Chapter 27

515 16 0
                                    


CHAPTER 27 : MYSTERY BOOK

Maaga akong gumising upang pumunta ng library. Napakaraming namang libro dito at napakalawak ka kaya't hindi ko alam ang uunahin ko. Buti nalamang at may tagabantay ng library ngunit may pagka maistrikto ata ito.

"May I ask kung nasaan po yung tungkol sa mga Magic ?" hindi ko kasi alam ang tawag sa hinahanap ko. Basta ang alam ko may gusto akong malaman.

"3rd floor stairs on the right." Maikling sagot nito at inasikaso na ulit ang kanyang gagawin. Umakyat naman ako ng hagdan at doon nakita ang sobrang kakapal at maraming libro.

Saan naman ako magsisimula dito?

Witchcraft

Sirene

Dragons

Elf

Ilan ito sa mga nakikita ko. Sirene na nga lang. Hindi ko makuha dahil ata sa katagalan na ng nakastock dito. Napatingin naman ako sa taas ng mga libro baka kasi paghugot ko nitong libro na ito ay mahulog ang mga iyon. At nangyari nga sa hindi ko inaasahang pagkakatao.

Napahawak ako sa ulo ko dahil sa bigat ng libro.Good thing walang tao rito at hindi ako nasita.

Ibinalik ko na ang ibang libro ng may mahagip ako na sobrang kapal nang libro. Umiilaw pa ito.

Mabuti at may lamesa dito at upuan kaya naman ay umupo ako.

Kingdoms- iyon ang naka lagay na pamagat dito. Binuksan ko naman dahil curious ako.

Sapphire Kingdom

   Ito ang sentro nang lahat ng kingdoms at pinapanatiling mabuti,maayos at walang gulo ang Immortal world. May nakapakalakas na kapangyarihan ang mga naninirahan sa palasyo.Katulad nalamang ng Reyna.

Hinahanap ko ang karugtong nito dahil may nakita ako punit, marahil may pumunit nito. Masyadong halatang nawala ang ibang pahina.

W Kingdom
  
   Kung saan naninirahan ang mga Witch,Wizard, Elf, Fairy, Sirene, Half human, half animals creature at iba pa. Dito nagsasama sama ang isa pang malalakas na uri. May magandang pamumuhay ang mga naninirahan rito ngunit mailap sila sa ibang taga ibang kingdom ngunit maasahan.

Sila rin ay isa sa mga pinagkakatiwalaan ng Sapphire Kingdom sa pagagawa ng mga ibat-ibang klaseng mahika at takagapagtago ng sikreto.

Wala silang itinatayong Reyna at Hari dahil may tag iisa silang pinuno na kanilang pinagkakatiwalaan.

Ignis Kingdom                                                                                                                                                                                            Ang mga naninirahan dito ay may mga kapangyarihang apoy. Ang naghahari ngayon ay si Haring Agni  Gerald Phaestus. Sa nagdaan na taon may balitang ang napangasawa nito ay nawawala ngunit may anak silang isinilang at pinangalanang Knight Fitzgerald Phaestus ito ang pangalawang mamumuno sa kaharian nila. Ang napangasawa ng Hari ay hindi pa matukoy kung anong kapangyarihan at anong pangalan. 

Maraming mga taga Ignis ang nagsasanay upang mas mapalakas ang kanilang kapangyarihan sa utos na rin ng lahat ng Reyna at Hari. They have to protect each other with no cost.  

Aqua Kingdom                                                                                                                                                                                    Na kung saan naninirahan ang may kapangyarihang tubig. May mga malilinaw na tubig ang mga naninirahan dito at sa taas sila ng tubig naninirahan . Wala masyadong pumupunta dito sa pagkat wala masyadong mahirap makatawid sa tubig. Ang Reyna na si Phuten at ang hari naman ay si Siedon,Ang bali-balita nawawala ang kanilang tagapagmana. Ligid sa alam ng  karamihan nang lahat ay hindi pa nila matukoy ang kanilang apelyido katulad na rin sa ibang kaharian ngunit hindi ito naging hadlang para hindi sila sundin...

Artius Academy :The Unknown GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon