Chapter 44

506 23 7
                                    

CHAPTER 44: CRYSTAL ICE


"AKIRA'S POV"


Sa pagsasanay kailangan mo ng bilis, talino at kakayahang lumaban. Hindi man ganito ang inaasahan kong ensayo naming ngayon sa labas ng bahay ay pinabayaan ko na. Iniisip ko nalamang na nagsasaya muna sila bago ang totoong ensayo.

"Akira, Pwede mo ba akong turuan?" sabi saakin ni Diamond na nanunuod ng kalokohan nina Corwin sa harapan.

"Saan?"

"Sa aking kapangyarihan" sabi nito

"Bakit ako? Wala akong alam sa kapangyarihan mo. Sa prinsesa ka dapat magpaturo, pinsan mo din naman siya"

"You don't understand. " napangiti ako sa biglang pagsasalita niya ng inglesh. " Alam kong marami kanga lam, diba nagbabasa ka ng makakapal na libro tungokl sa mga kapangyarihan" saka ito tumingin saakin.

"Ang una mo lang namang gawin ay mag ensayo ng magensayo at makipag isang dibdib ka sa kapangyarihan mo"

Napahawak ako sa bibig ko ng maramdaman kong may yelong bumagsak sa palad ko.

"Kahit ang bibig mo ay nag y-yelo na" banggit ni Diamond.

"Hayaan mo muna" sabi ko. Alam ko namang nakokontrol ko na ang kapangyarihan ko at sinabi rin Kianeve na kung sakaling may makita o maramdaman akong kakaiba ay huwag na raw akong mabibigla.

"Maiwan muna kita saglit" sabi ko saka hinubad ang cloak ko, tee shirt at pantaloon upang matira na ang bralette ko at cycling short.

Mabuti naman at hindi na nagtanong pa si Diamond kung pasaan ako. Ramdam ko rin ang buhok kong tumatama sa likod ng tuhod ko. Paniguradong kada ilang oras ay humahaba ito. Dahan dahan akong pumuntang dagat hindi ko alam kung bakit gusting-gusto ng sarili kong pumunta dito mukhang komportable ang katawan ko. Nang maramdaman ko ang tubig sa paa ko hindi ko maiwasang mapangiti sa ibang nararamdaman ko. Kaya naman pumunta ako pailalim. Ramdam ko ang ibang sensasyon na pinaghalong lamig at init. Unti-unti ring nawawala ang pagy-yelo ng aking bibig.

"Akira!" saka lang ako natauhan ng may tumawag sa malayo at doon ko nakita si Azriel na nakalutang sa hangi at pilit akong pinupuntahan kasama niya si Clint na nakasakay sa isang ulap.

"Anong ginagawa niyo diyan?" tanong ko

"Umalis ka na muna sa dagat Akira" sabi ni Clint

"Bakit?"

"Hindi mo pa nakikita pero nakikita naming dalawa. Umalis ka na hanggat kami palang ang nakakaalam" sabi ni Azriel.

Nagtaka ako kaya naman sinundan ko ang kanilang tingin at sa ilalim ko ay unting-unting nagkakamayroon ng mga nagy-yelong isda at kung ano pa.

"Abutin mo" sabi ni Clint ng makita ko ang ulap sa katapat ko kaya naman wala akong sinayang na oras at inabot ito. Nakasakay naman ako ng ayos at hinagis ni Azriel ang damit niya saakin upang isuot ko kaya naman sinuot ko.

"Nakikita mo ba?" tanong ni Azriel kaya tumango ako

"Mukhang nasasanay ka na sa kapangyarihan mo. Sa sobrang tuwa mo hindi mo namamalayang hindi mo masyadong nakokontrol ang kapangyarihan mo" mahabang sabi ni Clint

"Hindi ko alam pero nakokontrol ko minsan, minsan naman akala ko nakokontrol ko na" sagot ko

"Emosyon mo Akira. Kontrolin mo ang emosyon mo" dagdag ni Clint kaya hindi ko maiwasan na mapaisip na may nag iiba sa akin. Napapansin kong hindi ko na masyado nakakausap ang mga taong gusto kong kausapin.

Artius Academy :The Unknown GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon