Isang linggo na ang lumipas, nagpasya ang pamilya ni ernesto na magbakasyon muna sa probinsiya nila elisa, kasabay noon ang paglayo rin ni helena.
"Nagbakasyon lang si ernesto,pati si helena ay nagbakasyon rin? Hindi ba at may kompitisyon siyang dadaluhan sa china? Anong nangyari?" tanong ni ramon isang umaga sa asawang si lorie habang nag aagahan kasalo ang dalawa nilang anak.
Dalawang araw matapos makaalis ng mag asawang ernesto at elisa ay nagpaalam si helena sa kanyang kuya ramon na magbabakasyon muna sa bayaw nito na kapatid ni lorie.
Walang dahilan na iniwan kaya naman naguguluhan siya sa nangyayari sa kapatid."Baka naman gusto lang mag break sa work ng kapatid mo,ikaw naman.. Hayaan mo na nga siya at nasa tamang edad rin naman na siya.." pilit na pinakaswal ang boses upang di mahalatang may inililihim.
Nananatiling nakayuko si ramon at tinitingnan ang tasang laman ay mainit na kape habang hina halohalo ng kutsarita.
"Yung totoo lorie,may alam ka ba? May itinatago ba kayong dalawa sa akin ni helena?" wika nito,this time ay seryoso ng nakatingin sa asawang abala sa pagliligpit ng pinagkainan ng mga anak.
"Ramon,wala kaming itinatago sa iyo. Kung sakaling meron man,ay hayaan mong kusang magsabi sayo si helena,. Sa ngayon ay hayaan mo na muna siya. " at tumungo na ito sa kusina dala ang mga pinagkainan.
Batid ko na may panibagong inililihim ang kapatid kong iyon, nawa ay di na kasingbigat ng nakaraan,dahil baka di ko na makontrol pa ang emosyon ko..
Kung noon ay hinayaan ko sila inay at itay sa desisyon nila kay helena,ngayon kung muli ay katulad pa din ito ng dati,patawarin ako ng Diyos baka makapatay na ako!Kuyom ang palad na untag ng isip ni ramon.
"Boss!!! Oh my God! My goodness gracious!!" natatarantang bulalas ni barbie isang umaga nang nagmamadali itong sumugod sa office ni jacob na abalang nakatunganga sa tinago niyang larawan ni helena. Maagap niyang itinago ang larawan sa drawer ng kanyang table at hinarap ang naghihisteryang si barbie na talo pa ang nakakita ng multo.
"what with the rush?" tanong ni jacob.
"We have a major problem boss! A big problem to solve at once!!" sabi nito habang namamaypay pa ng kanyang kamay sa sarili dahil sa sobrang tensyon na nararamdaman.
"And what is that?" kaswal niyang tanong.
"Helena is already resigning! Kung kaylan isang linggo na lang ay lilipad na kami pa china! Look!" at may kalakasang nailapag niya sa mesa ng kanyang boss ang katatanggap pa lang na resignation letter from helena.
May kung anong kaba ang biglang bumalot sa katawan ni jacob habang tinitingnan ang sobreng iyon na naglalaman ng resignation letter ng dalagang una niyang inibig sa tanang buhay niya. Parang gusto niyang pilasin at hindi tanggapin ang sulat na iyon at pabalikin sa kumpanya si helena,subalit,nauunawaan niya ang dahilan nito. Naniniwala siyang iniisip ni helena sa kanya ay katulad din siya ng yumaong kapatid.
"What do we do boss!? Helena is our top endorser! At siya ang inaasahan ng chinese co partners natin na sasabak sa modeling tour! Ano ang sasabihin natin sa kanila?"
"Tell them— "
"Oh no boss!! Don't tell me na susuko ka na lang... Hindi ang boss na nasa harap ko ang kilala kong boss jacob! Ang boss jacob na kilala ko ay palaban at d sumusuko sa kahit anong laban!" engganyo ni barbie. Nahalata kasi agad niya na suko na si jacob base na rin sa malalamlam nitong pakikipag usap sa kanya.
"Tutuloy kayo sa china, andito man o wala si hel— ms.garcia.. You may leave now,barbie.." wika nito na may halong lungkot.
"P-pero..." napabuntong hininga na lamang si barbie sa reaksyon ng kanyang boss,lalo pa at ipinihit na nito patalikod ang inuupuang swivel chair at humarap sa floor to ceiling glass window at tinatanaw ang buong city ng makati.

VOUS LISEZ
My Boyish Babe
NouvellesHelena is only sixteen nang makilala niya at tuluyang umibig sa isang pinakamayamang binata sa mundo ng fashion industry. Subalit sa huli ay dudurog sa mura niyang puso at paniniwala sa pag ibig. Sa paglipas ng panahon, pinili niya ang mabuhay sa il...