Chapter 29

492 14 0
                                    


CHAPTER 29: THE MISSION 


Tanghali na rin ako ng magising dahil sa nangyari saakin kagabi at nagpandalas ako ng pagligo at pag aayos ng gamit ko. Si KiaNeve na din ang nagayos ng susuotin ko. Dinala ko ang Magic bag ko na kung saan nanduon lahat ng pangangailangan ko at ang natirang bigay saaking pangamot ni Hallie. Sinuot ko na rin ang cloak para hindi mahalata ang suot ko wala akong magawa kung hindi suotin ito dahil malapit na mag 3.

Siguro'y magpapalit nalamang ako ng susuotin kapag may natuluyan kami sa aming pupuntahan. Tanungin man ako kung p-pwede akong magpalit ngayon na ay gugustuhin ko ngunit ayaw ko namang mahuli. 


Suot ko ay fitted na pants at tank top na itim saka combat shoes. Ang sabi ni KiaNeve ay mas komportable raw ako makakalaban kung ganito ang suot ko. Buti nalamang at may magic cloak ako na pwedengg pangtakip ng suot ko.


Sakto ang dating ko sa tagpuan at nakita ko naman sina Dean doon kasama sina Hallie, Stephen , Belle at Kez. Ang kulang ay si Knight na nasagot agad ang tanong ko nang punahin kami ni Corwin.


"Sakto lang  ang dating ni Akira at Knight mukhang sinadya niyo ah" Tukso nito. Hindi ko nalang pinansin. Nakita ko naman si Azriel at ngumiti ito saakin kinawayan ko nalang at pumunta kay Hallie.


"Bakit?" Takang tanong ko rito dahil sabi niya ay may ibibigay raw siya sa may gate. May binigay siya saaking Magic dust bag.


"Ito ay isang magic dust bag. Nandiyan ang pangangailangan niyo sa pagagamot, ginawan ko na. Mag-ingat kayo. Huwag mong aalisin sa tabi mo iyan a" Sabi niya kaya nilagay ko ito sa bag ko at ang iba naman ay nilagay ko sa gilid ng bewang ko. Ginawa ni KiaNeve ang dust bag sa tagalirin ko kaya.


"Mag ingat din kayo" Sabi ko rito saka napatingin kay Dean.


"Ito ang mapa. Mag-ingat kayo. Sana ay walang mangyaring masama sa inyo doon" Sabi niya saka tumingin kay Knight at ibinagay ang map. Na siyang binuksan naman nito. Binuksan lang niya pero hindi gaano tiningnan napasilip naman ako . Napakahaba pala ng lalakbayin namin.


Gumawa na si Dean ng portal" O siya umalis na kayo upang hindi kayo gabihin sa daan" Sabi niya.


"Akira mag ingat ka doon ha!" nanay na sabi ni belle" Kumain ka ng maayos" dadag pa nito na siyang binatukan naman ni Kez


"Huwag mong kaming aalalahanin dito. Mag ingat ka sige na " Sabi ni Kez at niyakap nila akong dalawa. Kumaway lang ako saka kami sabay saby pumasok ng portal .


Ramdam ko namang biklang pag ikot ng paningin ko at para akong masusuka. 


"Aray ko" Sabi ko ng nagdagasa kaming lahat. Nandito na kami s agubat kung saan magsisimula ang paglalakbay namin. Nakita ko namang gumulong ang mapa .


"Ayos ka lang?" Tanong saakin ni Azriel na siyang naka tayo na sa harapan ko. Tumango lang ako at hinawakan ang kamay saka tumayo. Ngitian ko nalang siya bilang pasasalamat.


"Tara na, Let's start!" Biglang sigaw ni Hadwin at Corwin na magiliw na nangunguna. 


Artius Academy :The Unknown GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon