Unit 117

32 4 0
                                    

Danger

"Astrid!"

"Tulong, Astrid!"

"Miss Celestine! Piecer! Tulong!"

"Please, please pakawalan niyo ko! Ano 'to? Pakawalan niyo ko!"

"Argh! Astro! Astrid!"

"Kuya Leo! Bigboss! Tulong, please! Astrid!"

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga ko. Pinunasan ko ang pawis na tumatagaktak mula sa noo ko hanggang sa dibdib ko.

Si Ariessa. Iba ang galabog ng dibdib. Pakiramdam ko totooong tinatawag niya ako. Ramdam ko ang hingal at kung ano pang bigat ng pakiramdam.

Tumayo ako sa kama ko at dere-deretsong lumabas ng kwarto ko para tingnan kung kamusta si Ariessa.  Nakakapagtakang bukas ang pintuan nila Miss Celestine. Tiningnan ko ang iba at ganoon din nga at bukas ang mga ito, kay Bigboss lang ang hindi.

Sinubukan kong sumilip sa bawat kwarto pero walang tao, nag tagal akonsa kwart ni Ariessa. Iba ang pakiramdam ko. Luminga-linga ako sa paligid bagbabaka sakali na makikita siya pero wala.

"Narinig mo din ba?"

Lumingon akonsa pintuan ni Ariessa at nakita ko doon si Astro. Nakasuot ng midnight blue na v-neck plain tshirt at draw string pants na itim. Mukhang tulad ko ay nagising din siya sa tawag ni Ariessa mula sa panaginip namin. Ganoon din siguro sila Miss Celestine at ang iba pa naming kasama.

"Hinahanap na ba si Ariessa nila Miss Celestine?"

Puno ng pag aalala ako ngayon. Kahit pa sa tingin ko ay alas dos na ng madaling araw. Casa Estrella became my home, and all the people I met here, even Ariessa became my family, she became my un-biological sister, we are family here kaya alam kong hindi lang ako ang nag aalala.

Pang kahapon lang, sabay-sabay kaming nag agahan, sabay-sabay kaming naghapunanal. As the sun kisses the western clouds and the skies was filled with stars, our faces was illuminated by the moon light. Our smiles, our conversations, it was one of the best memory I have here at the Casa. The memory I would treasure.

"Yes. Satingin ko lahat tayo ay tinawag ni Ariessa. She's in danger. Nasa opisina si Piecer sinusubukan tingnan ang lahat ng mga nangyari kanina dito gamit ang gift niya."

Nilingon ko ulit ang kama ni Ariessa na wala ang isang unan at kumot. Mukhang 'yon ang gamit ni Piecer. Napakunok ako at naglakad palapit sa kanya. Awkward pa man ang sitwasyon namin ni Astro dahil sa pagtatapat niya ay wala na muna iyon sa akin dahil sa pag aalala ko.

Hinintay niya akong makalapit sa kanya bago tumalikod. Nauna siyang mag lakad. Hindi na ako nag abala pang isaradong muli ang pintuan pero sandali akong natigilan sa pag lakad dahil sa kulay itim na kung anong kuminang sa baba ng hamba ng pintuan. Pinulot ko ito at sandaling tinitigan. Naramdaman ko ang paghuhurimentado ng gift ko. Kinalma ko ito kasabay ng mahigpit na paghawak ng sa bagay na iyon at sinundan si Astro.

Tahimik naming tinahak ang pasilyo habang abala ako sa pakikiramdam sa paligid. Hindi ko gusto ang kung anong hangin na nakapalibot, dama ito ng gift ko. Humigpit pa lalo ang hawak ko sa kung anong maliit na bagay na napulot ko.

Pagkapasok namin ay nakita kong mukhang frustrated na nakaupo si Pircer habang nakapikit. Silang dalawa lang ni Bigboss na agad kaming nilingon. Tumigil ang mata niya sa akin at napansin ko ang pagkalamlam no'n.

"Astrid, are you okay?"

Nginitian ko siya, alam kong burden sa kanya ang pangyayaring ito. Siya ang head, siya ang sumalo sa trabahong dapat ako ang gumagawa. Gayon pa man, nag aalala din ako, mas mabigat nga lang ang dalahin niya. Gusto kong makatulong at sa tingin ko ang hawak ko ngayon ay magagamit ni Pircer.

Casa Estrella: House Of StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon