Dungeon
"Piecer! Ano ka ba naman! Why did you do that?!"
"Bakit Selena? Kung maririnig mo ba ang pangalan niya hindi mo ba gagawin ang ginawa ko?"
Natahimik si Selena matapos marinig ang sinabi sa kanya ni Piecer. Binalingan ko ang dalawang walang buhay na dark knights. Ilang oras din ang nangyaring labanan halos umabot ng hapon, hindi dahil sa nahirapan si Piecer kung hindi dahil sa hindi niya tinantanan ang mga inatake niyang dark knights kahit pa mukhang patay na ang mga ito. Hindi sila nakalaban kanina habang mabilis na umatake si Piecer dahil sa nasa ilalim ng learned gift ni Selena si Piecer at protektado siya nito.
Doon ko nalaman ang learned gift ni Piecer. He can control things. Like a magnet. Nagulat pa ako dahil habang umaatake siya ay gumagalaw ang mga kalasag ng kalaban niya. Sa huli nakakapanlumo ang itsura ng mga ito dahil sa naipit sila sa paggalaw ng baluti nila.
Wala namang nakalapit sa amin pero hindi ko inalis ang barrier na ginawa ko sakaling may dumating na kalaban kanina. Sinubukan ko lang naman kung gagana ang naisip ko at nagawa ko nga. Mukhang mas magaling nga ako sa application ng gift ko. Nakakagutom nga lang para sa akin ang gumamit ng gift.
"Wala kang karapatang sabihin sa akin 'yan, Piecer." saad ni Selena matapos makabawi sa kung ano mang naramdaman niya dahil sa narinig.
"Tama na. Intindihin nalang natin si Piecer. Pumasok na tayo sa loob."
Sumangayon kaming lahat sa sinabi ni Kuya Leo. Huminga ako ng malalim at kinontrol ang barrier na ginawa ko, sapat para maprotektahan kami habang naglalakad papasok.
Sama-sama naming tinahak ang pasilyong pinangmulan ng dark knights kanina. Nauna sa paglalakad si Piecer, hinayaan lang namin siya. Tahimik lang akong nagmasid sa paligid. Engrande at elegante ang Castillo Oscuro. Gaya ng Casa Estrella at Casa Luna pero may kung ano sa loob ko na para bang naiiyak at napaka bigat ng pakiramdam. Walang buhay at napaka lungkot.
Pakiramdam ko ay paikot-ikot lang kami, walang derekyong pupuntahan. Huminto sa paglalakad si Piecer. Tiningnan ko siyang lumuhod at inilapat ang kamay sa tinatapakan naming marmol.
"I saw Ariessa." Tumayo si Piecer at lumingon sa amin.
"Paikot-ikot lang tayo. Nasaan ba si Ariessa ngayon, Piecer?"
Magsasalita pa sana si Piecer para sagutin ang tanong ni Astro pero hindi niya naituloy dahil sa pagtulak ko sa kanya. Nagulat sila sa ginawa ko pero ipinagsawalang bahala ko nalang at agad nang lumuhod at nilapat din ang kamay.
Ramdam ko ang paparating sa kung saan. Iba't ibang dereksyon iyon at papunta sa amin lahat, dama ko ang yabag nila at hininga.
Pumikit at pinakiramdaman ko ang sahig. Sinubukan kong gumawa ng paggalaw doon mula sa kinaluluhuran tungo sa iba't ibang direksyon.
Naramdaman ko agad ang epekto nito sa kanila. Pagkawala ng balanse habang ang iba ay nagulat. Kinontrol ko lang ito dahil ayokong mabulahaw ang ibang tao sa Castillo at baka iyon pa ang maging mitsa ng kamatayan namin. Ang problema nga lang ay dahil sa mahina lang ang ginawa ko ay nakapagpatuloy parin ang iba.
"Gumilid kayo. Naratamdaman ko narin sila." rinig kong saad ni Selena.
"Take it easy. I don't want you to get hurt."
Mariin akong napapikit dahil sa biglag pagpasok sa isipan ko ng boses ni Bigboss. Tumayo ako at mas pinagtibay ang barrier na ipinalibot ko sa amin. Mas kumapal ito, naging visible tuloy ito sa mata. Para bang plastic na promoprotekta sa amin.
"Hindi tayo pwedeng basta-bastang lumakad. Mahuhuli tayo agad lalo na at magkakasama tayo."
"Hindi tayo maghihiwa-hiwalay, Selena." saad ni Bigboss.
BINABASA MO ANG
Casa Estrella: House Of Stars
Fantasy|COMPLETED| Astrid Estrellar a simple girl, living alone for some years now. Her mom died when she was eighteen years old exactly at her birthday due to a gunshot. Napagkamalan nga lang daw ang nanay niya, gustuhin man niyang maghanap ng masisi bale...