Sandwich
"Saan ba tayo pupunta?"
Hindi pa rin sinasagot ni Astro ang tanong ko. Snobber amputek! Siya na nga itong bigla-biglang nanghahatak tapos wala man lang pasabi na 'hoy! d'on tayo sa ano pupunta kase gan'to', wala lang siyang imik! Pinanindigan niya yung pa-secret-keme niya!
Tumigil siya sa parking ng Casa Estrella. Infairness sa mga kotse na naka-park puro high-end. Sarap i-carnap tapos ibebenta ko ng sobrang mahal. Kaso aanhin ko naman ang pera? Pasahod pa lang ng Casa Estrella sapat na- I mean sobra-sobra pa.
"Sakay na,"
Tiningnan ko siya saka bumaling sa isang Lamborghini sa harap ko na kulay itim. Bukas na ang pintuan ng passenger seat kaya sumakay nalang ako. Umikot si Astro pagkasara ng pinto papuntang driver's seat.
Seryoso lang siyang nagmaneho palabas ng parking pero napakunot ako ng noo ng umikot kami papunta sa likod ng Casa Estrella.
Kinabahan ako bigla sa kutob ko. Heto na naman tayo sa pa-super natural thingy ng hotel na 'to. Binagtas namin ang daan sa isa sa mga malalaking garden dere-deretso ito hanggang sa gubat na ewan ko bakit dadaanan pa namin.
Paano kung may kung ano palang nag aabang d'on?!
Napalunok ako ng tuluyan na nga kaming makapasok sa loob ng gubat. Halos nahaharangan ng matataas na puno ang sikat ng araw kaya mas kinabahan ako. Para akong bumalik sa college days ko kung saan nag de-defense ako ng thesis ko. Ewan, pero ganoon ang pakiramdam ko.
"Gutom ka ba? Hindi tayo nakapag almusal."
Nilingon ko siya saka sumimangot, "Malamang kase bigla ka nalang nanghahatak tapos tingnan mo! Nasa gitna tayo ng gubat! Ano ba talagang gagawin natin, Astro? Saan tayo pupunta?"
Biglang mas bumagal ang pagmamaneho niya. Napahawak naman ako sa seatbelt ng mahigpit. Tiningnan ko kung nasunog o nabasa ko ba ito ng tubig pero mabuti at hindi naman.
Habang pabagal ng pabagal ang pagmamaneho ni Astro may nakikita ko ng maayos ang mga halamang nadadaanan namin. Napakunot noo ako dahil sa napansin ko. Halos ang mga maliliit na halaman ay matuyot na. Ang iba ay lanta na samantalang ang lalaki ng mga puno at mukhang masusustansya pa.
Tinitigan ko ang isang halaman na nasa gilid. Hindi ako sigurado sa gagawin ko pero sinubukan ko pa din. Inisip kong madidiligan ko ito gamit ang mata ko at halos nagulat ako sa sarili ko ng makitang nadisiligan nga ang halaman! May tubig na umagos mula sa dahong tinitigan ko pababasa sa ugat nito. Napangiti ako hanggang sa malampasan namin ang halaman, nilingon ko parin ito.
"Bakit? May problema ba, loves?"
Marahas akong bumaling kay Astro at agad siyang tinarayan. Ang saya ko na eh, tapos eepal siya!
"Anong loves ka d'yan?! Hoy! Umayos ka! Hindi mo pa ko sinasagot!"
"Bakit nanliligaw ka ba? Kung oo, sige tayo na. Nakakahiya naman."
Halos manlumo ako sa narinig ko mula sa kanya. Tingnan mo 'tong laalaking 'to. Nagawa pa talagang isingit katarantaduhan niya! Kanina pa kong parang tangang kinukulit siya kung saan ba kami pupunta puro secret lang sagot niya!
"Ito naman, loves 'wag mo ka ngang magtaray nakaka-ano eh,"
"Ano?! Naku, Astro! Tantanan mo nga ako sa kalandian mo! Saan ba patungo 'tong kotseng minamaneho mo?!"
Nakakapuno na ah, awitimatism nalang sa kanya ang manhid. Kanina pa kong nagmumukmok dito, puro siya secret. Nakalayo na nga ata kami sa hotel eh!
"Sa puso mo magkakape."
Wala na. Hindi ko ni kinaya, sinapak ko na.
"Aray! Ang sakit naman n'on! Buti di mo ako pinaso o ano! Kawawa braso ko! Nagmamaneho pa naman ako! Kiss mo 'to para gumaling."
BINABASA MO ANG
Casa Estrella: House Of Stars
Fantasy|COMPLETED| Astrid Estrellar a simple girl, living alone for some years now. Her mom died when she was eighteen years old exactly at her birthday due to a gunshot. Napagkamalan nga lang daw ang nanay niya, gustuhin man niyang maghanap ng masisi bale...