Staircase
"What do you want for lunch?"
"Anything will do, basta walang lason."
Tumawa si Selena sa sinabi ni Astro. Tahimik lang akong sumunod sa noong naglakad papasok si Selena dito sa akala ko'y abandonadong hotel. Mali pala ako.
Huminto si Selena sa parang lobby ng lugar na ito. Tumapat kami sa mukhang kumang disenyo na hagdan pero ang ganda tingnan. Napatingin ako sa kanya ng lingonin niya ako na nasa likod ni Astro.
"It's your first time here, welcome to Casa Luna, Astrid Esteller."
Tiningnan ko lang siya na seryosong nakatingin sa akin. May sumibol na ngiti sa labi niya pero mukhang hindi sincere iyon. Napaiwas nalang ako ng tingin.
"Selena, stop. Your intimidating my bebeloves."
Nanlaki ang mata at marahas na napalingon kay Astro. "Aba! Anong bebeloves pinasasabi mo?! Hoy! Nakakarami kana ah! Tandang-tanda ko pa noon sweetheart tawag mo, tapos loves tas ngayon bebeloves naman?! Hoy Astro! Tantanan mo kang ako!"
Halos mag hurumintado na ako habang nakatingin kay Astro. Tinatawanan niya lang ako habang nakatingin lang sa amin si Selena.
Itutuloy ko na sana ang ambang batok sa lalaking kaharap ko ng may mapansin akong nakatayo sa baba ng hagdan. Tinitigan ko iyon at napansin din ata nila Astro iyon kaya nilingon din nila.
"Ms. Dorothea, is there any problem?" tanong ni Selena habang lumalapit sa babaeng halos walang emosyon ang mukha. Nakatingin lang siya sa amin na nagpatindig naman ng balahibo ko.
Napabaling ulit ako kay Astro matapos lumunok at napahawak sa braso niya. Tiningnan niya ito at parang gusto ko nalang bumitaw ukit ng mapansin kong napangiti siya pero syempre hindi ko magawa dahil natatakot ako sa presensya ng babae sa hagdan.
"Matakot ka sa buhay bebelove, 'wag sa patay." halos lunukin ko na pati ang dila ko sa narinig mula sa kanya.
Ano kamo? Patay? Patay na ba ang babaeng kausap ni Selena? Teka, bakit nakikita ko? Ay oo nga pala, noon pa man nakakakita na ako ng patay. Pero bakit sa lugar na 'to parang buhay lang ang patay? Ganda nga n'ong Dorothea mukhang hindi pa patay.
"Ofcourse you can always check out, well if your ready."
Multo na nakakapag hotel? Teka nga, sabi nila Miss Celestine tatlo ang mga Casa, isa ang Casa Estrella na bongga ang pasahod dahil mahal din ang bayad sunod ang Casa Sol na halos wala naman akong narinig na kung aning kwento at ngayon nandito ako sa Casa Luna. Ito ba 'yon?
Umalis ang babae at umakyat ng hagdan. Marahan at napaka elegante ng bawat hakbang niya paakyat. Sinundan ko ito ng tingin at nagtama ang mga mata namin. Nakita ko ang kung anong violet na ewan noong kumislap iyon na higpitan ko tuloy ang kapit kay Astro.
"I'm sorry for that. You know, lack of employees since Casa Luna isn't in good state."
"That's Lady Dorothea from the house of Cultors, right? Kailan lang siya namatay."
Tumango si Selena at iginiya kami papunta sa kung saan. "She was so glamorous, I'm ashamed she checked in here in Casa Luna while it is on it's dark state."
"Casa Luna is always on it's dark state."
Natahimik si Selena sa sinabi ni Astro. Hindi ako nakisali sa usapan nila at pinagmasdan lang ang lugar. Halos parang Casa Estrella din ito, pero malungkot ang paligid. Walang buhay, ibang-iba sa atmosphere na meron ang Casa Estrella. Sa amin, may mag che-check-in na malungkot na guests pero mag che-check-out na masaya na. Madalas ay may mga problema pa nga, pero nalala kong isang beses nakita kong kinakausap ni Miss Celestine ang guest namin na problemado at noong nakaharap ko na para linisan ang kwarto niya ay masaya na siyang nakadungaw sa veranda ng suite niya at pinanonood ang mga bituin sa langit ng gabing iyon.
BINABASA MO ANG
Casa Estrella: House Of Stars
Fantasy|COMPLETED| Astrid Estrellar a simple girl, living alone for some years now. Her mom died when she was eighteen years old exactly at her birthday due to a gunshot. Napagkamalan nga lang daw ang nanay niya, gustuhin man niyang maghanap ng masisi bale...