli na rin si Herschel. I think you should go there right now dahil baka makatakas siya gaya ng pagtakas niya sa kamatayan."
"H-how about Sai? You?" Napatingin ako kay Sai. His heart is still beating. There's a possibility na mabuhay siya ulit. I know how strong he is.
"I'll do that job. Now, go. You need answers, remember? Kapag nahuli ka you wouldn't have the chance to have a word on Her again. You miss her too, don't you?"
"I can do that tomorrow. We need to find You. Tar—"
"You can't."
"Why?"
"If she will face guilty. She will receive death penalty. Run before time runs out."
Wala na akong choice. Tumakbo na ako.
BINABASA MO ANG
RESTART
Mystery / ThrillerAll life she had lived in misery, playing hide-and-seek with her tremendous past. She had no friends, or-so her friends have left her. One day, after mysteriously downloading an app, her life changed. Eight guys teasing each other, and suddenly, in...