meet the kuya's

0 0 0
                                    

"Hello,helena.." tawag ni jacob isang gabi sa phone ni helena.
Gabi na at tulog na ang ilan sa mga kasama niya.

Siya na lang ang nananatiling gising at kasalukuyan na nasa veranda at umiinom ng gatas.

Ewan ba kasi ni helena kung bakit hindi siya dalawin ng antok.

"Good evening,sir jacob..napatawag po kayo?"

(Sorry,did i woke you up?)

"Hindi nmn po. Hindi lang po ako dalawin ng antok ngayon."

(Maybe just like others,your also getting excited for the tour..it's almost near..)

"Siguro nga po."

Komportable na si helena na kausapin ng ganito si jacob. Para lang talaga silang magkaibigan. May kaunting pagkailang pa rin,subalit nalalabanan naman niya. Wag lang siyang mapapatingin sa mga mata nito,dahil di niya mawari ang puso niya kung bakit sobrang lakas ng kabog. Dahil ba may hidden feelings na din siya sa binata,o dahil may iba pang dahilan?

(...anyway,i just want to know if it's okey with you.. Ahm..can i invited you to my mom's birthday?)

Halatang kabado ang kausap niya,base na din sa tinig nitong tila nauutal pa.

"Invited naman po talaga lahat ng models ng JMA di po ba?"

(Yeah,.what i mean is.. Ahm.. As m-my date for that night? Please?)

Sandaling nanahimik si helena,nag isip kung papayag ba siya. Naisip niyang baka naman isang friendly date lang. Wala naman sigurong masama kung pahihintulutan.

"S-sige po,boss.."

Dinig niya ang impit na tuwa ng kausap. Na bahagyang nagpangiti sa mga labi ni helena.

(Thank you! Thank you so much helena!.. I'll pick you up then, it's a date okey!? Wala ng bawian!)

Lihim siyang natawa sa reaksyon ni jacob. Parang bata na napagbigyan. Naalala niya tuloy si andrei , ganyan din ang reaksyon kapag inaaya siya tapos nag aalangan siyang sumama..

Ipinilig niya ang kanyang ulo sa biglang pagbalik ng masakit na ala-ala.

Andrei and boss jacob is different.
Wag mong pagkumparahin at baka mawindang ka na naman sa kaiisip ,helena..

Untag niya sa sarili.

(Helena?..still there?)

Saka niya lang namalayang nasa linya pa pala ang kausap.

"O-opo,boss.. Sige.. Ah..boss, kukunin ko na din ang pagkakataon na ito para po magpaalam sana na uuwi muna sa laguna.."

(Why?)

"Binyag po kasi ng bago kong pamangkin,. Itong linggo na po. Nagpaalam na po ako kay ms.barbie at pumayag naman po siya. Iniimbitahan ko nga din po pala kayo." Sabi niya na tila parang may pag-aalangan.

(You invited me to your family's special occasion?.. Oh! Sure! Gusto mo,sabay na tayo na lumuwas?)

"Ah.. Hindi na po boss nakakahiya naman po. Thank you boss. Sige po,matutulog na ako."

(Ok..goodnight, see you this coming sunday. thanks for the invite.)

At nawala na ito sa linya.

Bakit ang gaan ng pakiramdam ko sa reaksyon niya? Natutuwa ako sa reaksyon niyang iyon.. Para siyang bata..malayo sa boss jacob na sinasabi nilang mr.cold boss..

Bulong ng isip niya habang lihim na napapangiti.















*****
"Good morning kuya! Ang aga mo yata sa shop ko? Anong meron at naka porma ka?" bati ni tiffany isang umaga nang puntahan siya ni jacob sa kanyang munting botique na nasa loob ng isang malaking shopping mall.
Ang tiff's stuff..kung saan makakabili ka ng mga pwedeng iregalo sa kahit anong okasyon,makakabili ka rin dito ng mga kailangan sa iyong birthday parties,and any gatherings.. May gift wrapping din sila,aesthetic man o ordinary gift wrapping, nagtitinda rin kasi sila dito ng alahas,. Pundar ito ni tiffany kasosyo ang mapapangasawa na si enrico. Bibihira siya na dalawin ng kapatid sa shop,dahil sobrang subsob sa trabaho.

My Boyish Babeحيث تعيش القصص. اكتشف الآن