Chapter 20

524 20 0
                                    


Chapter 20: Training with Royalties


Royalties...


Papaano ko nga ba nalaman na royalties sila syempre dahil sa mga Artia na mga madadaldal noong isang linggo ko lang nalaman na mga Royalties sila at isinabak sila sa mission.


"Yow! Stephen" Sabi ni Corwin kay stephen? Magkakilala pala sila 


"tss." tanging naging sagot nalamang ni Stephen kay Corwin si Corwin naman kumaway lang saakin at bumalik na sa Royalties doon sa pinto ng Canteen.


"Everyone Listen.Magkakamayroon kayo ng 3 araw n training upang mas mapalakas niyo ang kapangyarihan niyo. Magkakamayroon tayo ng labanan para maisaayos na natin kung saan kayo nararapat na room ngayong year." Ssbi ng babaeng parang nakalunok ng microphone. Siya yung babaeng sumigaw sa Clinic.


Naghiyawan naman ang mga Artia na para bang ang saya saya nila.


"Ito ba ang sinabi mo kanina?" sabi ko kay Stephen na ngayo'y nakatingin sa mga royalties na kumakain na.


"Oo,  hindi mo pa alam ang kapangyarihan mo diba? Gusto mo ba tulungan kita?" tanong nito saakin. Papaano niya nalaman? Mukhang nabasa naman niya ang nasa isip ko kaya sinagot niya ako " Nasabi saakin ng Dean."


"Ah oo. Ako na bahala sa kapangyarihan na iyon. Tulungan mo nalang ako kung papaano pa ang ibang techniks" Sabi ko nalamang.


"Sige ba"


Natapos ang araw na iyon ng maayos naman at walang gulo. 




Ngayon araw walang klase hanggang sa araw ng pagligsahan. Sa gym o field ang diretso namin para doon mag training. Sobrang lawak pero tinatamad naman ako mag training.


"Ready ka na ba?" Tanong saakin ni Stephen. Umiling lang ako.


"Hindi tayo sa field o sa Gym mag t-training" Napatingin naman ako bigla. Nakaleggings lang ako at  jacket may tank tops naman ako at sports bra sa loob kaya hindi naman ako masisilipan tsaka nakazipper pa. 


|"Huh? Saan naman?" Ngitian niya lang ako ng malaki saka hinila sa-- Saan nga ba? Nasa dulo na kami ng Hallway ng bigla kaming lumiko at wala nang passage na madadaanan.


"Niloloko--" Natameme nalang ako ng may pindutin siya at biglang nag open ang pader, pumasok kami. Kada lakad namin nagbubukas ang mga kandila (torch) dito pababa sa hagdan. 


Nang makababa na kami nakita ko ang napakalawak na pwedeng pag t-rainingan. Mas malawak sa Gym.


"Dito tayo mag train" Sabi ni Steph at pinapwesto ako sa gitna at pinaupo. Tinali ko naman ang buhok ko para walang sagabal.

Artius Academy :The Unknown GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon