Chapter 40

541 22 0
                                    


CHAPTER 40: JEALOUS AND WAND

Kasama ko ngayon si Clint, Azriel at Diamond na kumakain dito sa terrace. Wala naman kaming ginagawa at mga busy ang tao dito sa dorm at mga umalis.

Si Corwin at Belle may date daw sa pagkakaalam ko naman belle hate corwin but don't judge it baka totoo nga na may gusto na ito o friendly date lang hindi natin masasabi.

Ilang araw na rin ang nakalipas ng makita ko si Eir at Knight sa may hagdan na magkayakapan. Babalik na sana ako sa kwarto noon kung hindi lamang lumabas si Azriel sa kwarto niya na pupunta rin sana sa kwarto ko at may itatanong.

Laking pasasalamat ko naman kay Azriel kaya nilibre ko siya ng libreng pagkain sa canteen.

"Wala na ba tayong gagawin kung hindi tumambay ng tumambay sa terrace?" inip na sabi ni Azriel na ngayong ninalalantakan naman ang pagkain ko dahil ubos na ang sa kanya.

"Bakit ka kasi sumasama sa pagtambay dito?" tanong ko saka hinampas ang kamay niya

"Boring e. Saka narinig ko si Dean noong isang araw magkakamayroon daw tayo ng training, hindi ko alam kung bakit na naman pero basta magkakamayroon kaya naman nagpapahinga na rin ako at the same time kahit feeling ko nakakapagod magpahinga" Saka ito bumuntong hininga.

May pagkachismoso rin nga pala si Azriel ng maging close ko siya doon ko lang nalaman. Madaldal din pero hindi naman maipagkakailang mas madaldal si Corwin at Hadwin pag nagsama.

"Training? Hindi ko na kailangan" hindi ko na naman kailangan dahil pag boring na boring na ako sa araw ay nagt-training ako.

"Yeah, good for you" sabi nito saka kay Clint naman ang kinain na pagkain

"Tulog ka kasi ng tulog" kutyaw ko. Kada dating ko kasi o kada alis ko lagi na lang siyang patulog o tulog. Ewan ko ba kung anong tintira niya at palaging tulog.

"Aaksayahin ko pa ang araw na walang ginagawa kaya natutulog nalang ako kaysa sa naman maggalagala ako napagod pa ako" reklamo nito saakin na hindi ko nalang pinansin dahil napapansin ko na naman ang pagiging madaldal niya.

Hindi ko naman inaasahan na sobra naman pala ang pagkadaldal nito lalo na kaoag kami ang naguusap. May kung anong sumapi siguro kay Azriel kapag magkasama kami at magkausap kaya nagiging madaldal.

Napapailing na napatingin naman si Clint kay Azriel dahil sa pasimpleng pagkuha nito sa pagkain sa pinggan ni Diamond na miski ako e halata na kumukuha siya.

"Kumuha ka na kaya sa loob Azriel ng gusto mo at huwag ka kuha ng kuha sa mga plato namin!" suway ko sa kanya.

Nakangiti lang naman na tumingin saakin si Diamond " Hayaan mo na" sabi nito saka ibinigay kah Azriel ang platito niya.

Dahil may pagkawalang hiya si Azriel ibinigay niya pabalik kay Diamond ang plato niyang wala nang laman.

Pigil na pigil naman ako sa pagbatok sa kanya. Ewan ko ba pagdating kay Azriel gustong gusto ko siyang batukan.

"Punta nalang kaya tayong mall?" suhestiyon ni Azriel.

"Sige" sagot ni Clint saka tumayo na at umalis.

"Ayun naman, maliligo na ulit ako bye!" palatak na sabi ni Azriel saka umalis.

Napatingin naman ako kay Diamond
"Maligo ka na kung gusto mo aayusin ko lang to"

Tukoy ko sa mga pinagkainan namin

"Tulungan na kita" Mahinhin nitong sabi

"Hindi na..Mauna ka na" sabi ko saka tumayo at iniisang linigpit na ang kinainan namin.

Artius Academy :The Unknown GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon