Chapter 11

864 33 0
                                    

A pleasant day to everyone! I hope u guys doing so well. Sorry for the lamest story! HAHA.

Chapter 11 : Away!

Nakalipas ang ilang araw at bukas na ang birthday ko. Hindi parin dumadalaw sina K at belle hindi na rin muna ako pumapasok. Napakasipag diba? Hindi na kasi muna ako pinapasok ni dad.

Nag-aayos ngayon dito sa mansyon at ako nandito lang sa sala nakatingin sa kanila pa-minsan minsan. Pag nabored naman ako nagbabasa ako ng sandamakmak na libro na nakapatong ngayon dito sa lamesa. Pinagbabasa ako ni dad habang ang iba naman ay nag aayos ng mansyon. Tulong tulong ang nga butler at nga Maid dito.

Masyado naman nilang pinaganda ang mga design. Umuulan ulan pa ng konti ngayon pero hindi na katulad ng mga nagdaan. Kaya rin hindi muna makapag ayos sa labas dahil sa ulan.

Nakakatamad naman sila panuorin! May pagkain din akong nakahain dito. Buhay princesa nga naman.Nakakapagod din. Gusto ko man silang tulungan ngunit hindi naman ako papayagan. Ako na itong nagmanalasakit ayaw pa ako patulungin.

Sabi ni dad mukhang marami daw akong dadating na bisita dahil ang mga taga ibang bansa na may kilala kay dad ay kusang bumalik dito sa pilipinas upang dumalo ng aking kaarawan. I expect na marami dahil kay dad. Wala na naman iyon saakin, Ang gusto ko lang ay mairaos ko ng maayos ang aking kaarawan nang makapamuhay na ako ng maayos. Kung aayos nga ba?

"Princess, you need to go to your room and sleep." Sabi ng isang butler kasama ang isang maid. Ihahatid ata ako sa room ko.

"It's too early" I said with a bored look

"Master said so" Sabi niya at nagbow sa harapan ko pahiwatig na taposna silang makipag-usap saakin. O kaya maari na akong dumaan basta. Sign ng paggalang ganun.

Arte arte ng mundo kailangan pa nang ganun?

Si dad na naman sobrang aga pa naman para matulog. Hindi naman siya ang magb-birthday excited much e..

Wala na akong nagawa at nahiga na sa kama ko at uminom ng gatas lara makatulog agad.

++++++++++++++++++++++++

Nagising ako dahil kay manang.

"Iha maligo ka na at magbihis " Sabi niya at inayos ang aking kama nang makabangon ako.

"Ihahanda ko na ang iyong susuotin para sa iying pagbaba" Sabi parin nito at pumuntang dressing room ko.

Tsk. Aga nila manggising. Actually mamaya pang pagabi ang pinaka event o celebration ng birthday ko. Parang ang gagawin ko.lang ngayon ay mag aliw-aliw dito sa mansyon, icheck ang kailangang icheck.

Nang matapos na akong maligo nakita ko sa aking kama ang aking susuotin.

Isang off-shoulder na dress kulay rosegold with glitters . Secured na secured ang likod ko dahil hindi siya ganun kasama sa pag ka off-shoulder nitong dress para bang sa harap lang.Elegant but simple you know what i mean. Dollshoes na merong patali sa aking binti na kukay rosegold din.

And also bracelet , earings and necklace. Magkakaparehas lang sila nang design which is flower. Well I kind a love flower. May iniwang note si manang.

Princess, Iha. Wear a simple make-up just a light peachy color. We will wait you down stairs.

Iyon ang nakasaad sa sukat ni manang na siyang sinunod ko naman. Mukhang lalo na tuloy akong natuto sa make-up ngayon.

Artius Academy :The Unknown GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon