RESTART32 ¦ Narration

463 40 34
                                    

Nag-gabi na

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nag-gabi na. Wala pa rin akong natatanggap na notification mula sakanila. Nag-aalala tuloy ako.

Nasa favourite fast food ko ako ngayon. Sabi ko nga, nag-iipon ako para sa balak kong gawin after a month. Tsaka, nag-promise ako sa sarili ko na hindi ako gagastos ng sobra-sobra sa pagkain kasi alam kong itatae ko naman 'yun.

"Thank you po Reihost--- ay este-- ate. Hehehe." Na-pukpok ko ang ulo ko sa hiya. Kumunot ang noo ni ate, iniisip niya siguro na baliw ako. Dinalian ko nalang ang pagpunta sa table na paborito ko para saakin lang, kilala na kasi ako ng isang staff dito na lagi akong na-upo rito, lagi akong nakain dito. Ang hirap lang, punuan kasi rito.

"Shit. Punuan, kanina parang isang tao lang nakain dito ah? Ano 'to
makiki-celebrate kayo ng birthday ko? Woah." Biglang punuan. Sabi ko na eh. Uwian na kasi ng mga mag-aaral kaya sunod-sunod punta nila.

I wandered my eyes. Hanggang sa mapunta sa table ko. Oh? Bakit may bag dito? Hindi ko naman bag 'to.

"Miss?" Napa-taas ako ng tingin. May lalaking may dala-dala ng kaniyang tray. I don't know what to react.

"C-can I sit here?" Ah, 'yun naman pala. Tumango ako at pinagpatuloy ang pagkain ko.

Habang tahimik lang akong kumakain, hindi ko maiwasang mabagabag nang naririnig ko siyang pinipigilan ang tawa. I had the courage to look at him kahit nahihiya ako.

"B-bakit po?"

"Ah, wala. Akala ko kasi may kasama ka kasi tatlong chicken ang inorder mo."

Namula ako sa hiya. Napatawa na rin ako. Ganito na pala ako katakaw, hays.

"Ah, eh. Birthday ko kasi bukas, trine-treat ko lang sarili ko. Hehe."

Nanlaki ang mga mata niya. "Oh? Talaga? Ka-birthday mo kaibigan namin! Isusurprise kasi siya namin mamaya. Ano magandang regalo? Pero hindi namin alam kung saan siya nakatira. Hmm, ano nalang gusto ng mga babae?"

Para akong nabulunan sa rami ng kaniyang sinabi. Hindi ko kinaya. Naintindihan ko lang, ka-birthday ko kaibigan nila.

"Ay hindi, okay lang pala. Tanungin ko nalang 'yung hacke—'yung IT naming kaibigan." Kinuha niya ang phone niya sa.. bag na nakita ko kanina.

Muntik ko nang mabuga iniinom ko. Kanina pa pala niya ino-ccupy 'yung seat. Bakit hindi niya sinabi saakin?

"Hoy, shai. Ano p'wedeng regalo kay—ay si Sai pala 'to. Sai nga sabi ko, bingi ka ba? Ha? Ano? Hindi kita marinig. Ahhhh. Ayaw niya ng regalo? Edi.. prank nalang natin siya. Haha!"

Kinilabutan ako sa plano nila. Baka kung anong prank ang gawin nila sa kaibigan nila. Babae pa naman. Tinanong niya kasi saakin kung anong gusto ng mga babae eh. Sagutin ko sana bagong cellphone. Dejoke.

Gwapo pala ni kuya. Wala lang. Ngayon ko lang napansin. Mukha naman siyang may jowa na kaya huwag na natin siya gambalain.

I clasped my hands together and closed my eyes. Praying for a good life, as I turn 20 bukas.

Happy 20th. I am proud of You. You survived this.. this misery full of daily surprises. Huwag ka na uli papadala sa ng emosyon mo ha? Ang wish ko sa 'yo maging masaya ka paglaki mo. Kahit bukas na nga eh! All I want is happiness for you.

"Ah sige na. Magpapalit na ako ng dp para sakaniya. Patawarin niyo lang ako ha! HAHAHA. Gago! Hindi na nga eh. Kulit-kulit niyo. Geh, geh. Bye."

Wala ng maingay. Tapos na yata siya sa pagchika-chika niya sa kaibigan niya. Hays.

Habang nakain pa rin ako, may nararamdaman akong kakaiba, parang may kung sinong nakatingin saakin. Ini-angat ko ang ulo ko at tumingin ako sa kaliwa, na mirror, pero wala, sa kanan naman, puro busy kumain. At nang tumingin ako sa aking harapan—parang gusto kong ibuga sakaniya ang kinakain ko dahil siya pala ang nakain tingin saakin. Kinilabutan ako ro'n.


Pero hindi ako nanaig, mas tinignan ko siya lalo. Nang tumatagal, lalong nagiging weird ang pakiramdam ko.

"Have we met before?" Tanong niya, mas lalong inilapit ang mukha niya sa mukha ko kaya napa-atras ako bigla.

Nakatingin pa rin siya saakin, utal akong sumagot. "H-hindi pa."

"You look like some one I know." Pag-atras niya. Hinawakan niya ang baba niya na parang nag-iisip.

"Ah, sorry. Pagpasensyahan mo na." Tawa niya. "If you're curious kung sino, huwag mo nang alamin, I don't want to mention her. Baka namamalikmata lang ako. Haha."

This guy is sure weird. Makakain na nga.

RESTARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon