"Hey! You! You!"
"Okay ka lang ba You?"
I woke up. Three guys welcoming me in the..
Morning?
Hah, so that was a nightmare after all. Must I feel relieved?
Hinahabol ko pa rin ang hininga ko. Sobrang lakas at sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nanginginig sa takot.
It was a man's voice. It's vivid. Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang boses niya.
Funny story short, their voices (the three) are so close to each other except the others. Sinadya ba 'to? Para malito ako? Kagagawan din ba niya ang pag panaginip ko ng ganito?
"We know you're nervous. Pero kalma lang You. We got your back, hindi ka namin tratraydorin." Pagpakalma saakin ni Yishai. Tulo rin pala nang tulo ang pawis ko kahit mahangin sa labas kanina pa.
Kumalma na ako, kahit kakaunti.
"Mamaya na." Ani Abraham sa kalagitnaan ng matahimik na lugar. Bumalik ulit ang kaba ko.
Sinamaan ng tingin nina Walter at Yishai si Abraham. Mukha talaga siyang inosente pagkatapos gumawa ng kung ano. Napa-iling nalang ako sa isipan ko.
What if System is some one the least I have expected? What if it is some one I used to know? Paano kung best friend ko siya? Paano kung.. isa sakanila?
Isa-isa ko silang tinignan. No, no. Hindi puwede. Wala naman sakanila ay may mukhang mamamatay tao. And they can't be acting. Who would be in the right mind to kill their friends?
"Hindi ka dapat kabahan, You. Nandito kami. Hindi ako magsasawang sabihin sa 'yo 'yan. Malalaman din natin kung sino ang likod sa lahat ng ito. Malapit na." Lumapit si Walter saakin at ginulo ang magulo kong buhok. Sinamaan ko siya ng tingin.
May narinig kaming doorbell.
Sabay-sabay na kaming pumunta papunta sa baba. Mejo natagalan dahil sa second floor ako natulog. Malayo sa kwarto nilang lahat.
Si Walter na ang bumukas ng pinto. One familiar face we did not expect in the morning.
"Sai?!" Every one was surprised, what I mean by every one, including him.
Tinignan ko pa siya ng mas matagal. It is him. Wow.. umiba ng kaunti dahil gumaling na ang nakakadiring sitwasyon ni Sai.
But the real question is.. how did he get here? All by himself.
Wala akong nakita sundo niya, wala akong nakitang ibang tao kundi mag-isa lang siya. Look, he is even smiling.
"Pasok." Ani Abraham at umupo sa sofang malapit.
"Ano nanaman?" Tanong niya pagkatapos namin siyang tignan ng masama.
"Tangina. Hindi ko alam kung seryoso ka sa lahat ng sinasabi ko o sadyang bobo ka lang talaga. Tsk, tsk." Nanlaki ang mata ni Abraham sa sinabi ni Walter. Hindi na makapalag pa si Abraham dahil mukhang na-realize niya na tama ang sinabi ni Walter.
Ako na ang nagsara ng pinto pagkatapos nilang alalayan si Sai papuntang sala.
Habang naglalakad ako papalapit sakanila, hindi ko maiwasang mamangha dahil napakagwapo pa rin ni Sai kahit.. ganiyan. Alam kong hindi ako dapat mag-isip ng ganito, pero hindi ko mapigilan. Minsan na nga lang ako makakita ng may itsura sa Pilipinas na may mabuting kalooban din.
"Paano ka nakapunta rito Sai? Paano mo nalaman na nandito kami? Paano kung mapahamak ka ulit?" Sinalubong ng tanong si Sai ni Abraham pagka-upo ko sa katabing upuan ng sofa.
"Hinay-hinay lang. Alam na ngang hindi makapagsalita 'yung tao magtatanong pa ng kung ano-ano. Ikaw kaya putulan ko ng dila d'yan."
"Tangina nakakarinig pa rin 'yung tao ano? Konting respeto naman." Pagpigil ni Yishai sa dalawang nagbabangayan. Muli, walang palag si Abraham kay Walter. Tinarayan niya lang ito.
Kita ko sa itsura ni Sai na pinipigilan niya ang tawa niya. Naaawa ako sa kalagayan niya. If I were him I would have give up on life. Siguro magkukulong nalang ako sa kwarto hanggang sa magutom ako.. at hanggang sa mamatay ako. Losing any of my senses is what scares me.
"Let's start off with a question na tatango at iiling lang ang p'wedeng sagutin ni Sai."
"Ikaw lang mag-isa, Sai?" Inunahan ko na sila mag tanong, baka kung ano pa kasi ang itanong mag-away nanaman ulit 'yung dalawa. Tumango naman siya.
"Anong sinakyan mo, jeep, tricycle, bus, o eroplano?" Nabatukan ng matindi si Abraham ng dalawang katabi niya. Hindi na siguro mapigilan ni Sai kaya napatawa na siya. Walang tunog pero halatang tawang-tawa siya. Gumaan ang loob ko dahil ito ang unang tawang nakita ko sakaniya nung nag simulang mangyari sakaniya iyon.
Hay, how I wish I could be a person like Sai.
"Did you got by any transportation?" Tumango si Sai.
"A bus?" Umiling siya.
"Lrt or Mrt?" Umiling ulit siya.
"Taxi?" Pag-iling ulit niya ng pangatlong beses.
"What? A damn car?" Tumango siya.
"Huh? Pero wala kang sasakyan.." Hindi makapaniwalang tono ni Abraham.
If he got by a car at hindi niya kilala ang tao it would be hard communicating at all. Especially, Sai doesn't even have a single hint where we are.
"Ano nga? 'Yung seryoso, Sai. You're getting suspicious." Ani Abraham. Now he sounded serious. Hindi na ako magugulat kapag nalaman kong may personality disorder 'to. He acts different every single day.
Umiling siya. Kahit hindi dapat iyon ang sagot. Maybe he doesn't know? Pero bakit niya naisipang sumakay kung hindi niya kilala 'yung tao? Maybe he is finding us? Pero paano nalaman nung driver? Ugh! Naguguluhan na ako.
"Alam mo Sai," Tumayo si Walter. Sinundan namin siya ng tingin at may kinuha sa ilalim ng drawer malapit sa TV. We were confused at first, pero napatingin nalang kami sa mangha sa naisip ni Walter. "Ituro mo kada letra kung sino ang nag-drive sa 'yo papunta rito."
Matagal-tagal bago gumalaw si Sai sa kina-uupuan niya. By his actions, mas lalong nahahalata na kilala niya kung sino nagdala sakaniya rito. And by that, there's a big possibility ang kung sinong nagdala sakaniya, siya ang pasimuno ng lahat ng ito.
We watched where his right index finger went, talagang tutok na tutok kami rito.
It landed on H.
As we were waiting for his another move, tumaas ang direksyon, as he is about to point another letter, biglang may nag-ring.
Naka-focus lang ako at hindi pinaki-alaman kung kaninong selpon iyon, pero dahil napatigil din si Sai, napagaya nalang ako. Tinignan ko silang lahat na nakatingin saakin. Kinunotan ko sila ng noo.
"Your phone's ringing. It must be System."
BINABASA MO ANG
RESTART
Mystery / ThrillerAll life she had lived in misery, playing hide-and-seek with her tremendous past. She had no friends, or-so her friends have left her. One day, after mysteriously downloading an app, her life changed. Eight guys teasing each other, and suddenly, in...