"Ang sakit ng ulo ko! Anong oras na ba? Lorie!!" sigaw ni ramon isang umaga nang magising ito sa silid nila na masakit ang ulo dahil sa magdamagang inuman.
"Eto na ang kape mo,mahal ko.." lambing ni lorie sa asawa nang maihatid ang isang tasa ng mainit init pang kape.
"Grabe,sakit ng ulo ko! Sandali nga pala,.. Lasing lang ba ako kagabi o talagang nakita ko at nakainuman si andrei?" nagtatakang tanong ni ramon sa asawa.
Napalingon naman sa pagtataka si lorie na abalang inaayos ang higaang double deck ng kanilang anak na nasa labas na at naglalaro. Kasama nila sa isang kwarto ang mga bata habang ang isa ay ang dating silid ni helena.
"Anong sinasabi mong nakainuman mo si andrei? Wala naman dito yung tao."
Napapaisip si ramon habang umiinom ng kape. Parang sigurado siya sa sariling nakainuman niya ang dating nobyo ng kanyang kapatid.
"Ang mabuti pa mahal,pumanaog ka na at kanina pa naghihintay ang mga parokyano mo sa labas. "
"Oo nga pala! Kukunin na ni konsehal yung auto niya dito mamayang hapon!" agad na gumayak ito palabas ng silid para magsimula na sa kanilang talyer.
Napapailing lang si lorie sa asal ng asawa. Pero,maging siya ay nagtataka.. Hindi na lang niya pinuna pero parang nakakahawig ni andrei ang boss ni helena. O marahil ay guniguni lamang niya.
Two weeks after ng flight nila helena patungo ng china, ay ipagdiriwang muna ang kaarawan ng founder na tinatawag ng lahat na mamita.
Napakagarbo ng paghahanda na may temang pang sinaunang siglo, mala spanish empire ang peg,with modern twist.
Gaganapin mamayang gabi ang pagdiriwang sa grand villa hotel
na isa sa pag aari ng pamilya mendez.Imbitado ang halos lahat ng nasa industriya,mapa celebrity man o writers sa magazine.
Bukod pa sa mga modelo ng JMA ay imbitado rin ang mga share holders na dumayo pa galing europa,at china.
Hindi naman maitago ni helena ang kaba, hindi niya mawari sa sarili kung bakit may iba sa nararamdaman niya.
Kutob na parang di maganda.
Tiningnan niya ang damit na isusuot sa gabing iyon, filipiniana na kulay yellow at may strands ng black at ilang crystals sequence sa palibot ng saya na may burda. Pinasadyang ginawa ng personal designer ni jacob mula pa sa europa."Ang swerte mo talaga,girl! Biro mo,pinagawaan ka pa ni boss ng isusuot sa birthday ng mom niya!" sabi ni happy na abalang nagkucurl ng kanyang buhok at kinakausap si helena thru vanity mirror.
Napalingon naman si helena sa kausap,subalit ang kaba niya ay mababakas na sa kanyang hitsura.
"Gosh! Why? What's wrong friend?" nag aalalang tanong ni happy at itinigil muna ang pag aayos ng kanyang buhok saka binalingan ang kaibigan.
"H-hindi ko nga din alam eh.. Basta,parang kinukutuban ako ng masama?"
"Relax ka lang..baka,naoverjoyed ka lang kasi sunod sunod ang swerteng pumasok sayo in less than a year.. Just pray na maging okey na ang pakiramdam mo,. " engganyong sabi ni happy habang hinihimas himas ang palad ni helena na nanlalamig dahil sa kaba.
"Girls! Get ready,the party will be start within five minutes.." sabi ni barbie nang bigla itong sumilip sa silid na inokopa ng ilang modelo kabilang sila happy at helena.
Agad na silang nag ayos at nagbihis. Huminga ng malalim si helena bago isinuot ang gown,. Sana nga ay mali ako ng kutob.
Yun ang sinasabi niya sa sarili.
KAMU SEDANG MEMBACA
My Boyish Babe
Cerita PendekHelena is only sixteen nang makilala niya at tuluyang umibig sa isang pinakamayamang binata sa mundo ng fashion industry. Subalit sa huli ay dudurog sa mura niyang puso at paniniwala sa pag ibig. Sa paglipas ng panahon, pinili niya ang mabuhay sa il...