Unit 110

51 8 5
                                    

Mutual

"It's beautiful. Nahirapan ka ba?"

Umiling ako saka inilapag ang halamang inalagaan ko sa loob ng isang linggo. Nandito ulit kami sa parehong kwartong pinuntahan namin. Sabi ni Ariessa sa akin at training room daw ito para sa mga katulad kong inaaral pa kung paano i-tame ang gift. Ibig sabihin hindi lang ako nag iisa. Nadedevelop daw kase ang gift sa pagdaan ng panahon. Mas magiging active ito at mag pipilit na lumabas sa katawan ng host o ng tao kapag napalapit ito sa radius ng kahit ano sa tatlong Casa. Napuntahan ko na ang Casa Luna, pero ang Casa Sol hindi pa, ewan ko kung nasaan at anong itsura ng lugar na iyon.

"Noong una. Nakakapagod pero nasanay ako unti-unti. Nakatulong din noong pumunta kami ni Astro sa garden ng Casa Luna."

Tumango siya at naglakad palapit sa coffee table na nasa gilid at kinuha ulit ang remote na minsan na niyang ginamit noon.

Hindi ko alam pero habang tumatagal na nakakasama ko Bigboss parang gumagwapo siya sa paningin ko. Gwapo naman kasi talaga siya, kung baga mas na de-define lang dahil sa— ewan ko? Para tuloy akong university girl na nagkaka-crush sa isang mentor kase naman mula noong inaral ko ang pag tame ng gift ko palagi na niya akong sinusubaybayan. Hindi naman ako ganoon klaseng babae noon. Study first talaga ako noon ngayong graduate na ko syempre, may iba din akong priorities pero hindi pa din kasama ang lovelife doon. Kung makapag complain naman ako akala mo liligawan ako ni Bigboss.

Kapag nakakasalubong ko siya matapos kong mag asikaso ng mga suite ng guests he always ask how I fell or is there any progress on my self-training. Iba tuloy ang dating sa akin, mas matino kase si Bigboss kesa kay Astro. Ewan ko ba sa lalaking iyon.

"Training ulit tayo. Kaya mo ng palabasin ang gift mo hindi ba? The four core elements also known as nature gift?"

Promil kid pala kami dito sa Casa Estrella. Charot lang naging endorser pa ako!

Tumango ako, "Oo? Hindi ko pa ganoon ka gamay pero medyo kaya ko na. Detailed kase 'yong mga steps sa librong ibinigay sa akin ni Selena."

Para ngang module iyon eh, pakiramdam ko tuloy noong binabasa ko iyon ay bumalik ako sa online classes noong may pandemic pa. It was a very horrible experience for me, but well atleast I manage to be Cum Laude of our batch. Ang kaso nga lang hindi iyon nakita ni mama. She survived a pandemic but she wasn't able to survive on a gun shot. So sad.

"Astrid,"

Bumaling ako kay Bigboss na nasa harap ko na pala. Naglahad siya ng kamay sa akin na nakangisi, parang first time ko siyang makitang nakangisi!

"Nice thoughts."

Nananlaki ang mata ko sa sinabi niya. Huminto ako sa paglalakad kahit na hawak niya ang kamay ko.

Bakit nakalimutan kong nakakabasa siya ng isip ng tao?! Putek! Ang bobo, Astrid! Minsan ka na ngalang mag admire at mag proclaime na may crush ka sa isang tao sa ganito nauwi!

"It's fine, the feeling is mutual, Astrid. Just learn to guard your thoughts para hindi ko marinig."

Hindi ko alam kung anong itsura ko pero ramdam kong parang nilagnat ata ang pisngi ko. The feeling is mutual daw, MU na ba this?

Tumawa si Bigboss, siguro ay narinig niya ang kung anong iniisip ko. Nakakahiya naman 'to! Ano ba naman kaseng pinag-iisip ko!

"Relax, let's train first. Selena might come and check you once in a while."

Kumunot ang noo ko, "Huh?  Bakit?"

"You know, she needs you. I'm not telling you that she'll just use you but in order to save Casa Luna, she needs to revive the dying Casa Sol. Magagawa niya lang iyon kung kasama ka niya."

Casa Estrella: House Of StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon