Unit 105

79 11 23
                                    

Ancestors

Tatlong araw na ang lumipas at heto ako natutulala habang tinitingnan ang napaka garang hardin. Napapaligiran ito ng napakaraming halaman at sa isang bahagi ay may mistulang pond pero ang sabi ay may mga nag su-swimming din daw doon. Nakaupo lang ako sa isa sa mga mahabang upuang naroon bakal ito at ang mag kabilang gilid ay mistulang gulong. Parang pinahabang wheek chair na kulay itim. Kasiya pa yata ang mga tatlong tao na umupo dito.

Mukha namang walang problema ang Casa Estrella. Sobrang ganda pa nga. Hindi ko tuloy maisip kung bakit ako hinihingian ng tulong ni Big boss. Mas lalong hindi ko rin magawang maniwala na ako ang totoong na boss dito sa Casa Estrella. Hindi parin ako makapaniwala.

Hawak ko ang journal book ng great grandmother ko. Gustuhin ko mang basahin medyo nahihirapan ako dahil sa puro Spanish ang nakasulat. Sising-sisi tuloy ako na hindi ako nakinig kay mama noong tinuturuan niya pa ako. Naalala ko pa sabi niya noong umuulan ng malakas at babaha na sa inuupahan namin dati ay patigilin ko daw ang ulan o kontrolin ang baha para hindi kami mapinsala. Matapos niyang sabihin iyon ay tumawa siya ng malakas kahit buma-bagyo na dahil rhyming daw ang mga sinabi niya.

Gustong-gusto kong maiintindihan ang laman nito pero kakaunti lang ang naiintindihan ko. Gusto kong malaman kung sino ba talaga ako, baka makita ko iyon dito. Gusto kong makilala ang ama ko, baka malaman ko ang tungkol sa kanya dito.

I miss mama. Sobra.

"Are you alone, miss? Mind if I accompany you?"

Nilingon ko ang nag salita at awtomatikong na pa-irap ako dahil sa nakita ko ang pagmumukha niya.

"Bahala ka. Kung saan ka masaya."

"Tamang-tama, sayo ako masaya." Saad niya at umupo agad sa tabi ko. Sobrang lapit pa. Sinubukan kong umusog pero umuusog din siya hanghang sa nagitgit na ako sa dulo kaya tumigil nalang ako.

"Anong iniisip mo bukod sa kagwapuhan ko at paano kapag naging tayo?" Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya at marahas na napabaling sa kanya.

"Mas gugustuhin ko pang mawalan ng isip kung ganyan lang din ang maiisip ko."

Tumawa siya at inilagay ang kamay sa sandalan. Kaliwang kamay lang niya iyon kaya parang naka akbay siya sakin dahik naka sandal din ako. Napatuwid tuloy ako ng upo.

"Grabe ka naman. Ako nga iniisip ka twenty-four hours a day, seven days an week."

"Talaga? Hindi ka pala natutulog kase gumagana ang utak mo twenty-four hours a day seven days a week. At wow! Stalker pala kita para maisip mo ako ng ganyan ka tagal kahit lagpas dalawang linggo palang akong nagta-trabahodito." Puno ng sarkasmo kong sabi.

"Oo, ikaw lang malakas, ikaw ang nag bukas, kadena sa puso ko ay nakalas."

Gusto ko siyang murahin sa pinagsasasabi niya pero pinigilan ko nalang. Inis akong bumaling sa mga halaman at nakita ko ang unti-unting pag dami ng mga ibon sa paligid. Ang ganda tingnan.

"Nakakita kana ng magic?"

Nilingon ko siya. Seryoso ang mukha niya pero nakangiti parin sakin. Umirap ako at bumaling ulit sa tinitingnang nag gagandahang mga ibon.

"Tingnan mo may magic ako."

"Hindi ako batang basta nauuto ng clown. Ayoko din ng clown na hindi puti ang mukha."

"Ano ba naman yan, Astrid! Tingnan mo nalang."

Labag sa loob ko siyang binalingan matakim ang tingin kobsa kanya habang iyinataas niya ang kamay niya at tiningnan ang mga ibon na oara bang kinokontrol niya at inuutusang lumapit sa kanya. Maya-maya pa ay himilera ang mga ito sa harap niya at halos mapatayo ako sahil lahat ito ay nakatingin sakin.

Casa Estrella: House Of StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon