Jacob's first heartache

0 0 0
                                    

"May dinala ba ditong ernesto garcia?" tanong ni helena sa in charge nurse na abalang nagsusulat sa kanyang chart.

Sasagot sana ito subalit may isang boses na ang sumingit.

"Helena? Anong-" manghang tanong ni lorie nang mamataan ang hipag sa lobby ng ospital, bibili lang sana siya ng makakain sa malapit na kainan sa labas ng ospital habang tulog si estong, ngunit di niya inasahang makikita roon ang hipag,sa ganoong itsura.

Dali-daling tumakbo si helena sa kanyang ate lorie at yumakap ng buong higpit habang humahagulgol.

Inaya ni lorie ang hipag sa silid ni estong upang doon mapag usapan ang naganap.

Naka private room si estong kaya malaya silang makapag uusap ng walang ibang nakakarinig. Ipinahiram muna ni lorie ang baon niyang damit sa hipag bago niya inusisa ang pagdadalamhati nito.

Hindi agad sumagot si helena sa tanong ng kanyang ate,matapos makapagpalit ng damit na puting t-shirt at paldang below the knee na kulay asul,ay naupo na ito sa silyang nakatapat sa higaan ng kapatid. Hinaplos nito ang kamay ng kanyang kuya na natuturukan ng swero. Pinagmasdan niya rin ang nakabendang sikmura nito kung saan marahil napuruhan ang kanyang kuya.

"Nahuli na po ba ang may gawa nito kay kuya estong?" tanong ni helena ng may pag aalala subalit hindi inaalis ang paningin sa kanyang kuya.

"Oo,nadampot na daw ng tanod sabi ng kuya ramon mo kanina bago ka dumating.." sagot naman ni lorie.

"Ano po ba ang nangyari?"

"Isang lalaking lasing daw ang biglang nag amok sa loob ng kainan hindi ko alam ang buong detalye dahil nasa palengke ako noon, halos ginabi na ako pabalik dahil may pinabili pa ang kuya mo sa centro para sa sasakyang inaayos niya.. Nang malaman ko iyon,agad na tumungo ako dito,at iyon,tinawagan kita nang malaman kong ligtas na si estong.." mahabang paliwanag ni lorie na ngayon ay nakaupo na sa dulong kama ni estong.

Tahimik lang na nakinig si helena. Parang gustong iabsorb ng isip niya ang lahat ng ganap pero hindi kaya.

"Ako naman ang magtatanong.. Anong nangyari sa iyo?"

Napabuntong hininga si helena bago sinagot ang tanong ng hipag.

"Ate... Si andrei at boss jacob ay magkapatid..." malamlam ang kanyang tinig.

"Ano?! Paanong-..." hindi na itinuloy pa ni lorie ang pagtatanong,dinamayan na lamang niya ang pighati ng hipag.

"Hindi ba at inaasahan mo na ito? Ano at parang labis kang naapektuhan na malamang magkapatid sila? Ito ang hinihintay mo di ba?" muling tanong ni lorie na ngayon ay nakaupo na sa labas ng silid ni ernesto kasama si helena, upang di maabala ang pamamahinga ng huli.

Minsan ng nasabi ni helena ang tunay niyang pakay sa hipag. Ito lang ang bukod tanging nakababatid kung bakit bigla siyang nagbago sa tagal ng pagtatago niya sa likod ng pagiging tomboy. Alam din ni lorie ang tungkol sa madalas na panaginip ni helena na isang sanggol at bigla ay nagiging bata na sinasabing ituloy ang pangarap niya at patawarin na ang sarili niya.

Nanatiling nakayuko si helena at humihikbi lamang. Dahil maging siya ay naguguluhan na.

"Aminin mo nga sa akin,helena? Nahulog na ba ang loob mo kay boss jacob?" lakas loob na tanong ni lorie.

"H-hindi ko alam ate... Ang tanging alam ko lang...nag nasasaktan ako sa nalaman ko..pakiramdam ko napaglaruan ako ng magkapatid! Pakiramdam ko nung mga oras na iyon,di ko man nakita si andrei ay pinagtatawanan niya ako,dahil muli akong nagamit ng isang kadugo niya! Parang muling bumabalik sa akin ang lahat ng sakit na salitang narinig ko kay andrei.." napasubsob siya sa kanyang palad at muling humagulhol.

My Boyish BabeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon