Chapter 42

464 18 3
                                    

MORE MORE MORE

CHAPTER 42: TRAINING WITH GUARDIANS #2

"HARMONIE'S  POV"

Napapunta ako sa isang kagubatan na wala kulay puro lantang mga halaman, mga punong nagtumba at lagas na saka mga nanghihinang fairy kaya hindi ko magawang maisip kung bakit ako nasa lugar na ito. Napapaluha ako sa mga nakikita ko isa ito sa nagiging kahinaan ko.

Hindi ganito ang inaasahan ko ngunit isa siguro ito sa pagsasanay ngunit hindi--isa siguro itong pagsubok.  

Nanghihina akong lumalakad sa mga patay na damo at tumitingin sa mga punong wala nang buhay. Hindi ko lubos maisip na isang ganitong pagsubok ang kahaharapin ko. 

Napalinga-linga ako ng may marinig ako huni o boses--boses ng isang fairy kaya naman nabuhayan ako at nasa isip ko lang na may buhay pang fairy dito ngunit kung may buhay pa hindi sana ganito ang lugar na ito kaya naman ng sinundan ko ang ingay na nasa likod ko ay nanlaki ang mata ko dahil ang ingay na napaprinig ko ay mas dumadami at pamilyar saakin ang mga boses na ito dahil sa aming palasyo ay nakasalamuha na ako ng ganito. 

Galit na mga diwata.

Pagtingin ko ay mga diwatang maliliit ang sumusugod saakin sila ay mga nakapula puro pula kahit kanilang mga mata at katawan ganito ang sign na ang isang diwata ay galit ngunit bakit sila nagagalit? 

Hindi ako lumaban ngunti ako ay umiwas kahit galits silang diwata ay kasapi ko parin sila kaya naman hindi ko sila masasaktan ng walang dahilan hindi naman dahilan ang galit silang sumusugod saakinpara saktan ko. Sa gitna ng kanilang pagsugod ay may nakita ako sa kanilang gitna na maliit na lumilipad hindi ko alam kung bakit siya lumiit pero siya ang mysthical animal ko.

"Eastryn!"Naihiyaw ko. Ito na ba ang pagsubok? Ngunit bakit siya ang nandito? Naiintindihan kong kasama ko siya ngunti hindi ko naman natatandaang lumabas siya pwera nalamang...

Nanlaki ang mata kong napatingin kay Eastryn ng maging lalaking tao ito. May pakpak parin ito ngunit kagaya na ito ng mga lalaking diwata at may korona siyang nakalagy s akanyang ulo at sobrang kisig niya. Ang kanyang braso at hita ay may balahibo ng koneho dahil isa rin naman siyang koneho,may nakasabit sa kanyang kung ano at nakapulupot ito sa kanyang katawan at bumagay ito sa kanya. 

Siya ang Guardian ko.


Unang tingin ko palang s aitsura na alam kong siya nga ang guardian ko. All along kasama ko lang pala ang guardian ko na inaakala kong Mysthical Animal ko lamang. Noong una palang nanghihinala na ako ngunit pinagsawalang bahala ko nalamang.

"Papano mo kaya mabubuhay ang ganitong lugar at mapapaalis ang galit ng mga maliliit na diwata na ito?" kahit ang kanyang boses ay gwapo subalit hindi dapat iyana ng aking pagtuonan ng pansin.

 Isa sa naging kahinaan ko ang bumuhay ng mga bulaklak, puno ay kaya ko pa ngunit ang mga bulaklak ay hindi nakikicooperate saakin paminsan-minsan subalit wala namang masama kung susubukan ko dahil ilang beses ko na rin naman napag-aralan iyon ngunit hindi ko pa nait-try. Ang isa pa sa mga hindi ko kaya ay hindi ko talaga magawa ay kung papanao pawalain ang galit ng isang diwatang nasasakupan ng poot at galit ang kanyang puso at buong pagkatao. Nakikita ko naman sa palasyo at sa iba kung papano pawalain ang galit ng isang diwata ngunit ang sabi nila ay ginugugol nila ng mahabang panahon kung papano nga iyon magawa.

Hindi ko na muna pinansin ang mga galit na diwata at ang aking guardian saka ako naglagay ng shield para hindi ako masugod ng mga galit na diwata pansamantala. Hindi naman ako nahirapan na buhayin an mga puno ay mga damo ngunit ang halaman, hindi ko pa alam. 

Artius Academy :The Unknown GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon