Unit 103

122 12 6
                                    

Hired

Nagising ako kinaumagahan na masakit ang ulo dahil sa kalasingang dulot ng maraming alak na nainom ko kagabi kasama sila Astro. Bumangon ako sa pagkakahiga at sumandal sa headboard ng kama saka hinilot ang sentido ng panandalian. Mariing ipinikit ang mga mata at napaisip sa mga pangyayari sa buhay ko buhat kahapon.

Nakakapagtaka nga naman kasi talaga. Lalo na ang mga pangyayari kagabi talagang nakipag inuman pa pa ako sa kanila. Ang daming tanong sa utak ko patungkol sa kanila at sa hotel na ito. Pakiramdam ko tuloy lumala ang hangover ko.

Bakit ba ang daming tanong sa utak ko? Mga lima ata.

Who are they?

How did they knew me?

How did they knew my mother?

How could this place become a five star hotel?

What kind of place Casa Estrella is, why is it unpopular?

There is so many questions in my mind that really bothered me that even in my dreams, they bug me. Nakakatakot na.

Grabeng pang pa-power trip naman ni tadhana sakin ito at kung ano-ano nga ang nangyayari sa buhay ko.

But somehow, at some point may tama naman talaga si Astro sa ulo niya kase pakiramdam ko baliw na siya at sa mga salitang sinabi niya kagabi habang nag iinuman kami. What I felt last night with them is like I'm home. I feel so comfortable. That is the one that confuses me. Because he was right. Astro was right when he said I belong to them because that was I felt. All this time I'm seeking for that feeling and last night, they gave me that. Miss Celestine, Leon, Piecer, Ariessa and Astro. I felt home with them.

Bakit naman kase ganoon ang naramdam ko? Epekto ba iyon ng kawalan ng kaibigan or pamilya? After all, matagal na akong mag-isa. And now that I met them I felt an instant attachment.

"Miss Astrid, good morning. Gising ka na ba?" narinig kong tawag sakin ni Miss Celestine mula sa labas ng suite ko.

Tumayo ako sa pagkakaupo sa malambot na king size bed na inuupuan ko kanina at dumiretso sa double door para pagbuksan siya.

Another thing in this hotel is their architectural design. Modern yet it looks so classic. Gaya ng mga pasilyo, it feels like you are walking in a hightech hotel dahil sa mga lighting at ganoon din sa elevator sa lobby naman ang ganda din hightech ang pag susulat ng information at kung staircase ang gagamitin mo makikita iyon sa gitna ng lobby na bawat floor madadaan ang ganda ng dating noon dahil parang hagdan sa isang palasyo. Idagdag pa ang double door ng mga suites nila na gawa sa hard wood narra tree na may pin and finger print detector at camera para makita ng nasa loob ng kwarto kung sino ang nasa labas. Yayamanin talaga! I totally want to scold my self dahil pinagdudahan ko pang hindi totoong five star hotel sila. May mga nakita din akong mukhang satisfied na guest kagabi.

"Good morning po, Miss Celestine." bati ko ng may ngiti sa labi ng mabuksan ang pintuan.

"Mabuti naman at gising ka na. Heto, almusal mo." iminuwestra niya ang isang trolly na may tray na naglalaman ng breakfast ko na mukhang pangmayaman din ang pagakakaluto. Pati kape ang bango.

"Kumain ka na para makapag ayos ka dahil pinapatawag ka ni Bigboss at may pag uusapan daw kayo. Hihintayin ka niya sa office niya."

Kunot noo naman akong napatitig kay Miss Celestine dahil sa sinabi nya. "Bakit daw po? Sisingilin na daw ba niya ako sa pag i-stay ko dito at sa mga alak na nainom ko kagabi pati narin itong pa-almusal na lahat ay mukhang pang first class kung i-serve?" tanong ko.

Kinidnap nya kaya ako wala siyang karapatang singilin ako! Hinayupak siya!

"Naku! Hindi hija. Of course he wouldn't do that. Kakausapin ka lang nya tungkol sa pagta-trabaho mo dito sa Casa Estrella." Kita kong gusto na akong pagtawanan ni Miss Celistine dahil sa mga sinabi ko kanina pinipigilan lang niya. Naiilang naman ako doon.

Casa Estrella: House Of StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon