Chapter 43

375 19 0
                                    

A/N: Okay guys, I need to calm down! I wrote again this chapter because I accidentally click the 'delete this chapter' thingy. I'm sorry if I took a while to update. Comment your thoughts and I would appreciate that also vote for motivation.

CHAPTER 43: GUARDIAN 

"AKIRA'S POV"

Kanina pa akong tulala rito at nakatitig lang sa katawang kong mahimbing na natutulog. Hindi ko na rin alam kung ilang oras nang hindi parin pumapasok sa isip ko na ang katawan ko ay nakahiga at ako itong isang kaluluwa.

Hindi pa rin ako makapaniwala kaso noong hinahawakan ko ang katawan ko ay hindi ko naman mahawakan kaya sumuko na ako.

Napataas ang dalawa kong balikat sanhi ng pagkagulat dahil sa paglabas ni Kianeve sa natutulog kong katawan. Hindi naman ako magugulating tao ngunit nawala lag ako sa pag-iisip kaya naman ako ay nagulat.

"Tama na ang pagtitig mo diyan. Ako muna ang magiging trainor mo dahil ang iba kong kasamahan ay may it-train pang iba"sabi ni Kianeve at nang-anyong babae na siya. Sobrang putla niya at malapit lapit na ang kulay ng aming buhok.

"Ipapaliwanag ko muna sayo na iba ang oras natin sa loob ng kwartong ito. Mas kakaiba ang sa iyo"paliwanag niya "Kung sa labas ay 60 minutos sa loob ng kwartong ito ay isang araw samantalang sa iba mo namang kasamahan na nagt-training ay isang oras sa labas ang isang araw sa kanila. "

"So meaning isang oras ay dalawang araw?" tumango lamang ito at may isinenyas saakin.

"Kailangan natin bumisita sa kwarto nila"sabi nito at nakita ko nalamang ang sarili ko at si Kianeve sa kwarto ni Hadwin at Ingrid? Bakit ko nasabi dahil magkatabi lamang naman silang natutulog

"Kianeve, mukhang hindi ko na nasaksihan ang kanilang pagsubok at natapos na"sabi ko at hindi parin inaalis ang paningin sa dalawang magkatabi

"Hindi naman sila ang ipinunta natin dito"sabi niya at saka siya umisod pa kaliwa at doon ko nakita ang dalawang babae. Ang isang babae ay may hawak na harp na sa tingin ko ay ito ang guardian ni Ingrid at ang isa naman ay pamilyar saakin ito ang babaeng nakita ko noong battle. Ito ang guardian ni hadwin isang swan. Hindi maipagkakaila na may angkin silang kagandahan.

" Ako si Musetyca ang mysthical spirit guardian ni Ingrid"sabi nito at saka yumuko para magbigay galang

"Ako naman ay si Swacha ang mysthical spirit guardian ni Hadwin"katulad ni Musetyca ay yumuko rin ito.

Yumuko rin ako saka ako nagsalita "Ako naman si Akira. Kinagagalak ko kayong makilala"

"Tunay nga ang balitang napakaganda mo nga at may angking kang kabutihan" biglang sabi ni Swacha

"At tunay nga ang aking nakita noong labanan."mahiwagang sabi ko

Magtatanong na sana si Swacha ng biglang tumunog ang isang string ng harp ni Musetyca

"Malapit na silang magising. Mukhang kailangan mo pang makilala ang iba baka maubusan na kayo ng oras"sabi ni Musetyca

"Sa sunod na ating pagkikita"nasabi ko nalamang ng igalaw ni Kianeve ang kamay niya at sa kwarto naman ni Corwin kami napapunta.

Isang babaeng nakatingin kay Corwin ang aking nadatnan at seryoso lamag ito.

"Mukhang nahirapan ka sa kakulitan ni Corwin" mukhang nagulat ko ito dahil hinila nila ang buhangin sa katawan niya. Mabuti naman at biglang nagsalita si Kianeve

"Naliligaw na naman ang isip mo Saass kaya hindi mo nararamdaman ang nasa paligid mo"panenermon nito

"Patawad."Sabi nito saka yumuko "Ako si Saass ang mysthical spirit guardian ni Corwin at tama ka mahirap nga ngunit kapag seryoso na ay umaayos"sabi nito

Artius Academy :The Unknown GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon