Chapter 21

504 16 0
                                    


CHAPTER 21: THE BATTLE (PART 1)


Makalipas ang tatlong araw na walang masyadong pahinga ngayon ay gaganapin na ang pinaghandaan ng halos lahat ng estudyante dito si Artius Academy upang mapatunayan ang kanilang aking lakas. 


Sa nakalipas na tatlong araw hindi kami masyado nag papansinan ng royalties dahil ginawan kami ng tig isang barrier ni Stephen. 


"Handa ka na ba Akira?" tanong ni Belle saakin habang inaayos ang kanyang sapatos. 


"Hmm. Pwede na " Sabi ko saka ko sinuot ang aking jacket. Ang suot lang naman namin ay ang Gym Uniform namin. Lahat kami dapat jacket ang suot. 


"Tara na guys. Tinatawag na tayo" tawag saamin ni K na nasa may pinto na .


Sumunod naman kami at pumunta kaming  sa Private Gym, May pabilog doon sa gitna at may natatakpan na maraming barrier. Umupo naman kami sa taas kung saan nandito ang amin kaklase. Nakita ko naman na pumasok ang Royalties at ang pinag kaibahan sa suot namin ay may touch of gold ang kanilang suot.


Katapatan lang namin sila ng row pero nasa kabila silang side at nakaupo sa maliliit na trono dahil may trono pang mas malaki sa taas.


Pinaalis lang kami kahapon ni Stephen ng maaga upang makapagpahinga. Hindi ko rin nakitang gumamit ng kapangyarihan ang mga Royalties dahil sa barrier na gawa ni Stephen.


"Omg. Kinakabahan ako guys"


" Me too. Narinig ko kasi manunuod ulit ang mga Queens and Kings "


"Lalo mo kaming pinakaba!"


"Magpapakitang gilas ako para sa royalties gusto ko talagang makapunta sa section nila"


"ako rin"


"Sh-t ganda pa din nila."


"Sexy pa"


 Ilan lang yan sa mga naririnig ko sa mga bulungan ng mga Artia ng pumasok ang royalties.


Tumahimik naman ang lahat ng may biglang pumasok isang lalaki na may malakas na awra na kaya kang patahimikin. Syempre ang Dean namin.


"Goodmorning, Artia. So we have a battle today to know if you are qualified in your section or you need to move in another section or worst you will be returned in the last section which is Z section. We didn't know if you have classmates on that or don't have." bigkas ng aming dean.


"Please all welcomes are Queens and Kings from other Kingdoms" Bigla naman pasok ng sobrang awra sa loob ng gymnasium at siyang hiyawan ng Artia. 


"Let's proceed from  T Section. Ang rules lang ng laro ay kailangan niyong kalabanin ang nasa loob. Hindi natin masasabi kung ano ang nasa loob nito. Maari niyo ring basagin ang Barrier na kung sa ganoon ay makakuha kayo ng mystery egg. Bawat isa sa inyo ay pwedeng makakuha ng mythical guardians ang iba ay animal guardians lamang. Overcome your fear. Depende sa inyo kung sino o ano ang makakalaban niyo. Lets start now" Bigla naman tumahimik ang Gymnasium ng sabihin iyon ng Dean " Lets start T section--" Saka niya pinaikot ang machine na may pangalan at nag nagpapakita sa screen sa taas kung sino ang taong iyon at kung anong kapangyarihan.

Artius Academy :The Unknown GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon