Two weeks had passed. Nothing changed.
Well except of course, my perspective. No one could guess what I did these past days.
The last time I remember when I was so down and devastated was last two weeks ago. I never knew this would happen.
I tried.. living! Normally. Part-time jobs, shopping, playing games and smiling. This was a rare oppurtinity for me. Baka ito nga ang huling ngiti ko bago may mangyaring masama ulit.
Ganito pala pakiramdam ng pagiging masaya? 'Yung ang gaan-gaan ng loob mo, parang walang nangyaring masama sa buong buhay mo. Pakiramdam mo hindi ka pabigat.
Nagtratrabaho ako rito sa maliit na carenderia malapit sa tinitirhan ko. Never made any mistakes so far, going well, smoothly.
"Uh, yaya--- I mean ate, can you get me uh.. four burgers? 'Yung isa walang pickles." Muntik ko na siyang hindi pansinin dahil sa unang tawag niya saakin. I had no choice but to follow.
Ngiti ko pa silang binigyan ng inorder nila. They must be rich, they have the same taste and style, mga aesthetic kuno. But I don't care, feeling ko nga magkakawatak-watak din sila katulad ng nangyari saakin.
Muli ko silang nginitian bago umalis sa pwesto nila.
I stayed still in my place, sa tabi ng tindera. Nanatiling nakatingin ako sa magkakaibigan and they were laughing hard. Hindi naman 'yung sobrang lakas, pang-mayaman na tawa. I can't explain, pero nakatakip 'yung kamay sa bibig?
Hindi pa pala nila nakakain 'yung burger, tinignan ko sila hanggang sa may isa sakanilang kinuha na 'yung burger. I do not know why I kept on watching them, maybe I missed having friends?
Ang liit ng kagat niya. Once she started to chew the food, her face looks disgusted. Lumingon siya saakin, eyebrows knitted. Signaling her to come closer.
"Bakit po ma'am?"
"Your burgers taste like trash, basura rin ba ginamit pang-luto rito?" Lumingon muna ako sa may-ari ng tindera. Good to know she's not looking, nor she may have heard. Dahil alam kong masasaktan siya, she cooked the burger, one of her favourites.
Bumuntong-hininga ako. Kung p'wede lang siyang barahin ginawa ko na. But I tried to keep it cool. "I'm sorry po, maybe I could replace it nalang?"
Umiling siya at binigay ang burger na kinagatan niya. "No need, baka sa susunod may food poisoning na."
Impokrita.
Kung p'wede ko lang siyang murahin ginawa ko na! Nakakapangigil 'yung mga ganiyang tao, ang sarap sabunutan, tapos kapag nasa CR kami, ang sarap niyang ilunod sa arinolang may ihi. Nababagay lang sakaniya 'yon, kala mo kung sinong mataas.
Umalis nalang ako at tinago ang burger niya sa bulsa ko. Kapag nakita 'to ng may-ari ng tindahan, baka isipin niya na ninakaw ko 'tong burger. Tsaka, ayaw ko namang itapon 'to, sayang. Kahit may kagat ng ahas ayos lang. Sanay naman ako sa sakit.
BINABASA MO ANG
RESTART
Mystery / ThrillerAll life she had lived in misery, playing hide-and-seek with her tremendous past. She had no friends, or-so her friends have left her. One day, after mysteriously downloading an app, her life changed. Eight guys teasing each other, and suddenly, in...