Abducted
"Outside the huge gate of our noble university, we will face the real world. We will conquer it with our weapons; our knowledge." dugtong ko sa sinasabi ko kanina.
This is it the pancit eaten by the people with anghit. Charot.
"This is only the beginning of our new journey. The journey towards different paths that will soon be choosed by us, paths that will lead us to our dreams, dreams that will give us fulfillment and fulfillment that symbolizes our success."
I am finally giving this speech. The speech of a cum laude. I'm so honored. Hindi ko alam na tumatangap pala ng loka-lokang cum laude ang noble university namin.
"To the parents, guardians, professors, and other school personnel in behalf of the students here in our university I would like to say thank you for everything you've done for each of us here and congratulations because together with us you also succeed and we will all take a new step in our lives."
Mama, thank you. This is for you. Your dream for me is now reachable. Just wait. I'll make your dream come true. I'll make you proud. Just watch me above there alright? Guide me baka maisipan kong sumunod sayo dyan ikaw din baka sabay pa tayong ihulog sa lupa dahil sa ingay ko.
"May we became successful. May we became what we dream!"
Nagpalakpakan ang mga mayayaman kong school mates. Grabe feeling ko kahit ako ang cum laude dito ang poor ko pa din. Pero in all fairness kay mama nagawa niya akong pag aralin dito, di nga lang niya kinaya kase years ago sumakabilang mundo na siya at kahit kailan hindi ko matatanggap ang ikinamatay niya. Marami pa kaming plano. Marami pa akong pangarap para sa aming dalawa pero ngayon, wala na. Kahit ilang taon na ang lumipas hindi parin ako matahimik. I believe my mom deserves a justice for her death. Hindi ako titigil. Lalo na ngayon makakalaya na ako sa Haunted University na ito na puro pera nalang porket kilala.
Hindi man lang nila naisip ang hirap para sa aming mga estudyante mag aral kung pakiramdam namin bawat parte ng campus namin may nakatingin samin na kakaiba siguro dala nalang ng katandaan ng school. Pero ayos lang naman kase naka survive ako. Wala din namang nareport na grabeng balita about sa paranormal thingy ng haunted school na 'to. Charot lang pala di siya haunted ancient architectural design lang talaga ang datingan. Gothic inspired yung design kase laki atang Europe ang may-ari ng eskwelahan namin.
"Congratulations, Ms. Estrellar. I am looking forward to see you in a good state soon."
"Thank you po." saad ko at nakipag kamay sa aming dean.
"Congratulations Astrid!"
"Hija congratulations! I'm sure your parents are so proud of you."
Paano muna yung proud?
"Congratulations crush ang ganda mong cum laude!"
Puro pag tango at pagpapasalamat nalang ang sinasagot ko sa kanila. Marami pa ang bumati sakin matapos ang graduation ceremony. Halos lahat sila may kasamang magulang o kaya kamag anak. Ako lang ata ang nag-iisa ngayong araw. Well, palagi naman.
"Astrid, congratulations. Nasaan ang guardian mo? Mag isa ka lang?"
Huminto ako sa pag lalakad matapos marinig ang pangalan ko sa mula sa bibig ng babaeng version ni Joker pero hindi kasing ganda ni Harley Quinn. Malaki ata talaga ang galit nito sakin. Ewan ko ba feeling niya ata nasa highschool parin kami kahit graduate na nga kami ng collage. Nahiya naman ako sa kanya.
"Alam mo Madison wala sa to do list ko ngayong araw ang makipag sagutan sayo. Excuse me."
Aalis na sana ako ng hagitin nya ang braso ko at paharapin sa kanya. Lakas talaga ng sapak sa utak ng babaeng 'to kahit kelan.
BINABASA MO ANG
Casa Estrella: House Of Stars
Fantasy|COMPLETED| Astrid Estrellar a simple girl, living alone for some years now. Her mom died when she was eighteen years old exactly at her birthday due to a gunshot. Napagkamalan nga lang daw ang nanay niya, gustuhin man niyang maghanap ng masisi bale...