Chapter 22

476 12 0
                                    

CHAPTER 22: THE BATTLE OF RANKING (PART 2)

"Prince---" Paintense na tumigil si Dean saka may ngising tumingin saaming lahat "Prince Corwin Coyle Elwood" Naghiyawan naman ang mga Artia at si Corwin tatalon talon na pumunta sa loob ng Barrier. 

Nasa loob siya ng malamig na lugar. Mukhang ito ata ang kahinaan niya? Mukhang tuwang-tuwa naman si Corwin sa loob habang nakikipaglaban sa oso sa loob, Ginagamitan niya ito ng Super-strength power niya. May mga ginagamit siyang kapangyarihan na hindi ko malaman kung ano ito. 

Basta ang alam ko nalamang ay ibinaon niya ang oso sa nyebe pababa hanggang sa may sumabog at ang kasabay noon ang pagdisyerto ng lugar at may mga lupang naglalagan at may mga basag na yelo ang bumabaon sa lua hanggang sa magform ito ng pagsabog at nagcrack na ulit ang barrier. 

Dahil sa mga pagcrack kanina pa ng barrier. May mga Artia ang gumawa ulit ng mahigpit na barrier. May lumabas na egg ulit sa harapan ni Corwin dahil nakakuha siya ng 85/100.

May gasgas siya ng konti, katulad sa iba nagcrack ang egg at lumabas doon ang kaniyang mysthical creature na isang orange fairy dragon at pumasok din siya sa katawan ni  Corwin. Nawala rin ang gasgas ni Corwin saka ito lumabas ng tatalon talon parin.

May hinahanap siya sa section namin ng magtama ang mata namin kumaway siya.

"UHHH! kinawayan Ako ni Corwin my labs"

"Ako rin"

"Manahimik kayo ako ang kinawayan niya"

 Hiyaw ng mga kaklase ko na nasa likod. 

"Mga assuming ba talaga sila?" Bulong ko kay Stephen na siyang ikinatawa niya ng mahina.Hindi naman sinagot ang tanong ko at ngumiti nalang 

"The next is Prince..." Tumingin naman kami sa Monitor sa taas doon nagr-rumble ang kanilang pangalan."Prince Hadwin Icarus Theon" marami namang naghiyawan ng naglalakad na kumakaway si Hadwin na kala mo ay isang artista. 

May mga nagf-flying kiss ka pa at siya namang tinatanggap at binabalik niya. May pagkindat pa siya sa mga Artia. Nang makapasok siya sa loob ng barrier. He scan the whole gymnasium at may lumabas na Chain sa kamay niya. He looks cool though.

Kalaban niya ay isang skeleton lizard. Mahirap itong talunin sapagkat bumabalik siya sa dating anyo kahit na patamaan ng metal kaya ang ginawa ni Hadwin ay  nag shapeshifting Siya isang maliit na lizard at saka pumasok sa loob ng Skeleton Lizard sa may pinalibot sa puso? Yeah, puso ng Skeleton Lizard saka siya lumabas hawak ang metal at bumalik sa dating anyo.

Saka niya hinila ang puso nito at saka may sumabog. Nag crack naman ang barrie na siyang ikinatuwa din ng manunuod. May pagkaway pa si Hadwin kahit may gasgas siya sa katawan. Mukhang inagkaingatan niya ang mukha niya. 

85/100.

"Third Person POV"

May lumabas na egg sa harapan ni Hadwin at nagcrack agad iyon na mukhang gusto na agad lumabas. Nagulat naman si Hadwin dahil sa nakita niya ngunit nawala din agad at nagtransform sa swan at lumapit agad sa kanya. Walang alama ng lahat sa nangyari ngunit si akira ay mistulang nagulat rin.

"Nakita mo ba iyon? Ang ganda" Manghang sabi niya kay Stephen na walang alam sa nangyari.

"huh? Iyong swan? Maganda nga" Napakunot noo naman si Akira sa sinabi ni Stephen

"Hindi iyong babae--Aist. Nevermind" Sabi nalamang nito at sinundan ng tingin si Hadwin na ngayon ay nagulat din.

Ang nakita lang naman nila ay isang magandang nilalang na babae, isang swan na babae ngunit nawala din naman ng isang segundo. Mukhang nagulat din ang babaeng swan sa nangyari kaya nagmamadali itong pumasok sa katawan ni Hadwin.

Artius Academy :The Unknown GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon