Dagger
Bumuntong hininga ako at ibinaba ulit ang kamay. Hindi pala ganoon kadali ang bagay na ito. Halos tatlong araw ko ng inaatupag, hindi pa din ganoon kalaki ang improvement ng kakayahan ko.
May mga bagay kase talaga na akala natin madali pero hindi pala. Iyong tipong kapag tiningnan kayang-kaya kaso kapag ginawa na, joke lang pala.
Halimbawa nalang noon ang pag wo-work out, buti nalang kahit papaano hindi ko kailangan ng sobrang work out nagkakasundo naman kami ng katawan ko, isa pang halimbawa ay ang pag so-solve ng math problems. Aba! I clearly remember when I was in highschool, kapag nag tuturo sa board ang teacher namin gets na gets ko tapos kapag gagawin ko na, ay scam pala.
Ang sinasabi ko lang dito, sa loob ng tatlong araw na ginagawa ko ang gusto nilang ma-master ko, pakiramdam ko hindi ako nag i-improve. Hindi naman sa nag re-reklamo ako, nahihiya pa nga ako na sa team kuno namin parang ako pa ang walang maiiambag. Pabuhat kumbaga.
Grabe never pa 'kong naging pabuhat noong nag aaral ako, naging Cum Laude pa nga ako sa hindi ko malamang dahilan kase halos hindi naman ako nag susunog ng kilay sa pag-aaral noon. Nakakahiya kanila Selena na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabalik mula sa Dark Forest.
Kinakabahan na nga ako para sa kanila ni Astro. Mabuti nalang sinamahan siya ni Astro ang kaso doble naman ang iniisip kong tao na baka mapahamak.
"What are you doing here?"
Nagalaw ko ang hammock na kinauupuan ko dahil sa biglang nagsalita. Nilingon ko iyon at nakita kong si Bigboss pala.
"Training. Sinusubukan ko pa rin."
Tumango siya at lumapit sa akin. Napakunok naman ako. Noon pa man, unang kita ko palang sa kanya kinakabahan na talaga ako. Parang may kung ano akong nararamdaman kapag papalapit siya at mas lalong aware ako sa kaba ko kapag kaharap ko siya.
Maybe because he screams a good leader ora? That is the reason why I don't want him to take down in his position, bagay sa kanya iyon. He looks like he was trained to be the leader of Casa Estrella while here I am, I maybe the heiress, it maybe in my bloodline but it's actually doesn't suit to me. I'm also contented at my position right now. Kahit pa alam kong alam ng mga kasamahan ko kung sino ako. Nauna pa nga nilang malaman kesa sa akin, kaya ako kinidnap ni Astro noon.
"Can you summon something for me?"
Kunot noo akong tumango, "Sige, susubukan ko. Ano ba 'yon?"
Ngumiti siya sakin, napatulala naman ako d'on. Lately talaga pala ngiti na siya. "Can you summon a dagger? Made of fire or water? Anything?"
Nagtataka ko siyang tinitigan, "Bakit? Anong gagawin mo?"
Baka mamaya sa'kin pala niya gagamitin 'yong dagger, ayoko pa mamatay!
I heard him chuckled, "You and your loud thoughts. Relax, I won't kill you. I just want to have something from you."
Parehas kaming natahimik matapos niyang sabihin iyon. Bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan. Iniwas ko ang tingin ko at pinagmasdan nalang ang walang taong pool sa hindi kalayuan. Habang naupo naman siya sa harap ko.
"Everything was too fast isn't it? Parang noong nakaraang buwan lang kasisimula mo palang dito sa Casa Estrella, hanggang sa nalaman mo kung sino ka, and now where here at this point. Delikado ang bawat segundo Astrid. Dito sa Casa Estrella walang lungkot ang mga guests, protektado sila, natin. Tayo ang nasa kapahamakan. We are the knights who protect the Casa, the guests, the stars and every fate it says."
Hindi ako umimik at pinakinggan lang siya. Ito ang unang beses na maririnig ko siyang mag sakita ng ganito kahaba na para bang iku-kwento niya pati ang laman ng isip niya. Gusto ko iyon mapakinggan. Gusto ko malaman kung anong tumatakbo sa isip niya habang pinamumunuan ang ganitong klaseng lugar ng walang kahit sinong kamag-anak.
BINABASA MO ANG
Casa Estrella: House Of Stars
Fantasy|COMPLETED| Astrid Estrellar a simple girl, living alone for some years now. Her mom died when she was eighteen years old exactly at her birthday due to a gunshot. Napagkamalan nga lang daw ang nanay niya, gustuhin man niyang maghanap ng masisi bale...