RESTART122 ¦ Narration

178 18 14
                                    

Pinaypayan namin si You dahil kanina pa tagaktak nang tagaktak ang pawis niya simula kaninang umaga

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pinaypayan namin si You dahil kanina pa tagaktak nang tagaktak ang pawis niya simula kaninang umaga. Binigyan siya ni Walter ng tubig na siyang ininom naman. Will this plan work? Will every thing end what it is supposed to end?

They talked on the phone. Tahimik kaming tatlo no'n, making it look like it was only her on the phone. Nothing dangerous happened, but by 10 minutes they'll be meeting up by the place You suggested. The same place where Hanzel and Jezreel was killed by that monster. Hindi namin alam kung bakit but we trust her. She said she has other plans if ever our plans wouldn't work.

The ring we were waiting for, has finally rang again. Tumayo na si You.

Hinarap ko saakin si You. "You are a great person. I know, because you endured all of your hardships. Dito pa kaya? We can solve this all together. Kaya huwag ka nang kabahan. We got your back."

Ngumiti siya saakin at tumango. Now it is time to finally let go and do her business. I would be lying if I said hindi ako kinakabahan. Our lives are at risk here, we can't just do any thing we want especially kapag kaharap na ni You ang matagal na naming hinahanap.

After 5 minutes, sinundan na namin si You. Siguradong malapit na siya sakanila dahil malapit lang ang condo nila sa bahay ni Speed. Naglakad nalang kami. May hidden camera naman malapit sa puno kaya makikita namin kung anong ginagawa nila doon.

But no one is still there. Kaya habang naglalakad kami, tutok na tutok kami sa panonood. I'm sure na nandyan na si System. Nagtatago lang siya sa dilim.

Sa sobrang tutok namin, na-untog si Abraham sa poste. Aray.

Mabuti nga at hindi nagkabukol dahil ang lakas pa naman ng pagkaka-untog niya ro'n. Totoo nga ang mga sabi-sabing matigas ang ulo nito ni Abraham simula ng bata pa siya.

Unlike other people, natural lang na ngingiwi at hahaplosin ang namumulang bahagi o kaya kung saan nasaktan. Pero iba si Abraham, his face just looks normal at patuloy pa rin sa paglalakad. Gan'yan na siya dati pa.

Nandito na pala kami. Sa likod ng building. Tago naman, pero konting galaw lang namin, maririnig na nila kung nasaan kami. Kahit ganoon, may pagkamalayo. Pero dapat limitado lang dapat kung himinga kami.

Alam naman ni You kung saan siya pupwesto. It wouldn't be a problem. Kaya pinili namin dito kasi kapag sinaktan siya o balak saktan ni System nandito kami para iligtas siya.

Ang init naman dito. Tinignan ko ang dalawang kasama ko. They look dead serious. Walang isa sakanila ay mukhang may balak magsalita. Or.. may away nanaman siguro sila kaya gano'n? Nevertheless gumaya na rin ako. Any time p'wedeng lumabas na silang dalawa sa screen nitong tablet na nagpapakita ng nasasakop ng hidden camera na linagay ko.

And'yan na si You.

Kinakabahan ako para sakaniya. Asan na ba siya? Bakit antagal-tagal? Kanina pa kami nandito kakaantay. Paano kung prank lang siya?

Hindi ako mapakali sa isipan ko pero hindi ko pinapahalata. Kapag napahamak si You kami ang may kasalanan.

Tatayo na sana ako para kuhanin siya nang may isa pang tao na dahan-dahang lumapit sakaniya. It was long haired, with a white long dress. Mukha siyang white lady dahil na rin sa kaputian niya. But let me guess, this must be the killer behind all of this.

Kinuyom ko ang kamao ko sa galit. Kahit likod lang ang nakikita ko tumataas na ang dugo ko. Nakaka-inis. Mas lalo akong nainis nang lumapit siya kay You at parang may binulong. We can't hear their conversation, pero nanginginig sa takot si You. Must we help her? Dapat ba namin siyang lapitan para ilayo sa mamamatay tao na 'yan?

May sinasabi si You habang nailing-iling. Nababasa ko sakaniyang labi ang nga katagang 'Please stop. Please stop what you're doing! You're not helping me.'

What? Tama ba? Hindi ko sure. Pero ganoon ang nabasa ko. Kung tama, bakit tutulungan niya si You?

Here comes the second Plan, intimidating the person behind this.

Dahil matagal-tagal na ring nagmamakaawa si You. Sinabi ko sakaniya na gan'yanin niya sa una para kapanipaniwala. Kapanipaniwala naman. Puwede na siyang maging artista.

Kinuha ni You ang kutsilyo sa likod niya. May takip ang matulis na bahagi dahil baka matusok siya. Tinanggal niya ito at tinutok sa kaharap niya.

Pero mukhang hindi siya nanaig at tumatawa pang mag-isa. Nakita kong kumunot ang noo ni You. Pati ako napakunot din ng noo.

Patuloy pa rin sila sa pag-uusap. Hindi nagsasalita si You, patuloy lang ang pagtutok niya ng kutsilyo.

Walang nagsalita saamin, tutok na tutok sa tablet na hawak ko. Pero hindi pa rin nagsasalita si You hanggang ngayon, kaya wala kaming makuha na impormasyon. Baka dahil may sinasabi ang kaharap niya na kinagulat niya?

Nagulat nalang kami nang hinawakan ng kaharap niya ang kamay niyang may hawak ng kutsilyo. Isang maling galaw, may isa sakanilang masasaksak. Walang laban si You rito. Shit!

"Yishai, 'wag!" Pabulong na pasigaw na sinabi saakin ni Walter habang mahigpit na nakahawak sa kamay ko. Kanina pa ako napiglas pero mas malakas siya saakin.

"Tangina. Kung hindi natin ililigtas si You mapapahamak siya at matutulad siya sa mga kaibigan natin! Gusto mo bang mangyari 'yon?!" Pabulong na sumigaw ako. Mas malakas.

Onti-onti nang hinihinaan ni Walter ang pagkapit niya saakin. Akmang tatayo na ako para iligtas si You nang may humawak naman sa balikat ko. Lumingon ako para malaman kung sino at nang masapak ko.

"T-t-tignan n-niyo.." Si Abra pala. But he wasn't looking at me..

He's looking at the tablet. The screen is now filled with black, which means, the camera has been broken.

RESTARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon