"mamita"

0 0 0
                                    

"Ang saya saya! Malapit na ang birthday ni mamita,ano kaya ang theme ng birthday niya this year?"

"Grabe yung 50th birthday niya,naaalala ko pa all are gold!"

Kanina pa nakikinig lang si helena sa usapan ng dalawa sa mga naging kaibigan niya sa modeling. Nasa penthouse siya ngayon at nag iistay dahil sa pakiusap ni barbie.

Nalalapit na kasi ang competition nila na gaganapin sa beijing,china. Kaya talagang dapat ay nakatutok sila at para less hassle,ay pumayag na din siya.

Dumadalaw dalaw din naman siya sa penthouse kapag may gatherings..

Nasa sala silang limang babae at nag uumpukan habang ang iba ay nasa kwarto,ang iba ay wala dahil nasa trabaho. Almost 20 silang nakatira dito,. At kung pagmamasdan sila akala mo ay mga contestant sa asia's next top model dahil talaga namang ang gaganda nila at ang tatangkad pa. Ang iba nga sa kanila ay sumasali paminsan sa mga beauty pageant.

"Uy! Helena! Tahimik ka diyan? Hindi ka ba excited? Magpaparty party tayo bago umalis ng bansa!" wika ng katabi ni helena na si happy,. May maigsing buhok pixie haircut na bagay naman sa payat niyang pangangatawan, at mestiza katulad din ni helena.

"Duhh! Happy,ano ka ba?! Taon na tayo sa industriyang ito,while helena is less than a year pa lang,malamang di siya nakaka-relate.." sabi naman ng katapat na babae ni helena na busy sa kakaswipe ng kanyang phone.

Akala nila tuloy ay di nakikinig,.
Updated din pala sa kanina pa topic ng mga kaibigan ni helena.

"Ay! Oo nga pala!" sabi ni happy na nangingiti na lang.

"Anyway, sigurado akong ikatutuwa mo ang birthday ni mamita, kasi naman sa tuwing birthday niya,akala mo,pasko! May regalo ang lahat!" Masayang balita ng babaeng busy sa pagswipe ng phone,but this time nakaharap na siya sa kausap.

May kilala akong ganyan noon.. Pero..siguro nagkataon lang.. Nagkakataon nga lang ba talaga ang lahat?

"I'm so excited na to shop online!" sabi ni happy.

"Gaga! Anong online?! We're models duh!? May mga sponsor na tayo noh!"

"Ay,oo nga pala.. Teka! Ikaw helena? May sponsorship ka na din ba?"

"Wala pa eh,pero.. Pwede naman ako tumingin tingin muna,tutal matagal pa naman siguro?" kampanteng sabi niya.

"Matagal ka riyan!? Three weeks na lang birthday na ni mamita!"

Three weeks?
Natatandaan ko ganitong buwan din ang birthday ng mom ni andrei,and like this mamita na tinatawag nila, mahilig din siyang mag ala santa!? Hindi kaya...

"Sandali lang,happy.. M-matanong ko lang.. A-anong pangalan ng mamita na tinatawag ninyo?" kinakabahan niyang tanong.

"Walang may alam. Basta ang tawag namin sa kanya is 'mamita' yun lang.." kaswal na sagot ni happy. "..why you asked?"

"W-wala naman ,nacurious lang.."

Relax,helena.. Don't be so paranoid.. Hindi siya iyon.. Pero paano kung siya iyon? Paano? Anong gagawin ko? Anong mararamdaman ko?

Patuloy na bumubulong ang isip ni helena kaya di niya namalayang may tumatawag pala sa phone niya.

Kung di pa siya siniko ni happy,ay di niya mapupuna. Dagli siyang nagpaalam sa umpukan para lumabas saglit at sagutin ang tawag.

Si mr.darvin pala.

"Hello,sir? What can i do for you?"

(Hi,helena.. I want to asked if its okey with you to have a date with me?)

"Ahh... I'm so sorry sir,but our company might be in trouble if i accept your invites.. Just ask miss barbie.." sabi niya, ayaw niyang maging bastos sa big client ng company,pero,ayaw niya din na manligaw ito sa kanya.

Hindi dahil sa matanda na ito,kundi dahil,wala naman siyang feelings para dito kundi isang employer to employee lamang.

Simula pa lang sumikat ang iniendorso niya ay nagpahayag na ito ng damdamin,pero pilit niyang tinatanggihan.

Alam niyang mangungulit na naman ito,kaya nagkunwari siyang may call waiting kahit wala naman talaga.

Nang maoff ang phone at bumalik sa umpukan,puros panunukso ang bungad ng kanyang mga kaibigan.

"Haba talaga ng hair mo helena!! Biro mo,hindi lang si boss jacob ang nasilo mo,pati si mr.darvin! Ikaw na ang dyosa!" natatawang buyo ni happy na tinawanan lang din ng ilang kausap niya.

"Ano ba sikreto mo,tagal ko ng nag papacute diyan kay boss,deadma ang beauty ko eh.." sabi ng isa pang kausap nila..

"Oo nga! Mr.cold boss nga ang tawag ng karamihan sa kanya,kasi talgang so manhid niya!" himutok naman nung isa.

Kibitbalikat lang ang sagot ni helena. Kasi kahit siya,di niya din alam kung anong nagawa niya para mabihag ang puso ng dalawang lalaki na iyon,at tila wala siyang interes na malaman dahil para sa kanya,sa simula lang yan. Para sa kanya,parang si andrei lang yan,.
Isang malaking pagpapanggap.















Nagpatuloy si jacob,nagpursige na mapalapit kay helena. Sending her flowers kahit hindi inaaccept ng dalaga.

Hanggang sa magmessage na siya na bigyan siya ng chance,as a friend maybe..

Kaya pinaunlakan naman ni helena,. Iisipin niyang isang kaibigan si jacob at hindi manliligaw,dahil sa totoo lang may namumuo ng paghanga sa puso ng dalaga. Pilit lang nitong kinokontra.
Nais ni helena na magawa muna niyang mapatawad si andrei,bago buksan ang puso kay jacob o sa kanino mang lalaking mararamdaman niyang ito na nga.
*******











"How's the trip?!" masiglang salubong ni jacob sa ina at kapatid na nagliwaliw pa sa ibang bansa bago bumalik ng pinas para i-celebrate ang birthday ni susana,three weeks from now.

Pinagbuksan niya ng pinto ng kanyang black porch ang ina at kapatid sa back seat at siya ang driver,siya ang sumundo sa halip na ang kanilang driver,dahil gusto niya lang.

Napansin ng mag ina ang maaliwalas na mukha ni jacob kaya naman napabulong si tiffany sa ina.

"Mom, you think kuya is in love?"

"I guess so..hope it is, cause its about time na.."

Nangingiting tugon ni susana.

"I heard your gossips.. At your birthday mom,i will introduce her..the girl i court with.." masayang sabi ni jacob habang ang mata ay nakatuon sa kalsada.

"So it's true! Oh my! Really so excited to meet this girl!"

"So do i, mom! And hopefully,sagutin na niya agad itong si kuya para di na tawagin sa office na mr.cold boss!" sabay tawa dahil sa pagkantyaw kay jacob.

Napapailing lang si jacob sa kantyaw ng kapatid,ngunit nananalangin din siyang sana nga ay sagutin na siya ni helena.

Dahil,sigurado na siya sa nararamdaman niya sa pagkakataong ito.

She loves helena.
And si helena lang ang nakikita niyang makakasama  hanggang sa siya ay tumanda.

My Boyish BabeWhere stories live. Discover now