Unit 111

45 9 0
                                    

Meeting

"Kailangan na nating kumilos. Masyado ng makalat ang Dark Society mukhang pinapalas nila ng husto ang Castillo Oscuro, sa ngayon ang Casa Estrella lang ang possibleng makalaban. Hindi pa kaya ng Casa Luna, aminado ako, nanghihina pa rin kami."

"Naiintindihan namin 'yon, Selena. Lalo na't nakita namin kung anong epekto sa katawan ng normal na tao kapag napasukan ng dark spirit."

Hindi ko alam kung anong maiiambag ko sa usapang ito. Nasa meeting room kami ng Casa Estrella, hiwalay sa office ni Bigboss. Kumpleto kami nila Astro, katabi niya ako sa kaliwa niya ay si Ariessa na katabi si Piecer. Parallel to us ay si Selena na katapat ko at sila Miss Celestine at Kuya Leo. Nasa kabesera naman si Bigboss naupo, tanda ng pamumuno sa meeting.

"Casa Estrella can't have the assurance that it will remain stable and safe. We know what Castillo Oscuro wants, to eliminate the the standing Casa and dominate the Galaxia. If that's the case we have to help each other more."

"Tama si Bigboss, kung mapapahamak ang Galaxia na bumabalanse sa bisibilidad ng tatlong Casa na nakatayo at nagsisilbi sa mga normal na tao, alam nating lahat na hindi maganda ang mangyayari."

Katumbas ng Castillo Oscuro ng Dark Society ang Galaxia. Hindi ko alam kung anong itsura noon, o kung saan makikita. Ang nabasa ko lang sa journal ng abuela ko ay tulad ng Castillo Oscuro ay nasa parallel world din ito. Ito ang bumabalanse sa tatlong Casa. Ito ang dahilan kung bakit nagagawa kaming puntahan ng mga guests. Ang Galaxia din ang source of energy ng tatlong Casa at bilang kapalit at kailangan itong maprotektahan. Hindi nagagawang pasukin ng Dark Spirit o ng kahit ano mulansa Dark Society ang tatlong Casa dahil sa Galaxia. Pero, hindi na ngayon dahil nagawang makapag check in sa amin ni Madison. Palaisipan pa rin sa amin kung maano siya nasaniban ng Dark Spirit.

Ang pinaka problema namin ngayon ay sa tatlong Casa na nangangalaga sa Galaxia, isa na ang nasa pangangalaga ng Castillo Oscuro, habang ang isa nanganganib na dahil nakadepende ang lakas ng Casa Luna sa Casa Sol. Panigiradong susunod na ang Casa Estrella lalo na't may nakapasok ng Dark Spirit sa amin.

Sinubukan kong mag basa sa journal kagabi baka sana may naisulat doon na sulosyon sa ganitong problema pero wala. Nakakaintindi na ako ng Spanish dahil sa halos ilang buwan ko dito sa Casa Estrella, bukod sa pagtatrabaho ay ang pagbabasa ng journal ni Abuela at ng iba pang libro mula sa library na halos nakasulat sa Spanish ang pinagkakaabalahan ko. Lalo na noong sumabak ako sa training dahil may mga bagay na naipapaliwanag ng husto sa akin ng mga libro kapag naguguluhan ako o nahihirapan.

"Pupunta ako sa Dark Forest. Titingnan ko kung anong kalagayan doon para magka-ideya tayo sa nangyari sa isa sa mga guests niyo. For the mean time, sa tingin ko, kailangang mag focus si Astrid sa pag kontrol niya sa gift niya. Kailangan natin ng Nature Key."

Promil kid nga ako. Iyon ata ang papek ko dito.

"Stop putting humor in here, Astrid. Focus!"

Nanlaki ang mata ko sa boses na narinig mula sa utak ko. Pakiramdam ko baliw ako ah! Pero boses ni Bigboss 'yon!

Nilingon ko siya at seryoso lang siyang nakatingin sa mga kasama namin habang pinakikinggan naman ngayon na mag salita si Miss Celestine.

Sigurado akong boses niya 'yon!

"It's my gift. Come on focus!"

Tiningnan ko ulit siya, ngayon ay binalingan niya na 'ko. "Anything to say Ms. Heiress?"

Napakunok ako. Grabe naman para namang biglaang graded recitation 'to. Required ba na lahat mag salita? Pwede namang makikinig nalang ako. Hindi ko pa kaya alam ang buong kwento ng Casa-casa na 'yan! Ang alam ko lang magkalaban ang Castillo Oscuro at Galaxia tapos ang promoprotekta sa Galaxia na tatlong Casa, ayon isa nalang ang kahit papaano ay stable pang nakatayo.

Casa Estrella: House Of StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon