Ang simula...

3 0 0
                                    

Mendez Group and comp.

Isang sikat na kumpanyang pinatatakbo ng billionaire  bachelor of asia na si Jacob Francis Castillo Mendez. Ang kumpanyang ito ang nasa likod ng mga successful models na rumarampa outside the country, umienderso ng mga sikat na perfume brands internationally. Bukod doon ay sila din ang nagmamay-ari ng sikat na pink magazine kung saan palaging nakafeatures ang kanilang mga pinagmamalaking mga modelo,na madalas nilang ilaban sa mga runway projects outside the country.
Recently lang ay nanalo ang isa sa mga modelo  nila sa katatapos lang na runway philippines na ginanap sa davao, first time nilang isinabak sa local modeling ang modelo nila,and nanalo pa.
Sa nasabing kompetisyon, labis na humanga ang isang foreign businessman na si mr.Hansen Darvin. Taga columbia at nagmamay-ari ng pinakasikat na kumpanya ng pabango at make  ups. Isa sa sikat na pabango nito ang beau de tollete na mabenta lalo sa europa. Nais ni Mr. Darvin na makilala rin ito sa pinas.
Nakipag transaksyon siya sa kumpanya ni Jacob at umaasang makikilala sa pilipinas ang kanyang mga produkto, on one condition.. Gusto ni Mr. Darvin,
Isang natural,filipina look. Yung one of a kind. Yung babaeng kahit walang make up,ay maganda pa rin.

Sa isang binatang gaya ni jacob,na never pa nagkaroon ng girlfriend,o kahit nililigawan man lang ay isa itong malaking challenge para sa kanya.

Saan siya hahanap ng babaeng papasa sa taste ng big client niya?

Nasa malalim siyang iniisip habang nasa loob ng conference room nang tumawag ang pinagkakatiwalaan niyang talent agent. Si Barbie.

"Glad you connect.. Are you free? I need your service asap,.."

(We are just arrived, ihahatid ko lang ang mga models natin sa penthouse then diretso na ako diyan.)

"Good.. I'll wait you then.." tapos noon ay inioff na niya ang phone at muling nag isip..

Knock knock..
Iniluwa ng pintong iyon ang share holder/future bayaw niyang best friend ng pumanaw niyang kapatid na naging close friend na din niya,.

Si Enrico Montez.

"What's up bro?" bati nito sa kaibigan.

"Ikaw pala,come in.." agad nitong isinara ang laptop na kanina pa pinag-aaralan at hinarap ang dumating na bisita.

"Mukhang seryoso ang mood natin today ah.. Sorry hindi ako nakaabot sa meeting, alam mo na kapag kasama ko ang lil' sis mo nakakalimutan ko ang oras.." sabi ni enrico habang prenteng nagsasalin ng alak sa baso na nasa gilid lang ng table ni jacob.

Jacob just rolled his eyes,and continue focusing on his laptop again. Umandar na naman kasi ang kahanginang taglay ng kaibigan niya.

Animo ay nang iinggit sa magandang love life na meron sila ng sister niyang si Tiffany.

"Whatever.. anyway,para updated ka naman.. Naghahanap kami ng modelo na papasa sa taste ng big client natin from colombia,. But still,wala akong mahanap..kaya tinawagan ko na si barbie para humingi ng tulong,and good thing nakabalik na sila ng ibang models galing sa tour."

Sumandal si enrico sa mesang kinalalagakan ng alak at matamang nakinig sa sinasabi ng kaibigan.

" why wasting time to find a perfect model? Marami tayo niyan,right?" kaswal nitong sabi habang unti unting iniinom ang hawak na brandy.

"Nakikinig ka ba o out of focus ka na naman dahil naoccupied na ni tiff yang utak mo!?" may iritable niyang wika sa kaibigan,.

" Bro! Relax, look at yourself.. You look drained! Chill.. I know what you implying okay? Gusto ko lang mapadali,but if you want to find these perfect model then go,.. Practice na din sa paghahanap mo ng matchmate mo." sabi nito sabay ngisi.

My Boyish BabeWhere stories live. Discover now