Unit 118

34 4 0
                                    

Portal

"Damn it!"

Napabuntong hininga ako ng makitang inis na sumipa sa hangin si Selena. Nakatingin kami sa kanya habang ang iba sa amin ay pinili nalang na umupo muna sa sahig.

Kanina pa niyang sinusubukang makaalis kami dito sa bungad ng Dark Forest at makapasok sa loob pero hindi niya magawa. May kung anong pumipigil sa gift niya.

Tumayo si Miss Celestine sa tabi ko at lumapit ulit sa bungad. Tiningan siya ni Selena. Dere-deretso ang lakad ni Miss Celestine pero napatigil siya dahil sa kung anong nag tulak sa kanya paatras. Itinaas niya ang kamay niya sa hangin na para bang may kinakapa hanggang sa nakita namin ang mala kuryenteng kung ano dahil sa hawak niya. Napalayo siya doon at ininda ang sakit epekto ng ginawa.

"Hindi tayo makakadaan dito. They did something, probably expecting us to chase them since they get Ariessa." saad ni Bigboss.

"I knew it! Sana pala pinatay ko na lahat ng nandoon sa Casa Estrella. They were able to enter the Casa, we didn't harm them-"

"Because they didn't harm anybody. Selena do not forget that Casa Estrella is the house of stars and stars are everyone's soul. We will welcome them kahit saan sila nagmula."

Tumalim ang tingin ni Artem kay Astro dahil sa sinabi nito. Umiling-iling si Astro at umiwas nalang ng tingin.

"I'm sorry. I know I shouldn't meddle but our Casas our like family, I don't want something bad happens to it."

"It's okay, we understand where your words are coming from. Don't mind it. Right now we should think of other ways to be able to enter in the Dark Society aside from the Dark Forest's portal."

Tumayo ako, bumuntong hininga si Piecer at tumayo din. Tumingin naman si Miss Celestine kanila Selena at Bigboss.

"There is another way." saad ni Miss Celestine.

Marahas namang lumingon si Kuya Leo sa direksyon ni Miss Celestine at lumapit. "No, Celestine! Alam mong hindi din tayo basta-bastang makakadaan doon."

"But we doesn't have another resort."

Natahimik ang lahat. Hindi ko alam kung saan ang sinasabi ni Miss Celestine. Dama ko ang tensyon sa paligid na para bang alam ng iba naming kasama ang lugar na iyon. Delikado na dito. Dama ng gift ko iyon, ang hangin dito alam kong may kakaibang kung ano. Mabuti at wala kaming ibang taong nakita dahil baka mapasabak kami sa labanan gaya ng paalala si Selena kanina bago kami umalis ng Casa Estrella.

"Miss Celestine is right. We doesn't have another choice but to go there."

"Pero sino ang iiwan natin sa kanya? We cannot passed in her garden without living someone she could talked while we are not back yet."

Kumunot ang noo ko sa pinag uusapan nila. Hindi ko maiintindihan, nakaka out of place ang usapan nila. Pero kung may iiwan, ibig sabihin hindi na kailangan ng nature key?

"Yes, Astrid. Nature key won't be needed."

Nilingon ko si Bigboss na binasa na naman pala ang isipan ko.

"Kung ganoon hindi na ako kailangan? At may iiwan? Paano kung ako nalang ang iwan niyo sa sinasabi niyong babae?"

Papasa naman ang ganda ko na alay, sa tingin ko.

I heard Bigboss chuckled. Kunot-noo ko siyang tiningnan.

"No. We still need you. But yeah, you've got the beaty."

Napakagat ako ng labi ko at iniwas ko ang tingin ko. Enebe! Alam ko 'yon. Charot!

"Mamaya na lumandi! Mag aalas singko na!" saad ni Selena.

Casa Estrella: House Of StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon