Chapter 31

499 20 0
                                    


Magsisimula na po akong magdedicate ng story ko to my readers, voters, followers and sa mga naglalagay sa kanilang reading list pwede rin sa mga nagc-comment. HAHA


CHAPTER 31: THE GUARDIAN

"j-jasmine Amber?" mahahalata mong mataray na mabait si JA ngunit nang mabanggit ko ang pangalan na iyon para bang nawalan siya ng dugo sa kanyang katawan at biglang nagbago ang kanyang eskpresyon.

"Anong alam niyo sa kanya?Anong kailangan niyo?"

"Kilala mo ba siya--"

"AKIRAAAA!!! Nawawala sina Ingrid at Harmonie" Tawag saakin ni Hadwin. Napatayo naman ako sa sinabi niya.

"Papaano?Asan sina Corwin?" taka kong tanong

"Magpapahinga sana kami kaso napag-isip isip naming pumunta munang labas. Abala ka naman diyan kaya hindi ka na namin maaya pa. Nauna na sina Ingrid sa labas pagtingin namin wala sila. Hinahanap na sila nina Corwin pinapunta ako dito ni Azriel para sabihin sayo" Paliwanag niya saakin.

Anong bang nagyayari? Bakit naman nawala ang mga ito. Ang bilis naman magsiaayos ng mga ito.

"Baka naman naggagala lang?" Pinapakalma ko ang sarili ko. Iyamot namang tumingin si Hadwin sa isang pinto palabas ng sala. 

"Hindi...Hindi sila magagala. Hindi sila nagagala nang walang paalam, hindi sila ganito sa misyon" Sabi niya. Kita ko naman ang pag-aalala sa mukha niya.

"Anong maitutulong ko?" Mukhang naibalik na ni JA ang pagkagulat 

"Hanapin nalang din natin sila" Sabi ko saka lumabas na pumunta naman kami sa isang eskinita ang may dalawang daan lang 

"Magsama na kayo ni Hadwin" Sabi ni JA saakin

"Hindi kayo na ang magsama. Kaya ko ang sarili ko" tangi ko 

"Saulo ko ang mga eskinita kayo nalang" Pagpupumilit nito

"Kayo nalang kayang dalawa ang magsama?" suhestiyon ni Hadwin. Pumunta na akong kanan

"Magkaliwa na kayo!" Hiyaw ko saka  tumakbo na wala na silang nagawa at naghanap na din

Saan ko naman sisimulan ang paghahanap at sobrang dilim dito. Puro sira pa ang bahay halatang wala masyadong tumitira.

"Ahhh" naparinig ko naman ang isang sigaw sa isang bahay na sira na din. Dahan-dahan akong pumasok doon at walang nakita. Puro mga yero lamang ang nandidito at walang kahimahimalang bagay.

Skt!


Luminga linga ako sa naparinig ko ano iyon. Mayroon palang kahimahimala sa paglalakad ko rito. Humawak sa sementong inaapak ko nang may maramdaman ako. Gumawa ako ng bolang nyebe at pinalipad iyon. 

Kailangan mong pumunta sa kasamahan ko upang ako ay makahingi ng tulong  

Bulong ko sa nyebeng aking ginawa saka ko binuksan ang pekeng semento. May nakita ako hagdan pababa doon napaparinig ko ang mga salita at hindi gaanong kaingay na yapak. Dahan-dahan naman akong bumaba ng hagdan at nagtago sa sa likod ng drum nang may makita akong lalaking naglalakad.

"Anong gagawin natin sa mga babaeng iyon?Tatapusin ko narin ang kasamaha---" Tanong ng lalaki sa hawak niya.

"Kunin mo ang kapangyarihan nila" malademonyo silang tumawa saka umalis ang lalaki. Sinundan ko naman siya at may nakita akong dalawang pintuan. Sa isang pintuan siya pumasok.Wala namna ako masyadong makita roon kaya pumasok ako dahan-dahan sa pangalawang pinto.

Artius Academy :The Unknown GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon