Chapter 9

980 39 1
                                    

Hihihi! Thank you sa patuloy na pagsubaybay sa kwento ng ating bida at pagbabasa .mwuah!

----------------------------------------------------

Bubuksan ko na sana ang pinto ng may humawak sa kamay ko.

Lilingon na sana ako ng sabihin niya

"Don't and Close your eyes" Hindi ko alam pero sinunod ko nalang and the next thing na alam ko ay nawalan nalang ako ng malay..

****

Nagising nalang ako dahil nagugutom na ako. That's my valid reason.

Aray ko! Napadaing nalang ako dahil biglang sumakit ang katawan ko . Napahawak ako sa dibdib ko dahil napakalas ng tibok ng puso ko. Hoh! Siguro ay nabigla lamang ako sa sakit kaya nagkakaganito ang puso ko.

Napalingon ako sa paligid , Huh? Nasaan ako? Hindi ko kwarto ito. Kulay black ang kwartong ito. Tagong tago sa liwanag. Pumunta ako sa bintana at nakitang gabi na pala.

Gabi na?? 0×0 Mapapagalitan ako ni Dad! Dali dali akong pumunta sa pintuan ngunit may nagbukas naman nito.

" Pasaan ka?" Urgh! Ano ba? Mamumura ako ni dad, may gana pa siyang magtanong .

" I don't have time to explain." Matigas kong sabi at lalabas na sana ngunit hinila naman niya ako pabalik sa kwarto more on kinaladkad papasok ng kwarto at pinaupo sa sofa? May sofa pala dito.

" Ano?" Pagtatanong ko sa kanya. Napkakulit naman nitong gabing lalaki na to! Kailangan ko nang umuwi.

"Kumain ka muna." Saka ko lang nakita na may dala pala siyang pagkain. Wow! Papaano niyo nahawakan lahat ito o kanina pa itong nandito. "Napagpaalam na din kita" Napatingin ako sa kanya nang sabihin niya iyon. 

" Hindi nga?" Tiningnan niya lang ako na para bang sinasabing 'mukha ba akong nago-joke?' Astig. Hindi kasi agad pumapayag si dad eh , kaya hindi agad ako naniwala sa kanya. Kumain nalang ako ng matiwasay kahiit naiilang ako dahil nakatingin siiya saaakin habang kumakain ako buti naman at natapos ko.Kumain na din ako ,pinagkatiwalaan na to ni dad e. Tsaka Gutom na din ako.

"Nasaan nga pala ako?"pagtatanong ko sa kanya "Nasa kwarto."Aist! Sarap batuhin nang unan Pilosopohin ba naman ako? Nakakgigil. 

"Nasaan nalang yung apat?" Tanong ko, huwag mo akong pilosopohin. "Maghahanap ka ng iba ako ang nandito." Sabi niya at tumayo na . Dali- dali naman akong pumunta sa kama at kinuha ang dalawang unan at binato sa kanya. 

*Boogsh* 

Sapol haha! 

Napahawak naman siya sa ulo niya at tumingin saakin. "Anong problema mo?"sabi niya saakin . Ako pa may problema siya nga tong napaka pilosopo.


"Alamin mo! " Pagkasabi ko nuon ay tumakbo agad ako palabas ng pinto! "gooodnessgracious" . Bumungad saakin ang apat na aking hinahanap.kanina pa.

"Haha" Tawa naman ni Clint " Sorry nagulat ka ata namin.Pft" pagpapahingi niya ng paumanhin at pagpipigil ng tawa.

"Anong nangyare?" Takang tanong ko sa kanila at siya namang labas ni Knight sa kwarto na tinulugan ko. Tumingin lang siya saamin at lumisan na.

" Ah! Kanina ba?" Sabi ni Azriel ,tumango nalang ako bilang sagot. " Sa hapag-kainan nalang namin sasabihin sayo." Sabi niya at niyaya na ako sa isang pinto.

Pag bukas nito ay nakita ko ang kaninang inuupuan namin when we first incounter , pakilalanan pala. If di niyo gets. Nandito lang naman kami kanina sa loob ng hinimatayan ko. Yung sinilip ko silang nag uusap usap.

Di ko akalaing may kwarto pala duon, napakalawak pa!

Nakahanda na ang pagkain . Yayamanin! Umupo na ako dahil pinaupo na ako . Katapat ko si Knight bale ganito ang pwesto namin

    Azriel.        Corwin.
Knight.                                               Ako.       Clint.           Hadwin.

Hayan. Nagdasal muna kami and then kumuha na sila ng mga pagkain. Syempre di ako kumuha busog pa ako remember kakain ko lang. Di naman sinabi ni knight na sabay-saby palang kakain, E di sana hindi ko kinain yung dinala niya saakin diba!.

Napansin ata ni Corwin na hindi ako kumukuha ng pagkain kaya tinanong niya ako.

"Akira, Bakit hindi ka kumukuha ng pagkain?" Tanong nito saakin "Ano kasi.Na--" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng ito ay pumutulin niya.

"Ah! Huwag ka nang mahiya,kumuha ka lang " Sabi niya at sumubo ng malaki. Hayst

"Hindi! Busog na ---" Sa pangalawang pagkakataon pinutol na naman niya ang aking sasabihin.

"Busog ka na agad? Nahihiya ka lang e . Kumuha ka na dali" Pangungulit niya saakin.

"Stop that! Coco.Let her finish what she say" Mahinahong saway  ni Clint kay Coco este Corwin.

" Cliley!Stop the Coco thing!" Inis na bulyaw ni Corwin kay Clint.

"Stop the childish act you two. Nasa hapagkainan tayo." Pagsasaway naman ni Azriel kay Corwin at Clint.

"Okay? Busog na kasi ako kaya di ako kumakain" Paliwanag ko kay Corwin

"What? Bakit?How?"

Napatawa naman ako s adami niyang tanong " Kumain na ako sa kwarto.Kumain ka nalang at huwag maraming tanong" Nakangiting pahayag ko. It's new to me na tumawa ng ganito. Siguro malaya lang ako na wala si dad.

"Oo nga pala. Ano na ? Care to explain?" Tanong ko sa kanilang lahat, alam naman nila kung ano ang aking sinasabi.

"Nahimatay ka lang dahil sa kapaguran mo." Sabi ni Azriel.

"Huh? No! That's horrible wala nga akong masyadong ginawa sa school tapos mapapagod ako?" Hindi ako nasang ayon sa kanila. Liar!

"Nahimatay sa kagwapuhan ko" pag papapogi naman ni hadwin sabay kindat saakin.

"Masuka suka ka nga sa sinasabi mo Had-had . Ako ang gwapo dito!" sabi naman ni Corwin na sinundan ni Clint na sinundan rin ni Azriel na pinagpatuloy ni knight charot. Kj yan e . Syempre nagpaikot ikot sa apat lang. Tahimik lang akong nakatingin at nakikinig sa pag -aaway nila.

Natapos na silang kumain at ngayon naka-upo lang kami dito sa sofa nanuod ng TV, thats what they said. It's a TV kung ano ano nalang pinapanuod namin dito.

Umiinom lang ako ng gatas sabi kasi ni Azriel uminom nalang daw ako at nagpalit na rin ako ng damit. Pangbabae syempre , pinaglumaan daw ng kaibigan nila na babae.

Si Knight nakapikit lang at nakataas ang paa sa lamesa habang si Azriel naman naglalaptop . Si Clint nagbabasa ng libro . Si Hadwin nagseselfie nagpapapogi habang si Corwin nag lalaro minsan naman ay nakikisala sa mga selfie ni Hadwin o nangungulit sa pagbabasa ni Clint. Ako lang yung nanunuod ng TV.

Boring din pala dito. Hindi pa naman ako inaantok pero nabigat na ang talukap ko. Ang huling nakita ko nalang ay naibagsak ko ang baso ng gatas kaya napatingin silang lahat saakin bago ako makatulog.

---------------------------------

Hi everyone! Nagtataka siguro kayo kung bakit nahihimatay ang ating bida. Malalaman niyo rin ang sanhi nito at mga bunga kung bakit siya nahihimatay!

Just leave a comment kung may mga suggestion kayonor something! Labyuu guys!

KEEP READING

VOTE.COMMENT

Artius Academy :The Unknown GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon