Chapter 26

477 17 0
                                    


CHAPTER 26: TRAINING AND MISSION


Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway ng alas tres ng umaga dahil ginising agad ako ni Kianeve. Mas maganda raw na maaga akong magising at magtraining ngunit pupunta muna kami kay Dean upang magpaalam na gamitin ng madaling araw ang Gym.Sana ay gising pa ito.

Kumatok muna ako ng tatlong beses bago buksan ako pinto

"Magandang umaga po" Bati ko rito

Umangat naman ang tingin nito at nginitian ako kahit na sobrang tambak ng mga libro at papeles ang nasa lamesa at sahig niya.

"O, Naparito ka Ms. Akira" Sabi niya at inisangtabi muna ang kanyang ginagawa

"Magpapaalam lang po sana ako na kung pwedeng gamitin ko ang Gym ngayon" 

"Pwede naman. Oo nga pala Akira. Mawawalan kayo ng pasok" Sabi nito na siyang ikinakunot noo ko 

"Bakit naman po? Kakasimula pa lamang po ng klase" Sabi ko. Bakit naman mawawalan agad ng pasok ang paaralang ito.Kahima-himala. Akala ko ang paaralan ang siyang magp-pursige sa mga estudyanteng mag-aral ngunit bakit parang dito sa paaralang ito ay hindi.

"Huwag mo sanang masamain. Ikaw palang ang nakakaalam nito dahil ngayon ko lamang din natanggap ang mensahe. Malalaman mo rin naman maya maya ang dahilan." Sabi nito. Tumango nalang ako at nagpaalam

Patakbo akong pumuntang gym dahil iyon ang unang pinagawa saakin ni KiaNeve.Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ng gym ay lumabas siya ng katawan ko at pinatamaan ako ng snow na siyang nailagan ko naman. 

Nilabana ko lamang ito ng combat patapos iyon ay pinag concentrate niya ako. Naramdaman ko namnag lumutang ako pero pinagsawalang bahala ko nalamang dahil sugat sugat na ako at may mga galos. 

Nang matapos kami sa gym ay pinatakbo niya ako papuntang field. Kailangan ko raw bilisan at iwasan ang binabato niyang Snow. Umiiwas naman sa dinaraan ko ang mga Artia at tumitingin saakin ng kakaiba.

"Hindi nila ako nakikita" sabi ni KiaNeve

Nakasalubong ko naman sina Corwin "Aki--" Naiwan sa ere ang sasabihin ni Corwin dahil nilagpasan ko siya. Hindi ko namalayan na maghahapon na pala kaya pala nakakaramdam na ako ng gutom at pagod. 

"Papunta sila dito. Last na takbo mo na at ilag" Mahinang tinig ni KiaNeve

Nakita ko namang patakbong pumunta dito si Corwin, Ingrid,Keziah,Harmonie at belle habang si Hadwin ay parang model.

"Akira tumigil ka mu--" Naiwan na naman sa ere ang salitang binitawan ni Corwin dahil nilagpasan ko lamang sila. Last na to. Isang iwas nalang sa nyebe at magiging maayos na tapos na ang training na ito.

Madali ko naman napi-pick ang gustong sabihin ni KiaNeve kaya walang hirap niya akong naturuan. Iniwasan ko ang huling bolang nyebe at umupo sa damuhan dito sa field.

"Nagawa mo. Magpapahinga lamang ako" Nakangiting sabi ni KiaNeve saka pumasok sa katawan ko. May konting ginhawa akong naramdaman. Paniguradong pagod din si KiaNeve.

"A-ano b-bang ginagawa mo dito?" Hini-hingal na sabi ni belle at nakhawak silang lahat sa Tuhod nila.

"Kanina ka pa namin hina-hanap. " Sabi ni Hadwin na ngayon ay nandito na rin pala.

"Pwede bang kumain muna ako at maligo?" tanong ko sa kanila at napahawak sa tiyan ko.

Umorder na ako ng maraming pagkain saka kinain ito. Uminom lang ng tubig sila dahil hiningal daw sila.

"Pasaan ba tayo?"sabi ko dahil nang matapos akong kumain ay hindila hila agad nila ako patayo papuntang banyo at pinaligo saka hinila ulit ngayon hindi ko na alam kung saan kami pupunta.

"Sa dean? Anong gagawin natin diyan?"Taka kong tanong ng tumigil kami sa pintuan ng Dean. Hindi namna nila ako sinagot at binuksan ang pinto.

"Atlast nakita niyo din" Napasiklop ang kamay ng Dean at naktingin saamin.

"Ang hirap maghanap nakakapagod" Bulyaw ni Belle saka umupo sa sofa.

"Bakit hindi niyo tinanong sa Dean" Mahina kong sabi na siyang ikinalaki ng mga kasama ko.

"WHAT?ALAM MO? HINDI MO MAN LANG SINABI" Inis na sigaw ni Corwin

"OO NGA DEAN NAKAKAPAGOD MAGHANAP NAPAKALAKI PA NAMAN DITO" Belle

"NASAYANG ANG GANDA KO. ALAM MO NAMAN PALA"Ingrid

"WALA KANG GANDA BABAE" Hiyaw ni HAdwin kay Ingrid.

"Hindi naman kayo nagtanong" Maang na sabi ni Dean saka tumingin saaming lahat. NAndito pala si Clint at Knight.

" As I was saying. You don't need to go to your class because you all have a mission." Sabi ni Dean

"Pass ako sa Mission Dean" sabi ni Hallie "Bigyan ko nalamng sila ng fruit healing " 

"Ako rin marami akong gagawin dito" Sabi ni Stephen

"Kami rin po ni Keziah, maraming pinapagawa saamin"  sabi ni belle

"Oo alam kong kayong apat ay busy rito sa paaralan. May iba kayong mission na gagawin dito habang ang natira naman ay maglalakbay. Hahanapin niyo ang babaeng nagngangalang 'Jasmine Amber' kailangan natin siyang kumbinsihing pumanig saatin." sabi ni dean

" Saan namin siya matatagpuan?" Sabi ni Ingrid.

"Sa dulo at ilalaim ng kagubatan may bundok doon an mataas at bago kayo makapunta roon may madadaanan kayong bayan. Sa bayan na iyon may Susing nangangalaga,bago kayo makapasok sa lagusan papunta sa dulo at ilalaim ng kagubatan saka niyo pa makikita ang bundok kailangan niyo munang kunin ang susi." Mahabang paliwanag ni dean

"Papaano naman namin hahanapin ang tagapangalaga ng susi?" Corwin

"Hindi ko pa alam. Ngunit malalaman niyo rin ito. May dalawang araw kayo sa paghahanda. Kung kinakailangan niyong magsanay-magsanay kayo. Wala pa saakin ang mapa papunta sa lugar na iyon. Kaya dalawang araw ang palugit na ibinigay ko sa inyo. Maari na kayong umalis at magpahinga" Sabi ni Dean saka tumayo at pumunta s amga papeles niya.

Lumabas na rin ako. Mission--It is really my first time to do this without Belle and Keziah. Ginamot muna ni Hallie ang sugat ko saka kami pumunta sa dorm namin.

Kinakailangan ko nang maraming information para naman hindi ako maang na maang sa misyon namin. May dalawang araw ako upang magbasa at mangalap ng impormasyon. Sisimulan ko na bukas ng pagbabasa sa library.

Napahawak ako sa kwintas ko saka ko doon kinabit ang binigay saakin nang nakilala ko sa ilalim ng dagat. Napapalibutan na nang importanate gamit ang aking kwintas ngunit hindi naman ito mabigat at nakikita ng iba dahil may ginawa rito ang babae sa panaginip ko upang hidni agad makita nang kung sino.

Naalala ko si Manang hindi pa kasi tumatawag si dad . Wala man lang akong balita sa kanila. Wala sanang mangyaring masama sa kanila.

Tahimik lang ako dito sa sala pati narin ang iba. Siguro'y iniisip nila ang Mission na wlaa pang paliwanang saakin kung bakit ako nakasama.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

KEEP READING!!!



VOTE COMMENT

Artius Academy :The Unknown GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon